Luhan's POVNapatinghala ako sa mansion ng Oh's. Wizard of Oh's (Nagjojoke sya hahahaha -,-) Eh kasi kinakabahan ako. Pano kung wala sya sa bahay? Pano kung tumatae parin sya hanggang ngayon!? Oh di kaya, ayaw nyang makipagkita sakin? Tungunu!
"Arf! Arf!" Nagulat ako nang may tumahol sa harapan ko. Tinitigan ko ito. Hutaeness!! Ito na ba si Greil!? "Arf! Arf! Grrrr! Arf!" Ang laki na nya omo! Kasing laki ng ano ni Sehun jajajajajajajaja!
"Greil! I told you kainin mo na yung— L-Luhan!?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Akala ko kung sino, si Sehun lang pala. Bakit sya paos?
"Kainin nya yung Luhan!? Wtf Sehun, ipapakain mo ko sa aso mo!?" Inis na sabi ko at inayos ang sling bag ko, "Kung ipapakain mo naman pala ako jan, aalis na lang ako" sabi ko at inirapan sya. Akala ko pipigilan nya ako pero kinuha lang nya si Greil at tumalikod.
Tumingin naman ako sa likod nya at napasimangot. Nakakalungkot lang dahil walang syang pake na umalis ako. Ang sakit.
Pumatak naman ang luha sa mata ko. Masyado akong nasaktan.
"Ganito nalang ba tayo Oh Sehun?" sabi ko. Kahit nakakahiya dahil napiyok ako, binalewala ko nalang yun. Minsan lang ako ganito, "Na parang hindi mo ko kilala? Na nagpapanggap kang wala tayong pinagsamahan? Ni hindi mo pa nga ako sineswelduhan sa pagpapanggap bilang boyfriend mo eh. Ano bang gusto mong mangyari? Na kakalimutan lang lahat ng ito? Na walang ikaw at ako?"
Humarap sya sakin. Blangko yung mukha nya. Kinakabahan ako sa sasabihin nya. Sana pala hindi na ako pumunta dito, "Umalis ka na" yun lang ang sinabi nya.
Napatawa naman ako. Napatawa nalang ako sa sinabi nya habang tuloy-tuloy na pumapatak ang mga luha ko. Napahilamos ako.
"Oo, aalis na ako pagkatapos ko tong sabihin sayo. Isa lang naman ang gusto kong sabihin sayo eh.... Putangina mo" sabi ko at binuksan ang sling bag ko. Inis kong pinagbaato lahat ng laman duon.
Posters, albums, post cards, at iba pang merch na may mukha at pangalan nya. NYA. Si Oh Sehun LANG.
Napatingin naman sya dun at agad nanlaki ang dalawang mata nya sa mga tinapon ko.
"Nagulat ka ba dahil ang rami ng pinagbabato ko kahit maliit lang ang sling bag ko?! Ubos na pera ko. Naubos dahil masyado akong nagmahal. Nakakatangina man pakinggan pero noon pa Sehun. Bago p ka palang sumikat bilang membro ng KSY, minahal na kita. Mas nauna pa akong mahalin ka. Mas nauna pa kitang minahal bago ko minahal ang Keyo ko. Ang Keyo na nawala sa buhay ko. Nagulat ka ulit no? Naalala mo yung panahong bata palang tayo at tinutulungan mo ko sa pags-skate? Naalala ko yun nung nagpanggap tayong nagdedate. Hindi ko alam kung bakit kita minahal. Kasi siguro malandi lang ako. Hindi ko talaga alam. Corny ba? Mandiri ka kung gusto mo pero yun yung totoo Sehun" hindi parin sya gumalaw kaya pinagsisipa ko nalang yung mga gamit at umalis. Atleast na-explain ko na lahat.
Kyungsoo's POV
Pinalayas ko na ang dalawang ugok sa bahay ko. Gusto kong magwala magisa. Tanginaaaaa!!!!
Napaupo ako sa couch habang tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad. Hindi ko mapigilang maiyak sa nangyari. Akala ko okay na kami. Akala ko hindi totoo yung issue na yun. May mas malala pa pala dun!! Kasal na pala sila. I know it's not literal pero malay mo diba? Sila magkatuluyan. I bet si Krystal yung partner nya dun.
"Kyungsoo" huminga ako ng malalim at tumayo tsaka naglakad papunta sa kusina. Hindi ko pinansin ang pagpasok nya. Kinuha ko nalang yung kawali at nilagay sa stove. Gusto kong magluto para mawala yung stress ko, "Please Kyungsoo, let me explain" sabi nya.
Tumingin ako sa sakanya habang hawak hawak ko yung spatula, "Ang common na nyan Jongin. Baguhin mo. Nakakasawa pakinggan" sabi ko at kumuha ng tatlong itlog.
"Kyungsoo, explaination is a must!" Sabi nya. Nagulat naman ako nang hampasin nya yung mesa ko. Pag may gasgas tong mesa ko, kakamahin ko sya— este kakatayin ko sya ng tulog!!!
"Umalis ka nalang Jongin please! Pakalmahin mo muna ako. Paghindi ka aalis, baka masampal ko sa pagmumukha mo itong kawali ko" sabi ko at binuksan ang stove, "At susunugin ang balat mo kahit alam kong sunog na"
"I don't care kung isasampal mo yan sa Kyungsoo. Wala akong pakealam. Kung ito lang naman pala ang paga-awayan natin, aayusin ko to!" Sabi nya at kinuha ang spatulang hawak ko tsaka hinarap sakanya.
"Bitawan mo nga ako! Wala akong time sa drama mo Kai!! Walang camera at director dito!!" Sabi ko at tinulak ang dibdib nya palayo sakin.
"Tumingin ka sakin Kyungsoo"
"At bakit ko naman yun gagawin?!"
"Para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo" Inangat ko ang mukha ko sakanya. Nakatingin sya sakin kaya nailang ako. Hinawakan nya ang pisngi ko para hindi ko maigalaw ang ulo ko, "Alam mo naman kakamatay lang ni Daehyun diba? Hanggang ngayon Kyungsoo, nakakalat parin ito kahit saan. Ang gusto lang naman ng entertainment nila ay matigil na yung issue na yun sa pamamagitan ng paggawa ng bagong issue"
Nakita ko kung gano sya kaseryoso habang sinasabi nya yun. Gumagalaw yung mga mata nya pero saakin parin sya nakatingin.
"Bagong issue?" Tanong ko.
"Napagplanuhan ng CEO namin na isasali ako sa WGM at papalabasing kami na ni Krystal. Alam mo bang tumanggi ako? Pero hindi pwede. Kung gagawin ko yun, ilalabas nilang buntis si Krystal at ako ang ama. Diba mas malala? Masakit man pero hindi na ako tumanggi. Pero alam mo kung ano ang mas masakit? Yung kinalat nilang wala nang tayo" pumatak ang luhang kanina pa namumuo sa gilid ng mga mata nya. Gusto kong punasan pero naunahan na nya ako.
"I'm so sorry" sabi ko. Ngumiti lang sya at umiling, "Pero Jongin.... kelangan na nating maghiwalay" at kasabay nun ang pagpatak ng luha ko. Agad syang nabigla pero ngumiti lang ako. Hinawakan ko ang pisngi nya.
"K-Kyungsoo... N-Nagbibiro ka ba?!" Hindi makapaniwalang tanong nya.
"Oo palabiro ako Jongin. Pero ngayon lang ako naging seryoso. Kelangan muna nating maghiwalay para maayos na ang lahat. Ayoko munang makihati. Ayoko munang masaktan"
"Pero Kyungsoo, walang kami"
"Alam ko. Pero sa mata ng ibang tao, meron. Ayokong makita o marinig na pinaguusapan kayo. Kasi pakiramdam ko, walang nagsusuporta satin eh. Parang hindi narin magwowork ang relationship natin. Kasi sa ibang tao, para ako yung third wheel sa ating tatlo" umiling sya sa sinabi ko.
"Kyungsoo, wag mong isipin yung paningin ng ibang tao. Hindi man nila tayo susuportahan, tayo ang masusuporta ng relasyon natin" sa ngayon, ako naman ang umiling sa sinabi nya.
"Jongin, kelangan natin to. Kelangan kong lumayo. Gusto kong ifocus mo muna yung trabaho mo. Palayain mo muna ako"
"Kyungsoo please.. hindi ko kaya. Kung gusto mo, aalis ako sa trabaho. Titigilan ko to. Aalis ako sa pagiging sikat. Para sayo Kyungsoo, gagawin ko" sabi nya at niyakap ako ng napakahigpit. Umiling ako at pilit syang itulak. Pero siguro nanghihina sya dahil sa paghikbi nya kaya ko sya naitulak palayo.
"Jongin hindi!! Hindi ka aalis!! Desisyon ko to Jongin, wag mo muna ako pigilan. Para naman saayin to eh. Sana maintindihan mo. Ayokong masira ang trabaho mo dahil sakin. Future natin yan diba? Jongin, hindi ako magpopromise. Pero I'll make sure na babalik ako pag maayos na ang lahat" sabi ko.
"Aalis ka?!" Napatigil sya at gulat na napatingin sakin
"Kailangan kong umalis Jongin" agad syang napaupo sa sahig at tinakpan ang mukha nya gamit ang palad nya. Ngumiti naman ako at pinatay ang stove. I sighed.
Lumuhod ako at nilagay ang kamay ko sa balikat nya, "Babalik ako" bulong ko tsaka sya niyakap at hinalikan.
-
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanfictionEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...