"At dun nagtatapos ang kwento namin. Kung saan kami nagpapanggap, nakahanap ng lovelife, at muntik na kaming mamatay!" Sambit ni Luhan habang pinaypayan sya ng isang hindi masyadong katandaang babae at hinihilot naman sya ng isa pang babae mula sa likod.
"Wow galing naman ng kumare natin. Sayang, hindi dumating yung tatlo" sabi naman ng isa pang babae na kinain yung lugaw na inilahad sakanila kanina.
"Mr. Lu?" Napatigil ang lahat sakanilang ginagawa nang masilayan nila ang isang pulis na nakatayo sa labas ng kulungan, "May naghahanap sayo" sabi nito kaya agad na napatayo si Luhan at inayos ang medyo mahaba na nyang buhok.
"Brb mga kumare!" Pagpaalam nya sa mga kasamahan nya sa kulungan at naglakad papunta sa pulis.
"Beshie! Baka si Fafa mo yan" humagikhik na sabi ng isang babae mula sa kulungan.
"Ay beh, sino pa ba" sagot naman ni Luhan bago maglaho sa paningin ng kanyang kasamahan.
Naglakad sila sa isang hallway palabas ng kulungan at papunta sa lobby. Nagtataka man pero nanatili syang tahimik.
Bakit sa lobby ako dinala at hindi sa visitor area. Tanong ni Luhan sa isip habang nakasunod parin sa pulis.
Tumikhim ang pulis at pinagbuksan sya ng pintuan. Nagbow naman si Luhan at agad na lumabas atsaka bumungad sakanya ang nakangiting Sehun na mukhang businessman yung dating.
"Luhan" agad na niyakap ni Luhan ang pigura ng boyfriend nya at napatawa nalang si Sehun.
"I miss you hunnie!" Sabi nito at tumingkayad para halikan ang pisngi ni Sehun.
"Makakalabas ka na" sabi ni Sehun at inalis ang buhok na tumakip sa mata ni Luhan.
"A-Ano?"
"You're already free. Inayos ko na ang kaso mo" hindi parin makapaniwala si Luhan kaya niyakap nalang sya ulit ni Sehun.
"Makakasama na kita"
Tumalon si Luhan at pumalakpak, "Omg! Wait, magpapaalam muna ako. Wait wait, omg i'm so excited! Hintayin mo ko dito!"
Natawa lamang si Sehun dahil sa kilos ng boyfriend nya at tumango.
It's been a month since the incident. Nakulong si Luhan dahil sa pamamaril ng tauhan ng CEO. Ligtas si Kyungsoo kasama si Kai. Si Baekhyun, kakalabas lang ng hospital. Hindi nakaabot yung apat, pero nakita nila lahat ng pangyayari.
"Baekhyun!" Nanlaki ang mga mata ni Chanyeol nang makarinig sila ng mga boses palabas ng abandunadong lugar. Si Taemin ang tumawag sakanila papunta sa lugar na iyon para ipaalam na nandoon sina Luhan, Baekhyun, Kyungsoo, Krystal at Seulgi.
"L-Luhan!?" Biglang nagsalita si Sehun kaya napatingin sila sa papalabas lamang. Isang lalaki ang tumulak sakanila palabas na syang ikinainis ni Kai. Agad nilang sinugod ang dalawang lalaki at pinagtulungan. Napatigil si Chanyeol nang hindi nya masalayan si Baekhyun.
"Si Baekhyun"
"SI BAEKHYUN!" Nabigla si Chanyeol dahil sa sigaw ni Luhan, "Tulungan mo si Baekhyun"
"Appa!" Isang umiiyak na Seulgi ang yumakap sa manager nila, "Si Baek oppa please save him. SAVE HIM!"
Hindi makakilos si Chanyeol. Kinakabahan sya pero natatakot siya. Hindi dahil sa kung anong mangyari sakanya kundi dahil baka ano ang makita pagdating nya dun.
"Chanyeol please, wag maduwag ngayon!"
"Krystal!" Sigaw ni Kai nang makita nya si Krystal na umalis para pumasok sa loob. Sinundan agad ito ni Chanyeol.
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanfictionEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...