Sehun's POV"Tama na yan" nilayo ko ang hawak ko kay Kai at sinamaan ito ng tingin. Napabuntong hininga naman si Chanyeol sa likod nya.
"Alam mo sumusobra ka na Sehun" pagsisimula ni Chanyeol at lumapit sakin para kwelyuhan ako. Tiningnan ko lang sya ng masama.
"Chanyeol, bitawan mo yan" sabi naman ni Kai.
"Susuntukin mo ba ako? Sige lang" sabi ko at ngumisi.
Sa isang kurap ko lang, nasa sahig na ako. Nakaramdam ako ng sakit sa pisngi ko at pagtulo ng likido mula dito. Napapikit ako. Akala ko hindi nya gagawin pakshit.
"Ano? Nagising ka na ba?" Tanong niya at hinila ulit ako para suntukin, "SUMAGOT KA!!!"
"Chanyeol tama na yan"
"Bakit ba?! Yun naman ang gawain ng mga taong nasaktan diba!? Ang uminom!! Nakakabawas yun ng stress~" sabi ko sakanya.
"You've been acting immature Sehun!! HINDI LANG IKAW YUNG NASAKTAN AT LALONG HINDI NILA KASALANAN KUNG BAKIT TAYO ANDITO!! CHOICE NATIN ITO SEHUN KAYA PWEDE BA!? IUNTOG MO YANG MATIGAS MONG ULO PARA MAREALIZE MO ANG PINAGGAGAWA MO SA SARILI MO!!!" sigaw nya sakin bago umalis. Napatingin ako kay Kai na nakaupo na sa sofa.
Gumapang ako papunta sakanya at sumandal sa sofa. Tiningnan ko sya at ngumiti.
"Medyo masakit" sabi ko at hinawakan ang pisngi ko. Tumawa naman sya ng kunti at umiling.
"Iuntog mo na" sabi nya. Inirapan ko sya at ginulo ang buhok ko.
"Alam mo namang medyo bobo ako diba Kai? Explain mo naman sakin oh. Naguguluhan na ako" sabi ko sakanya.
"Hindi ka bobo. Alam kong may utak ka Sehun. Hindi mo lang ginagamit" sabi nya at sumandal sa sofa. Napahikab naman ako.
"Basta ang alam ko, niloko ako ni Luhan" sabi ko at pinatong ang braso ko sa tuhod ko.
"Alam mo Sehun, hindi lang ikaw yung nasaktan. I admit, nagalit rin ako sakanila. Akalain mo bang naghanap tayo dito sa China pero yung hinahanap pala natin, nasa Korea? Nagtatampo ako oo. Pero hindi ko sila masisisi. Hindi nila kasalanan na umalis sila sa airport para puntahan sa hospital ang pinsan mo at napagiwanan ng eroplano. And besides, it's our choice Sehun. Tayo ang nagdesisyon na pumunta dito para hanapin sila. And another thing is.. Hindi nila alam na pumunta tayo ng China. Kaya hindi panloloko ang tawag dun Sehun" mahabang sabi nya.
Actually, nalaman ko yung totoo sakanya. Nalaman nya yun dahil kay Taemin. Bumili sya ng new phone para matawagan ang dating phone nya na iniwan nya kay Taemin.
At first, nagulat ako kasi hindi sya nagalit sa nalaman nya. Pero hinayaan ko lang at hinayaan ko rin ang sarili kong magpakalasing.
Now I realized.. Ang babaw ko pala. Masyado akong selfish at hindi ko man lang inalam ang nararamdaman ng iba. Ako ang mali dito.
"Bukas..." Napatingin ako kay Kai nang tumayo ito. Pinasok nya ang dalawang kamay nya sa bulsa ng coat nya at tumingin sakin, ".... Aalis tayo ng China at uuwi na tayo sa Seoul para ipagpatuloy ang promotion natin"
Umalis na sya pagkatapos nyang sabihin yun. Napatingin ako sa bote ng alak na nasa round table. Tumayo ako at kinuha yun tsaka nilagay sa basurahan. Napahinga ako ng malalim bago umalis ng sala at pumunta sa kwarto ko.
~
"Sehun, gumising ka na" napapikit ako nang mariin nang lumiwanag ang paligid ko. Binuksan ko ng kunti ang kaliwa kong mata para tingnan kung sino yung gumising sakin.
Nakita ko si Kai na nakatayo sa harap ng bintana habang tinatali yung kurtina dun. Napaupo naman ako at kinuha ang kumot sa katawan ko.
"Anong oras na ba?" Tanong ko sakanya.
"7:38 AM na. 8:50 ang flight natin. Magempake ka na" sabi nya.
"Oo na. Alam ko" sabi ko at tumalon paalis ng kama. Umalis naman sya kaya pumasok na ako sa banyo. Habang naliligo, pilit kong inalala kung san ko ba nailagay yung dating phone ko. Bumili ako ng bagong phone para wala nang magcontact sakin. Hindi uso sakin ang magpalit ng sim (edi ritskid).
Nang maalala ko na, pinatay ko ang shower at lumabas ng banyo na nakatuwalya. Lumuhod ako sa harapan ng drawer tsaka binuksan ang nasa dulo. Nang makita ko na ang phone ko, agad kong yung kinuha at tiningnan. Buti naman at buhay pa to matapos ang 1 taon. Kasi malamang hindi mo ginagamit. Haay utak Sehun.
Habang nakacharge pa yung phone ko, nagempake na ako ng mga gamit. Nang matapos, nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili. Gusto ko mang magsuot ng simpleng damit kaso big deal na sa mga fans ngayon ang fashion style ng mga idols. Sa kasamaang palad, mga mamahaling damit ulit yung mga sinuot ko.
"Sehun!! Kumain na tayo!!" Rinig kong sabi ni Kai mula sa labas ng kwarto. Napatingin ako sa suot ko bago kunin ang full charged kong CP. Lumabas na ako at pumunta ng kusina. Andun na ang dalawa at kagaya ko, bihis na bihis narin sila.
"Sino nagluto?" Tanong ko. Alam kong si Chanyeol yung palaging nagluluto para samin pero iba kasi yung mga luto nya sa pagkain namin ngayon.
"Order lang yan" sagot ni Kai. Tumango naman ako at umupo kaharap ni Chanyeol. Blangko yung mukha nya habang kumakain.
"Chanyeol...." Agad syang napatingin sakin at tinaasan ako ng kilay, "... Galit ka pa ba sakin?" Tanong ko sakanya.
"As long as mauntog mo na yang ulo mo" sagot nya. Napasimangot naman ako at napatingin kay Kai. Nakangisi ito sakin. Ambad.
"Hindi na kailangan. Kai's words are enough for me to understand a thing. Thanks to him kasi he made me realize na ako yung mali saatin. And I'm sorry for that" inirapan lang ako ni Chanyeol. Tiningnan ko naman sya.
"Wag mo kong tingnan ng ganyan. Hindi muna kita papatawarin" sabi nya at nilapag ang chopsticks nya sa plato nya tsaka tumayo, "I'm done. Ipapahugas mo kay Sehun yung mga hugasin" sabi nya.
Napanganga ako. So nagsosorry ako pero may punishment naman pagkatapos. Huwaw! Hindi naman sya masakit.
Napailing nalang ako bago kumain. Tinawanan naman ako ni Kai. Ulol toh.
![](https://img.wattpad.com/cover/37972178-288-k777814.jpg)
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanficEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...