68.

984 53 4
                                    

Chanyeol's POV

"CONGRATULATIONS KAISEYEOL!!!!" dapat hindi na ako magulat kasi inaasahan ko talagang mananalo kami. Pero nagulat ako nang napatingin si Baekhyun sakin habang nakangiti. Nagbow sya at pumalakpak pero agad namang napatingin sa iba. Kinuha ni Kai and magiging huling trophy namin since wala yung leader namin.

Huling trophy..

Kinuha ko mula kay Kai ang trophy at tiningnan ito. Napatingin ako sa mga fans at ngumiti sakanila habang sinagot naman nila ako ng mga tili. Lalo akong napangiti. Mamimiss ko to.

Pagkatapos ng show, pumunta kami sa backstage para maghanda sa pag alis namin. Napaupo ako sa sofa habang inalala ang ngiti nya kanina. Napahawak ako sa ulo at tumayo.

Naglakad ako papunta sa room ng CBX. Hindi ko ito binuksan at hindi rin ako kumatok. Napatingin lang ako dito habang hinihintay itong bumukas. Hindi nagtagal, bigla itong bumukas. Isang lalaking may pulang buhok ang bumungad sakin. Napaatras ako nang mapatinghala sya.

"ch-chanyeol sunbaenim...." sinara nya ang pinto, "anong ginagawa nyo po dito?"

Hinawakan ko ang kamay nya, "sumama ka sakin"

"t-teka ano?!?"

Dinala ko sya sa dressing room namin tutal wala nang tao dun. Binitawan ko sya at sinarado ang pinto. Tumingin ako sakanya.

"May nagawa po ba ako sunbaenim?" Tanong nya.

"Tumingin ka sakin" mahinang sabi ko pero hindi sya tumingin sa mga mata ko. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang dalawang pisngi nya, "Please Baekhyun tumingin ka sakin"

"H-Hindi kita maintindihan sunbaenim" sabi nya at umatras para maalis yung kamay ko sa pisngi nya.

"Hindi Baekhyun... Hindi kita maintindihan"

"Hindi ko alam kung anong ibig nyong sabihin. Please, hinahanap na nila ako"

Hinawakan ko ang kamay nya nang paalis na sana sya. Hinila ko sya pabalik.

"Please, tumingin ka lang sakin"

Nagdadalawang isip pa sya bago iangat ang tingin nya sa mga mata ko. Wala pang isang minuto ay inalis na nya ang tingin nya sakin at yumuko ulit.

"Kailangan ko na po talagang umalis" sabi nya.

Tinulak ko sya sa pader habang nakahawak sa pulso nya. Gulat syang napatingin sakin.

"S-Sunbaenim-"

"Nakalimutan mo ba ako? Kinalimutan? O nagpapanggap ka lang. Please Baekhyun hirap na hirap na ako. Lalo akong nasasaktan nang dahil sayo. Please.."

"Kahit anong gawin mo sunbaenim, hinding hindi parin kita maalala- i mean hindi naman talaga kita kilala nung trainee pa ako at lalong hindi mo rin ako kilala. Hindi ko alam kung ano yung pinagsasabi mo sunbaenim. Wala akong kilalang Park Chanyeol sa buhay ko noon. Dahil ang Park Chanyeol na kilala ko, ay ang taong kaharap ko ngayon. Isang sunbaenim, isang sikat na idolo, isa sa mga nirerespeto ko. At kung sino man yung taong nakalimutan ka or whatsoever... obviously hindi ako yun. S-Sa totoo lang sunbaenim, wala akong alam sa nangyari sa buhay ko kasi naggising lang ako na walang kamalay-malay."

Napahigpit ang hawak ko sakanya.

"S-Sino yung kasama mo nung naggising ka?" Tanong ko sakanya.

"Wala akong kakilala nung mga panahong yun. Pero tinulungan ako ni Manager Lu. Sya ang nagpasok sakin sa isang entertainment para maging trainee" sabi nya.

"Manager Lu?" Kinuha nya ang kamay ko na nakahawak sa pulsuhan nya at nagbow.

"M-Mauna na ako" sabi nya at tumakbo paalis.

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon