5.

3K 140 2
                                    

(A/n: Ayokong bigyan ng POV ang KSY!! Waah! Mamamatay ako XD Juk)

Baekhyun's POV

Habang nagsasalita ako, dahan dahan ko namang kinuha ang ice cream na nasa harapan ni Kyungsoo kasi nagugutom talaga ako T^T

Nang makuha ko na ito ay nilagay ko ito sa harap ko para ready na sanang kainin.

"Tsaka--"

Inangat ko ang cup na lalagyan ng ice cream tsaka kukunin na nasa ang plastic na kutsarang hawak ni Kyungsoo nang may tumawag sakin...

"BAEKHYUN"

Ayun! Natapon ang ice cream sa damit ko. Buti nalang at sa dibdib ko lang nabuhos at hindi kay Greil na nasa lap ko kundi! Lagot ako kay Sehun.

Tumayo ako sabay kuha kay Greil. Pinatong ko muna sya sa lamesa tsaka pinunasan ang damit ko gamit ang tissue na nakalagay sa table.

"Gosh Baek! Okay ka lang? Sino ba ang walang hiyang tuma--" nagtaka ako sa paghinto ni Luhan (huehue, naalala ko na eh).

"Baekhyun!!" Tumingin ulit ako sa tumawag sakin. S-sehun.

"Sehun" Inis nyang kinuha si Greil sa mesa tsaka hinawakan ako sa wrist.

"Umuwi na nga tayo!! Bakit mo kasi ako iniwan dun!! Dinumog tuloy ako" inis nyang sabi sakin na parang bata.

"Teka lang!! Mauna na kayo ni Gre--" lalo nyang hinigpitan ang paghawak sa pulso ko tsaka hahatakin na sana nang binatukan ko sya.

"Aray!!"

"Wag mo kong ganyanin ah! Bitaw!!" Inis kong sabi sakanya. Nagpout naman sya tsaka niyakap si Greil. Abnormal talaga.

"Oh! Ikaw pala Mr. Xi!" Nakangiting sabi ni Sehun sabay tapik sa balikat ni Luhan na ngayu'y nakatulala sakanya, "Bakit ka ganyan makatingin?" Tanong ni Sehun dito habang nakasmirk.

Napatikom naman ng bibig si Luhan tsaka inikot ang mata nya papunta sakin.

"Well, ang ganda kasi ng necklace mo" nakangiting fake nitong sabi tsaka sumandal sa upuan nya. Umirap naman si Sehun tsaka pinasok ang kwintas nya sakanyang damit

"Tss, reason. Ang sabihin mo, nagagwapuhan ka sakin. Halata no!" Sabi ni Sehun. Umirap ako tsaka tinulak sya palayo.

"Umuwi ka na nga sainyo!!" Sabi ko sakanya.

"Ayoko! Gusto ko kasing makasama si Mr. Xi" taas babang kilay nyang sabi dahilan ng pagpula ng mukha ni Luhan. "Shoot!! Sabi ko na nga ba may gusto ka sakin eh! Kinikilig?" Natatawang sabi ni Sehun kaya lalong namula si Luhan.

"Takte Oh Sehun!! Namumula ako sa galit!! Kaya pwede ba!! Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong kunin ko ang shotgun ng Lolo ko!!!" Umatras naman ng kaunti si Sehun tsaka tumalikod.

"Magkita nalang tayo sa parking lot Baek! Mamamasyal muna kami ni Greil~"

Luhan's POV

Napasandal ako sa upuan ko habang nakahawak sa dibdib ko. Bakit ko pinaalis si Sehun?! Wae?!

"Ang kulit talaga nun. Pasensyahan mo na Lu" sabi sakin ni Baekhyun tsaka tiningnan ako.

"Okay lang Baek! Ang di ko matatanggap is.... PINAALIS KO SYA!! Ang sama ko" sabi ko tsaka tinakpan ang mukha ko.

"Si Oh Sehun nga ba talaga yun?" Rinig kong tanong ni Kyungsoo. Umirap ako tsaka inalis ang kamay ko sa mukha ko.

"Obvious naman Kyung!" Sabi ko tsaka kinuha nalang ang salamin sa bag ko.

"Grabeh!! Di ako makapaniwalang nakita ko sya ng malapitan! Huwaaah! Si Chanyeol nalang tala--" napahinto sya nang tinapunan ko sya ng tissue. Inirapan naman nya ako pero di ko sya pinansin kasi busy ako sa pagtingin ng flawless kong mukha sa salamin.

"Ang lagkit na ng nasa dibdib ko" bulong ni Baekhyun habang binuhusan ng tubig ang dibdib nya. May topak ata to?

"Kung gusto mo nang maligo, umuwi ka nalang sainyo at magshower" sabi ko tsaka inirapan sya. Ngumiti lang sya tsaka binalik sa lamesa ang tubig.

"Tuyo na kasi yung ice cream eh kaya binasa ko nalang" sabi nya. Haay naku!! Bakit ba naga-act innocent ito? Or biglang bumait? Or sadyang mabait lang sya. I hate kind people no! Gusto ko yung ng bitch like me. Pak na pak!! Pero dahil kaibigan to ni Sehun, pagtiisan ko nalang. Masasanay rin ako T_T

Kyungsoo's POV

"Bye na! Magkikita nalang tayo sa HLA Luhan!" Sabi ko sabay kuha ng sling bag kong hiniram ko kay Suho.

"Sure bhe! Tsaka Baekhyun, bisita ka sa HLA kapag may time ka ah" sabi ni Luhan.

"Actually, maghahanap pa ako ng trabaho. Pwede ba ako dun? Kahit bilang janitor lang?" Napatingin kaming dalawa ni Luhan sakanya.

"What?!" Gulat naming tanong. Yumuko naman sya at ngumiti.

"Wala na akong pamilya kaya magisa lang ako sa buhay kaya, kelangan kong magkaruon ng pera para makapagaral ako ulit" Malungkot nyang sabi. Nagsad face naman kami ni Luhan tsaka tumingin sa isa't isa.

"Don't worry Baekhyun, libre ka sa school ko" napahinto naman kami ni Baekhyun dahil dun. Eh? Sya libre pero pano ako?!

"Eh ako Lu?" Nakapout kong sabi. Umirap naman sya tska pinitik ang noo ko.

"Problema mo na yan mata!! Osya! Alis na ako" sabi nya. Anodaw?! Mata?! O.O

"Huy Usa!!" Sigaw ko pero di nya ako nilingon, "USA!!" wala na! Tumawa lang sya habang tumakbo paalis. Umirap naman ako tsaka napatingin kay Baekhyun na naglalakad na paalis. Dahil gusto ko ulit makita si Oh Sehun, sinundan ko sya.

Nasa parking lot na ako at tanaw ko ang paglapit ni Baekhyun sa isang yellow na kotse. Nakatago lang ako sa isang black na kotse habang hinihintay na lumabas si Sehun.

1....

2....

3....

4....

5..--- Aish!! Bakit ganun?! Di parin lumalabas? Bibilang ulit ako...

6...

7...

8...

9.-- *BROOOM*

Takte!! Di man lang lumabas si Sehun?! Aba't!!!

Bumuntong hininga ulit ako tas aalis na sana nang biglang bumusina ang sasakyang pinagtaguan ko.

*BEEEEEP*

Dahil sa gulat, nasipa ko ang gulong ng kotse. Ang lakas eh -_-'

Di ko kita ang mayari kasi tinted yung salamin. Nabigla ako nung biglang bumukas yung pinto kaya tumalikod ako.

"Anong ginagawa mo jan?" Rinig kong tanong ng medyo familiar na boses. Lumunok ako tsaka nagstep forward.

"W-wala po" sagot ko. Syempre, be respectful. Choss! Uso pa ba yun?

"Okay, you may leave" sabi nya tsaka nagsmirk. Di ko nakita pero tumunog eh duh!!

Nagsimula nalang akong maglakad palabas ng parking lot. Sayang talaga! Di ko nakita ang bias wrecker ko. Yah know!! Si Hunnie. Harthart

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon