12.

2.1K 108 4
                                    


Baekhyun's POV

Nauna akong pumasok sa Academy kasi alam kong sasabay si Sehun sa kagrupo nya. Tsaka alam ko narin naman ang way papunta sa Academy eh.

Sumakay na ako ng bus at umupo sa pinakalikod na upuan. Tumabi ako sa lalaking naka-face mask, shades at nakacap.

*ping ping*

Agad kong dinukot ang phone sa bag ko.

|From: Sehun

Huy Baek!! Asan ka ba? Nasa labas ako ng bahay mo |

Ano?! Hutaena!! Akala ko ba kasama nya kaibigan nya.

Napatawa ako ng mahina.

|To: Sehun

Gagu!!! Papunta na ako sa school! Akala ko kasi kasama mo sila Kai kaya nag-commute nalang ako :) |

*ping ping*

|From: Sehun

Kpayn. Tss.. Hintayin mo nalang ako ah |

Binulsa ko ang phone ko tsaka tumingin lang sa labas ng bintana.

After 5 minutes, tumayo na ako kasi malapit na ako sa HLA. Humawak ako sa upuan na nasa harap ko para di ako matumba. Nung biglang nagbreak ang driver, bumitaw na ako sa upuan para kunin ang wallet ko sa bag. Pagkuha ko ng wallet ko, biglang pinaandar ng driver ang bus kaya na-out balance ako. Nabitawan ko ang wallet ko tsaka matutumba na sana nang may yumakap sakin patalikod para di ako matumba. Haay salamat naman at may sumalo sakin.

Dali-dali akong napatayo tsaka napaharap sa lalaking nakamask.

"Sorry po! Sorry dahil ang tanga ko. Hehe" sabi ko tsaka nagbow sa harap nya. Pinulot naman nya ang nahulog kong wallet at tiningnan ang loob nun. Parang tiningnan nya ang picture dun. Picture naming buong pamilya.

Umubo ako ng kunti tsaka hinawakan ang dulo ng wallet ko, "Ahmm kuya.. S-Salamat" sabi ko tsaka dahan-dahang kinuha ang wallet sa kamay nya. Tumingin sya sakin or should I say, napatitig. Napatingin naman ako sa labas.. putek!! Malapit na pala ako.

Dali-dali akong kumuha ng pera tsaka binayad sa driver at bumaba. Pagbaba ko, nakita ko si Sehun, pacool na nakasandal sa gilid ng gate. Maraming nakasilip at nakatingin sakanya pero walang lumapit dito. Bakit kaya?

"Sehun" tawag ko dito kaya napatingin yung mga nakatingin sakanya sakin.

"Haay naku!! Ang tagal mo ah! Nangangalay na ang mga tuhod ko dahil kanina pa ako nakatayo dito!! San ka pa ba nagsusuot?" Tss, pake ba nya? Makapagsalita sya, para syang si Papa ko.

"Traffic eh" sabi ko at lumapit sa guard para ipakita ang I.D. ko.

"So.... kelan ko nga pala s-simulan?" Mahinang tanong nya sakin kaya napahinto ako. Tama, may pinapagawa pala ako sakanya. Napangiti ako at humarap sakanya.

"Ngayun na" sabi ko kaya napakamot sya ng ulo.

"Pano kung irereject nya ako?" Tanong nya habang nakatungo with matching pout pa. Tss, pacute pa more.

Tsaka hanuraw? Si Luhan, irereject sya?! Wutdufuk!! Eh baliw na baliw yun dito eh.

"Hindi yan! Pag nagawa mo na, pwede mo ba akong kulitin, or di kaya, ipagbake kita ng favorite mong cupcake tapos gawan narin kita ng Bubble Tea made by me tapos tapos----"

"Gusto ko yan Baek!! Gagawin ko na ngayun ah? Hahanapin ko lang sya~~" sabi nya tsaka tumakbo palayo sakin. Tumawa naman ako ng mahina.

"Magsaya kayo~" bulong ko tsaka pumunta na sa room ko.

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon