Kai's POV"Kai, tama na yan" hinawakan ni Krystal ang braso ko nang inumin ko na sana ang soju na binili namin sa convenience store. Binigyan ko lang sya ng tingin.
"May topak ka ba? Hindi ko pa nga nainom eh" kunot noo kong sabi sakanya.
"Ay oo nga pala. Sige inom ka lang. Di ko napansin eh" sabi nya at inayos ang buhok nya. Nginitian nya ako at umupo sa bench na nasa tabi ko.
Uminom muna ako bago sya kausapin.
"May nangyari ba?" Tanong ko sakanya. Tumingin sya sakin at nilakihan ako ng mata. Nilakihan ko rin sya ng mata kaya natawa sya.
"Gaga wala" sabi nya at sinampal ng mahina ang pisngi ko, "Problema ko to" dagdag pa nya.
"Oh? Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit magisa kang namomroblema jan?" Tanong ko sakanya.
"Kasi alam kong may problema ka rin kaya hindi ko na to idadagdag" sabi nya.
"Alam mo problema ko diba? Kailangan ko ring malaman yung sayo. Ang unfair mo" sabi ko.
Natahimik kami habang iniinom ko yung alak ko. Nang maubos ko na ang laman ng bote ay hinila ko ang kamay nya nang makatayo ako.
"San tayo pupunta?" Tanong nya nang hilain ko sya pabalik ng convenience store.
"Chill chill muna tayo"
-
"WOOOOOOH!!! GRABE PANO KUMALMA?!" tanong nya. Umirap at tumawa. Sana pala hindi ko nalang to pinainom.
"Tama na yan" sabi ko at nilayo sakanya ang hindi pa nabawasang alak.
"No, we should.... finish this" sabi nya at niyakap ang tatlo pang bote na dapat ay ako ang iinom. Kung hindi pa naman kasi to baliw, bumili ng sampung bote. Five each kami pero dalawa pa yung nainom ko habang pa-anim na yung kanya, "Suko na ako" sabi nya at sinandal ang ulo sa sementong nakasuporta sa tulay na nasa ibabaw namin.
Nasa ilalim kami ng tulay malapit sa convenience store. Madaling makita ang mga idols ngayon kaya mas mabuti pang dito nalang muna kami tatambay.
Nabigla ako nang ginulong nya ang bote sa sementong kinauupuan namin. Gumulong ito hanggang sa mahulog sa ilog. Tumawa sya at tinuro ang boteng nakalutang sa tubig.
"Gusto kong maging bote sa next life ko. Walang problema at malaya pa" tumawa sya, "Sawa na ako sa buhay ko. Gusto ko nang maglaho at iwanan ang mga problema ko dito sa mundo. Ayoko na"
Magsasalita na sana ako nang tumingin sya sakin kaya tinikom ko ulit ang bibig ko.
"Ikaw... Kailan ka susuko? Ayy nga pala, hindi ka nga pala ganung tao. Sana kaya kong ipaglaban ang karapatan ko. Kaso ang duwag ko. Ptanginang buhay!"
Tahimik parin ako habang pinaglalaruan ang dulo ng jacket ko. Pinakinggan ko lang sya.
"Ang ayoko sa lahat, yung kinocontrol ako. Yung lahat ng kilos ko, pinapakialaman. Maayos na sana eh. Ang ganda ng buhay idolo ko. Pero simula nung namatay si Hyoyeon, ang pinakamamahal kong bestfriend, ang kamembro ko, ang palaging nandyan sa tabi ko, at ang tinuring kong kapatid... parang pati yung kaluluwa ko sumama sakanya. Pakiramdam ko patay na ako sa loob." tumawa sya at hinampas ang tuhod nya, "Simula nun kinocontrol na ako ng CEO. Lahat ng mga inuutos nya, kailangan kong gawin. Kahit pati yung kaibigan ko, kailangan kong masaktan para lang gawin yung mga inuutos nya. Nasaktan kita, nasaktan ko si Kyungsoo, nasaktan ko kayo"
"Hindi mo kasalanan—"
"Kahit anong sabihin mo, kasalanan ko parin. Dapat hindi ako pumayag. Dapat hindi ako magpauto sa putang CEO na yun. Nung sinabi ni manager na itigil ang issue na magd-date tayo, sobrang saya ko. Inexpect ko na baka palayain na ako ng CEO namin. Na magpapatuloy na ako sa maayos kong trabaho. Pero hindi pa pala tapos yung pags-suffer ko Kai" umiyak sya habang nakatakip yung dalawang palad nya sa mukha nya.
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanfictionEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...