41. (Part II)

1.3K 65 0
                                    

Kyungsoo's POV

Napasinghot ako dahil trinaydor ako ng luha ko kanina. Bushet! Bakit kasi umiiyak ako sa letter na to?!

Napatingin ako sa isa pang box. I wonder kung ano ang laman nito. Binasa ko ulit ang sulat na nasa papel na nakadikit sa gilid ng box.

Memories.

Kunot noo kong binuksan ang box. Agad akong napasinghap. Yung mga binibigay kong gamit kay Jongin noon, andito lahat. Yung picture ko, yung bracelet, kwintas, may munting shell pang andun nung nagbakasyon kami sa Jeju.

And each of them ay may papel na nakadikit. Binasa ko iyun lahat.

Picture

Dong, naalala mo to? Yung dalawa ang binigay ni Maam sayo na ID picture? Yung binigay mo sakin yung isa para remembrance. Sana naalala mo yun. Di mo alam kung gano ako kasaya dahil saakin mo binigay ang picture mo. Haha! ~Nini

Bakit ko naman yun makakalimutan? One of our memories rin yun Jongin.

Bracelet

Nakalimutan ko na kung kelan mo to binigay sakin. Hmmm~ Joke lang! Never ko tong makalimutan haha! Dito nagsimula lahat right? Yung pagtawag mo sakin ng Nini at pagtawag ko rin sayo ng Dodong. Birthday ko pa nga yun eh. Natandaan mo ba? ~Nini

Syempre naman Nini. Bakit ko naman yun makakalimutan.

Kwintas

Bakit mo nga ulit ako binigyan ng kwintas? Haha oo nga pala. Kasi nireject ka ng crush mo. Na supposedly, kay Sojin talaga yang kwintas na yan. Alam mo ba nagseselos ako nun kasi may gusto kang iba? Nah! Pero okay lang, atleast saakin mo nabigay yung kwintas ~Nini

Yeah. Nung nagpapanggap akong nireject ako ng crush ko para lang maibigay kay Jongin yung kwintas. Haha, naalala ko yun.

Shell

Haay~ Ang tagal na nito pero kasingputi mo parin. Naalala mo to? Nung natapakan mo to sa dagat then pinulot mo at binigay sakin. Yung sayo ba asan? Diba may kapartner to? Yung binigay ko sayo. I hope na andyan pa yun no? ~Nini

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon