Kai's POV
Ilang linggo na akong hindi pinapansin ni Hyoyeon. Kinakausap ko sya pero di nya ako sinasagot. Pagpumapasok ako dito sa room nya, agad syang tatalikod at iiwas. Nagtataka na nga ako eh.
Hindi ako naiinis sakanya. Naaawa ako and the same time, nalulungkot. Naging kaibigan ko na rin yang si Hyoyeon kaya masakit rin saakin na makita syang nahihirapan.
Naglalakad ako ngayon sa mahabang hallway dito sa fifth floor papunta sa Room 561. Dala-dala ko ang magiging pagkain ni Hyo kasi paniguradong gutom na yun.
And I wonder kung bakit di na sya binibisita ni Taemin. Eh wala ngang araw na hindi sya binibisita nun eh. Mahal talaga nila ang isa't isa bilang magpinsan no?
Kamusta na kaya si Kyungsoo? Namimiss ko na sya kahit ang huling usap namin ay yung kagabi.
Nang makarating na ako sa pintuan ng room ni Hyo ay agad ko yung binuksan. Napangiti ako nang makita syang tulog sa higaan nya. Parang may nagbago. Parang.... may kakaiba.
Nilagay ko ang dala ko sa couch ng room at lumapit sa hinihigaan ni Hyo. Namumutla sya.
Napakurap ako nang makita ko na nasa sahig ang mga wires na nakakonekta sa katawan ni Hyo. Pinulot ko yun at tiningnan. Tumingin ako kay Hyo na natutulog.
O natutulog nga ba.
Agad kong inalis ang kumot na nasa ibabaw ng katawan nya at dun ko nakita ang nakakalat nyang dugo. Nakakagulat lang. Saan galing ang dugong yun?!
Agad kong kinuha ang telepono para tawagin ang doctor at nurse.
Nang masabi ko na sakanila ay agad kong chineck si Hyo. Nakita ko ang pulso nyang maraming dugo. At puno rin yun ng laslas.
Shit!
------
Dear Kai,
Sana maging masaya kayo ni Kyungsoo no? Wag mo syang sasaktan kasi alam mo bang ginawa ko to para wala nang hahadlang sainyo. Kai, thank you for being a friend to me. Kahit wala na akong pamilya, still nagpapasalamat parin ako sainyo ni Taemin dahil andyan kayo sa tabi ko. Di ko kayo makakalimutan kahit kunin pa ako ni kamatayan haha! Tsaka pakisabi sa members ko na mahal ko sila. Sa mga fans rin na nagsusuporta sa The Hell, wag mong kalimutan ah. Ang dahilan kung bakit hindi kita pinapansin kasi ayaw kong makitang nasasaktan ka. Alam kong nasasaktan ka Kai at nakikita ko yun. Alam kong gusto mo nang makasama si Kyungsoo or ang Dodong mo hehe. Alam kong pinilit ka lang ni Taemin na maging boyfriend ko para mapasaya ako. Pero di naman yun kelangan eh. Kasi sapat na sakin na nasa tabi lang kita bago ako mamatay. Mahal kita Kai at nagpapasalamat ako dahil andyan si Kyungsoo. Mahal ko rin ang pinsan ko, pakisabi sakanya ah. Yun lang. Wala na akong masabi eh. Gusto ko nang nawala sa mundo. Lol! XD
Hyoyeon.
"Hyoyeon, i'm sorry" bulong ko.
Bumukas ang pinto ng room ni Hyo at nakita kong pumasok si Taemin. Nakita kong namamaga yung mga mata nya. Tumingin sya sakin at umupo sa couch ng room.
"Alam mo ba na gagawin nya yun?" Tanong ko.
Kinagat nya ang labi nya at parang papaiyak nanaman sya. Tumango sya bago bumuhos ang mga luha nya.
Naaawa ako sakanya. Tinuring nya rin na parang kapatid si Hyoyeon at sya ang tumatayong kuya ni Hyo dahil wala na tong pamilya.
"Ang sakit. Hinayaan ko syang gawin yun" sabi nya, "Ginawa ko lang naman yun kasi yun ang nagpapasaya sakanya. Makita ka lang nyang masaya, sapat na sakanya. Dapat ako magalit sayo eh! Pero hindi ko sya masisisi kasi minahal ka nya higit pa sa buhay nya. Stage 4 na ang sakit nya Kai at nahihirapan na sya. At ayokong makita syang nahihirapan. Kaya bago nya gawin yun, sinabi ko na lahat ang gusto kong sabihin sakanya. Nakakalungkot lang kasi sa phone pa kami huling nagusap" pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko at pilit na ngumiti sakanya.
"Sorry Taemin. Di ko nasuklian ang pagmamahal nya sakin" sabi ko.
"Hindi naman kita sinisisi Kai eh kasi alam ko kung gano mo kamahal si Kyungsoo. Dapat nga magpasalamat ako sayo eh kasi kung wala ka, baka noon pa sumusuko si Hyo"
Ngumiti ako at tinapik sya sa balikat, "minahal ko naman si Hyoyeon eh. Minahal ko sya bilang kaibigan. Diba atleast, love parin yun?" Ngumiti lang sya at tumango.
------
An: Patawarin nyo ko. Hindi ko intensyong patayin si Baby Hyo ko. Lol! Bias ko si Hyoyeon at masakit isipin na dinamay ko sa kahibangan ko si Hyo. Hahaha! Pero seryoso, sorry sa mga hyoyeon bias jan kagaya ko (kung meron man. Hello nalang! Haha) mahar ko kayo
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanfictionEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...