32. Chanbaek

1.7K 74 4
                                    

Baekhyun's POV

Naglalakad parin ako papunta sa entrance ng park. Kagaya nung last, ang iksi parin ng dress na suot ko :'(

Nang matanaw ko na si Chanyeol, binilisan ko ang paglalakad kahit nakaheels ako.

"Chanyeol!" Tawag ko sakanya. Hinubad nya ang shades nya at tumingin sa direksyon ko. Binilisan ko pa lalo ang paglakad ko at dahil masyadong mabilis, natapilok ako at boom! Si lupa nanaman ang sumalo :'(

"Awch!!" Bulong ko at tinakpan ang tuhod kong may sugat na.

"Ang tanga kasi eh!" Rinig kong sabi ni Chanyeol habang patakbo sakin.

Inihipan ko ang tuhod ko. Woooooh! Ang hapdi X/

"Come on" sabi nya sabay luhod at tumalikod sakin. Tumayo ako ng kunti at umakbay sakanya.

"Yah! Ano bang ginagawa mo" tanong nya at tiningnan ako.

"I-Inakbayan ka? Kasi nagpa-alalay ako?" Patanong kong sagot. Nag-aassume ba ako? Edi sorry po~

"Hindi!" Sabi nya at hinila ang right arm ko sa right shoulder nya.

"Aray namn!!" Sabi ko at hinawakan ang kaliwang balikat nya gamit ang kaliwa kong kamay.

"Piggyback" sabi nya at dahan-dahang tumayo kaya inikot ko ang legs ko sa waist nya. Wait! Bakit ba nya ako ginaganito? Lalaki ako T^T

Nakarating kami sa kotse nya at pinaupo naman nya ako sa mukha ng kotse nya. Teka, bakit dito? Diba dapat pupunta na kami sakanila?

"Jan ka muna. Ang bigat mo" sabi nya kaya umupo naman ako. Humarap sya sakin at pumwesto sa gitna ng legs ko. Uh. Parang ang awkward :/

"Di ka ba marunong mag-ayos!" Nagulat naman ako sa sigaw nya. Katakot naman nito! Parang may galit ata to sa mundo eh

Inayos nya ang wig sa ulo ko at yung lipstick sa lips ko. Nanunuod kasi ako sa mga makeup tutorial eh kaya alam ko kung pano ^^ Tsaka nag-e-eyeliner narin ako kasi ang cool at nakakamanly. Total, masyadong maliit yung mata ko kaya pinalaki ko.

"Mga iho, iha.. PDA kayo masyado" napatingin kami sa matandang naka-wheel chair.

"L-Lola?!"

Teka!! Lola to ni Chanyeol?

"Chanyeol apo!! Naku~ Kelandi mong bata ka. Bakit di mo sinabing kayo na pala nitong si Baekhee" sabi ni Lola ni Chanyeol. B-Baekhee? S-Sino ulit yun? , "Hi Baekhee!" Lumingon ako sa likod ko. Walang Baekhee dun so it means, ako nga.

"H-hi L-Lola" sabi ko sabay kaway.

Napatingin ako sa katulong sa likod ng wheel chair. Nakatitig sya sa legs ko. Kung siguro lalaki to, baka akalaing pervert to. Buti nalang at babae. Pero teka, bakit nga pala sya nakatingin sa legs ko?

O//O

Agad kong tinulak si Chanyeol at tumayo tsaka nagbow kunwari.

"Hehe sorry at nahuli nyo po kami" mahina kong sabi at binaba ang maiksi kong suot. Huhu eottoke na this!!

"Mana ka talaga sa ina mo!" Sabi ni Lola. Ngumiti lang ako at napakamot ng ulo.

"Lola, why are you here?" Tanong ni Chanyeol.

"Oh I forgot to tell you. Andito ako kasi namitas ako ng bulaklak. Ang gaganda kasi ng mga bulaklak dito sa park na ito" sabi nya.

