Luhan's POVNaiiyak na ako dito like huhu! Kanina pa ako nakatayo dito sa labas gate ng campus dahil wala akong natanggap na gift. Sabi ng iba, baka walang nakabunot sakin. IMPOSIBLE! Sabi naman ng iba, baka absent daw. IMPOSIBLE! WALA KAYANG ABSENT.
Napasapo ako ng mukha at napatingin sa taas. Umaasa pa naman akong ang bongga ng gift ko ngayong Christmas party. Siguro di nya mabibigay sakin kasi mahirap hanapin yung gift na hinihingi ko? Puta.
Sinipa ko nalang ang bato na nasa paanan ko. Kainis! Yun pa naman ang inaabangan ko ngayon.
Napakunot ang noo ko nang makakita ako ng anino sa harapan ko. Anino ng gusaling nasa likod ko at isang anino ng tao sa may tuktok. Parang sa may rooftop.
Napatinghala ako at tiningnang mabuti ang tao doon. Shit! Kilala ko yang likod na yan.
"BAEKHYUN!" sigaw ko more like tili na pala. Tumalon talon ako at lalong sinigaw ang pangalan ni baekhyun. Maraming nagsinlapitan sakin at nakisilip sa itaas.
"Luhan oppa, may gustong makipagkita-"
"PUTANGINA KUNG SINO KA MAN! CAN'T YOU SEE?! DI MO BA NAKITANG NAGKAGULO DITO! TANGINA LUMAYAS KA!" jusko! Lalo akong nastress sa babaeng yun. Kitang may kaguluhan dito tapos may gusto pang makipagkita sakin?! Dapak!
Huminga ako ng malalim at nakisigaw narin. Shet! Magpapakamatay ba si Baekhyun?! Bakit? Bakit sya magpapakamatay?
"Luhan!" Napalingon ako kay Kyungsoo na kasama si Kai. Nakapolo na sya at hindi pa tapos yung pagbubutones ng damit nya.
"Kyungsoo! San ka ba galing? Nagyadong ba kayo?" Sinapak nya ako at tinapos ang butones ng polo nya.
"Nagbihis lang ako sa may guard house nang bigla kang sumigaw. Anong nangyayare?"
"SI BAEKHYUN!" sigaw ko at tinuro ang rooftop.
"Shit!" Mura nya.
"Magpapakamatay na ako!!" Rinig kong sigaw mula sa taas. Napasinghap kaming lahat. Puta! Asan na ba yung iba? Si Chanyeol? Si Daehyun? Si Sehun? Teka, asan na ba yun?
Putangina! Ang rami kong problema dito! Pwede bang ako nalang ang papalit sa pwesto ni Baekhyun?
"KYAAAAAAAAAAH!"
Natauhan ako nang mas lalong lumakas ang tili ng mga estudyante. Napalunok ako nang makita ko silang nagkumpulan sa isang lugar na sure akong kinababagsakan ng isang tao galing sa taas. Kinabahan ako. Di kaya.
"NOOOOO! PLEAAAAASE! NOT YOU DAEHYUUUUUN! DAEHYUUUUUUN!"
I nearly fainted. Panong naging si Daehyun?
--------
Napatulala kaming lahat ng mga classmates ko dito sa hospital. Walang kahit isa ang kumurap samin. Na kahit ako ay nakalimutan ko na na Christmas Party pala ngayon at wala akong gift na natanggap.
Di ko mapigilan ang mapatingin kay Donghae. Kanina pa sya humahagulgol at binubulong ang pangalan ni Daehyun. Speaking of Daehyun. Pano sya napunta sa rooftop kasama si Baekhyun?
"Chanyeol" Nakita ko ang isang babae na nasa 40+ na.
"Aling Yoyo" bulong ni Chanyeol at yumakap sa babae.
"Si Baekhyun?" Naalala ko sya. Nung bumisita kami sa bahay nila Baekhyun, nakita ko sya doon.
"Aling Yoyo" biglang umiyak si Chanyeol at lalong napayakap sa babae.
First time ko atang nakitang umiyak si Chanyeol at alam kong gayun din ang iba kong kaklaseng andito.
"Si Daehyun? Si Baekhyun? Asan sila? Chanyeol, sumagot ka?" Hindi sumagot si Chanyeol.
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanfictionEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...