Kyungsoo's POV"Pororo-ah. baka gusto mo ng makakain?" Tanong nya sakin.
Nagpout naman ako habang nakatingin sakanya.
"Dapat kasi sa bahay nalang tayo kumain Krung~ Mas masarap ako— m-magluto alam mo yun?" Sabi ko.
*click!* Puta !
"Ayaw mo ba dito Pororo?" Tanong nya.
*click!* Tangina !
"Di ba obvious" nagfake smile ako sakanya. Tumango naman sya at tinayo ako sa pagkakaupo ko.
"Dadalhin nalang kita sa bahay ko" sabi nya sabay hawak sa kamay ko at dinala ako palabas.
Sumimangot ako nang makitang ang rami palang tao sa labas ng resto na pinasukan namin. Shet lang! May dala pang camera. Hula ko, titrending nanaman kami -,- Humanda kayo Aldub. Joke!
Nakarating kami sa bahay ni Kai at first time ko dito in forever ! Ang laki naman pala ng bahay ni Kai pero medyo di gaano sila mayaman. Ayun kasi sa facts nya, lumaki sa hirap si Kai before nung sumikat sya bilang isang member ng KSY. At nalaman ko ring nakatira sya with his Lola.
"S-sorry sa bahay ? Sana pala di nalang kita dinala dit—"
"Ano ka ba Kai! Bakit ka nagsosorry? Okay naman bahay nyo ah! Ang laki nga eh" sabi ko at naunang maglakad.
"Sinasabi mo lang ba yan kas—"
"Totoo yun sinasabi ko" tumingin ako sakanya at hinawakan ang braso nya, "gusto kong makita bahay nyo. Bilis!" Sabi ko at hinila sya.
Pumasok kaming dalawa sa bahay nila. Sumilip ako sa loob. Baka kasi andun yung Lola nya eh.
"Pasok ka. Si Lola kasi, nasa palengke pa ata" sabi nya at pumasok sa loob. Sumunod naman ako at nilibot ang paningin ko sa loob.
"Bakit di nyo napagisipang bumili ng bagong bahay?" Tanong ko sakanya.
Binuksan nya ang ref at kumuha ng dalawang yogurt dun. Waaah! Nagcecrave pa naman ako nun :d
"Nagpromise ang Lola ko na hindi namin iiwanan ang bahay ni Lolo" kwento nya at nilapag ang hawak nya sa mesa.
"Pero diba, may sarili kang condo at may mansion ka na rin sa Incheon?" Tanong ko.
"Pano mo nalaman" napatigil ako at napaiwas ng tingin.
"Fan ako ni Chanyeol eh kaya alam ko rin ang info ng ibang members" sabi ko at umupo sa upuan nila.
"Well tama ka. Binili ko ang mansion ng yumaong tita ko sa may Incheon kasi dun kami tumira ni Lola nung nasunog tong bahay ni Lolo. Inayos namin to kasi yun ang kagustuhan ng Lola ko. Ayaw nya talagang umalis sa bahay nato. Yung condo ko naman, para yun sa trabaho ko. Malapit lang kasi yun sa Entertainment ng band namin" tumango tango naman ako habang nakahalumbaba sa mesa nila.
"Nakakalungkot naman. Mahal na mahal talaga ng Lola mo ang Lolo mo no? Buti ka pa" sabi ko.
"Bakit?"
"Yung lolo ko kasi, pinatulan ang baklang first love nya nuon. Aish! Ang ewwie lang no! Uso pa pala ang boyxboy noon" sabi ko.
Tumawa sya at umupo narin sa harapan ko. Binigay nya sakin ang yogurt na nasa table na agad ko namang kinuha.
"Jongjong apo! Asan ka na?" Rinig kong sabi ng isang matanda sa labas.
"Andyan na si Lola. Dito ka muna" sabi nya sabay tayo at pumunta sa pintuan.
Jongjong? Bakit jongjong ang tawag ng Lola nya sakanya?
"Ah apo? Sino to?" Napatayo ako at nagbow sa babaeng matanda na nakatayo sa harapan ko.
"Magandang tanghali po Mrs. Kim" bati ko sabay bow.
"nako iho! Hindi ako ina ng appa ni Jongjong. Jo ang apilyedo ko. Jo In Ah. Tawagin mo nalang akong Lola Inah" sabi ni Lola sabay pat ng ulo ko. Ngumiti naman ako.
"Lola, sya nga po pala si Kyungsoo" sabi ni Kai sabay akbay sakin.
"Boypren mo apo?" Tanong ni Lola.
"D-di po haha ! Kaibigan" oo dapat yun Kai eh!
"Nako Jongjong ah! Magingat ka sa panahon ngayon! Marami nang nagka-same sex marriage, baka isa ka dun ah" tumawa kaming dalawa ni Kai.
"Wag naman po ganun Lola! Hahaha!" Sabi ni Kai.
"Osya! Magbihis muna si Lola. Ingatan mo bisita mo apo" sabi ni Lola Inah at pumunta sa isang kwarto.
"Ang bait ni Lola Inah" sabi ko.
"Mabait talaga yang si Lola!" Sagot naman nya.
"Eh san ka nagmana?" Tanong ko.
"Aba! Sakit nun ah!" Sabi nya sabay nguso.
Tinawanan ko lang sya at sinampal ng mahina ang kanyang pisngi.
---
"Ano gusto mong panuorin?" Tanong nya sakin
"Paranormal Activity" sabi ko sabay palakpak. Ngumisi sya bago ipasok ang tape sa DVD player nila.
Umupo sya sa tabi ko at inagaw sakin ang hawak kong popcorn.
Nagstart na ang movie at medyo di pa nakakatakot kasi una palang. Pero nung nagsimula na ang Night #1... medyo nakakakilabot na kasi lumabas na daw si Tobi. Sumiksik ako kay Kai ng kunti.
"Ay mama!!" Sigaw ko sabay takip ng mata. Nakakagulat naman ito bwesit!
"Wag kang pumasok Leila!!" Sigaw ko nang bumukas ang pader sa ibabaw ng kama nung bata. Pumasok ang bata dun kaya napatakip ako ng mata.
"Uy! Umaga na oh" bulong ni Kai. Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti naman at umaga na sa movie. Dahil kung maggagabi nanaman, mas woworst pa ang katatakut—
"AHHH!! DEMONYO! DEMONYO! KYAAAAAAH!!!" Tili ko at nagtago sa likod ni Kai.
Biglang nawala ang tunog galing sa tv kaya nagtaka ako. Tumingin ako kay Kai at nakatingin sya sakin. Shet! Pano to?
"Wala na si Tobi" bulong nya at nilagay ang braso nya sa balikat ko, "pinatay ko na" nakangiti nyang sabi at tinuro ang TV.
Napairap ako at hinampas sya sa braso, "Ewan ko sayo Kai! Una na ako" sabi ko at tumayo na.
"Huh? Bakit?" Umirap ulit ako.
"Ayaw mo ba akong pauuwiin!?" Tanong ko at ngumuso.
"Kung pwede lang" sabi nya at ngumisi.
"Argh! Ewan ko sayo! Jan ka na nga!" Sabi ko at umalis na ng bahay nila, "Ah! Salamat nga pala. I'm having fun" sabi ko at tuluyan nang umalis.
"Sana bumalik ka ulit" bulong nya. Siguro akala nya di ko yun narinig huh?
"Gusto mo no?" Pang-aasar ko.
"Bingi ka ba? Sabi ko, sana bumalik ka ulit para makilala mo ng maayos si Tobi" tss.. if i know.. , "Kasi gusto kong magaya ka ni Leila... Kunin ka rin ng demonyo. Bwahahaha!"
Padabog akong umalis at nagpara ng taxi, "IKAW SANA ANG MAUNA!!" sigaw ko sakanya bago pumasok ng kotse.
Argh! Kai Kim, mapapatay talaga kita -_-
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanfictionEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...