"Bakit di nalang si Hayoung? Lola, dapat nagpapahinga ka ngayon" sabi ni Chanyeol sabay turo sa katulong na nasa likod. So Hayoung pala name nya. Maganda naman sya ^_^ Tsaka pamilyar :/

"Nah! Gusto ko rin namang gumala Yeollie. Hayaan mo si Lola!" Sabi ni Lola sabay tawa at inutusan si Hayoung na itulak ang wheelchair papunta sa kotse nila.

Inutusan rin ako ni Chanyeol na sumakay sa kotse nya kaya sumakay narin ako kaagad.

-------

Napangiti ako habang nakatitig sa isang litrato. Andun kasi si Mama, si Chahae halmoni tsaka meron ring isa pang babae. Siguro mama ni Chanyeol. Ang cute nilang tingnan!

"Tapos ka na ba sa pagtitig jan?" Tanong ni Chanyeol.

"Chanyeol?" Tawag ko pero nakatingin parin sa litrato, "natitigan mo rin ba to?" Tanong ko.

"A-ako? B-Bakit ko naman-"

"Wag ka nang magdeny. Alam kong may gusto ka sa Mama ko at dahil gusto mo sya, meron ring times na natitigan mo to" sabi ko.

"Fine oo na! Pero not always!"

"Wala akong sinabi" sabi ko sabay tawa.

"Tss! Tara na nga! Hinihintay na tayo ni Lola"

------

"Lola, ang sarap po ng pagkain! Nabusog po ako" sabi ko, "Salamat ng marami"

Tumawa si Lola, "wala yun Baekhee ano ka ba! Hug ka kay Lola" sabi ni Lola.

Lumapit ako kay Lola at niyakap sya. Bumitaw ako kaagad at nagbow.

"Bye na po Lola!" Sabi ko.

"Bye rin apo.. ingat ah" sagot ni Lola.

"Ihahatid ko lang po sya Lola" sabi ni Chanyeol at hinila ako palabas ng mansion nila.

Nakangiti kong niyakap ang sarili ko. Ang lamig kasi at nakadress pa ako.

"Chanyeol, di mo ba feel?" Tanong ko.

"Ang ano?" Tanong nya.

"Na... para tayong magkapatid" sabi ko sabay ngiti ng malaki.

"Tsss, as if gusto kitang maging kapatid" ang sungit talaga nito.

"Hindi kasi, gusto ko ring maging totoong Lola si Chahae halmoni. Parang totoo ko nga syang Lola eh. Na-imagine ko tuloy na magkapatid tayo" sabi ko at huminto sa gilid ng kotse nya.

Hinubad nya ang kanyang varsity jacket at nilagay ito sa likod ko.

"Wag mong i-imagine na magkapatid tayo" sabi nya at inayos ang paglagay ng jacket sa balikat ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Bakit? Kasi gusto ko...."

"Gusto mo???"

Tinapon nya ang susi na hawak nya sa isang driver na nakatayo sa kanyang gilid.

"Nevermind" andyan nanaman sya sya nevermind nya -,- pabitin eh.

Pumasok na ako ng kotse nang pumasok narin ang driver.

"Ihatid mo na sya manong" sabi ni Chanyeol sakanyang driver.

"Yes sir" sagot naman ng driver.

"Ingat lang sa pagdriver ha Mang Doon. Maging granddaughter-in-law pa yan ni Lola" napatingin ako saglit kay chanyeol. Di ko kasi narinig yung sinabi nya eh.

"Baekhee! Yung seatbelt mo!" Sabi ni Chanyeol at tinuro yung seatbelt sa gilid ko. Sinuot ko naman yun.

Habang nagda-driver si Manong, nakatingin sya sa front mirror ng kotse.

"Ah maam!" Tawag nya sakin. Maam talaga eh :3

"Po?" Tanong ko.

"Ano ba yung granddaughter-in-law?" Tanong ni Manong habang nakakunot pa ang noo.

Bakit naman kaya nya yun natanong?

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon