14. DEAD

2.3K 93 19
                                    


(A/n: Sa mga nagbigay ng opinyon nila kung sino ang itatriangle ko kina Lu at Soo *le kaway* Maraming salamat sainyo!!)

Baekhyun's POV

Tumakbo ako paakyat ng hagdanan habang nakahawak sa straps ng backpack ko. Buti nalang at medyo magaan kaya di ako nahihirapan.

Nang nasa hallway na ako, tumakbo ako ng mabilis papunta sa room ko. Lumagpas pa ako ng kunti kaya umatras rin ako ng kunti tsaka pumasok sa room.

"Sorry I'm late po" sabi ko tsaka nagbow sa adviser namin.

"Why're you la--"

"Naglakad po ako papunta sa bus stop pero minalas po ako kasi natalsikan ng putik yung uniform ko kaya kelangan ko pang bumalik sa bahay para magbihis atsaka po, ang traffic pa" mabilis kong sabi tsaka pagkatapos ay humingal ako ng humingal. Grabeh!! Nawalan ako ng oxygen!!!

"Okay, you may seat Mr. Byu-- And oh!! Meet your new classmates nga pala" sabi ni Maam tsaka tinuro ang tatlong nakablack na nasa likod.... natutulog -_- Napangiwi naman ako. First day of school tapos natutulog?!

Umupo na ako sa upuan ko at humarap kay Sehun, "Kumusta ang date? Tsaka bakit di ka pumunta sa bahay? Tsaka bakit wala ka sa bahay nyo?" Sunod sunod kong tanong sakanya. Medyo nakatulala parin sya habang sumisilip sa direksyon kung saan nakaupo ang tatlong new students na naka-all black.

"12 na akong umuwi sa bahay"bulong nya pero nasa tatlong students parin yung tingin nya.

"Siguro naenjoy kayo sa date nyo no? Ano musta? Kumusta si Luhan" tanong ko habang nakangiti ng nakakaloko.

"He's fine" -_- Bakit yun lang?

"Pe--"

"MR. BYUN!! ARE YOU LISTENING?!?!" sigaw ni Maam kaya siguro yung mga tulog sa klase, nagising. Putek! Naspecial mention pa talaga ako.

Napaayos naman ako ng upo sa armchair ko tsaka ngumiti kay Maam, "Yes po"

"Nga pala Mr. Byun, punta ka sa detention mamay--"

"PERO MAAM WALA NAMAN PO AKONG GINAGAWA! NALA--"

"Calm down Mr. Byun, gusto ka lang makausap ni Mrs. Wu" sabi nito. Napahinga naman ako ng maluwag dahil dun. Akala ko pa naman may ginawa ako.

"S-sige po" sabi ko sabay yuko.

Recess Time...

"Bilisan mo Sehun! Gutom na gutom na ako!!" Sabi ko habang nagpapadyak sa harap nya.

"Teka lang.. Di ko pa mahanap eh" sabi nya at hinalungkat pa ang bag nya. Kunti nalang papasok na yung ulo nya sa loob. Ano ba yung hinahanap nya? "Ahh siguro naiwan ko. Hehe, dito nalang kaya tayo? May baon naman ak---"

"Sige na nga!!!" Aish, gusto ko sanang makita yung mga mukha ng new students eh kaasar! Medyo familiar kasi kapag nagsaside view yung isa. Kung lilingon naman ako sa likod, hinaharangan ako ni Sehun gamit ang kamay nya. Aish!!

Nilabas nya ang baon nya at binuksan. Carbonara *0*

"Ahm Baekhyun?"

"Hmm?"

"Ahmm ano! Y-yung kapatid mo ba.. Kamukha ng papa mo?" Tanong nya sakin. Nagkibit balikat naman at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Nakalimutan ko eh. Masyado pa akong bata noon" sabi ko nalang at dinikit ang dulo ng chopsticks sa labi nya, "Wag ka nang magtanong okay? Kumain ka nalang" sabi ko at nilayo ang chopsticks ko sa labi nya at kinagat iyon. Nakita kong napasimangot sya at kinuha rin ang chopsticks sa gilid ng tupperware na lalagyan ng carbonara.

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon