75.

629 23 2
                                    

Luhan's POV

"Guys!! Wala tayo sa isang movie ngayon! Walang magtatanggol satin at mas lalong wala tayong alam dito!"

"Ssshhhh!!" Inalis ko ang maduming kamay na dinikit ni Kyungsoo sa bibig ko, "Kalma ka lang Luhan. Wag kang magisip ng kung ano jan. Basta kalma muna tayo"

Wala na akong maggawa kundi ang yakapin yung tuhod ko. Nakita kong dinikit ni Baekhyun yung tenga nya sa pintuan kaya sumunod si Kyungsoo. Kanina pa nakatakas si Taemin gamit yung bintana sa kwartong to at hindi talaga kami sinama dahil kami na daw yung bahala sa lahat. Gago talaga, urgh tangina this.

"Wala akong marinig na footsteps" bulong ni Baekhyun.

"Talag-"

"HUY TUMBA NA BA?! HAHAHAHAHAH!!"

Nagulat naman kaming tatlo nang may sumigaw sa labas. Bumalik ang bilis ng tibok ng puso ko at pati yung panginginig ng katawan ko. Hinawakan naman ako ni Kyungsoo sa balikat.

"Ang tagal nila ah"

"Huy buksan nyo nga ang pinto!!"

May tinuro si Kyungsoo kaya tumingin ako dun. Isang baril. Isang baril!??!

"Anong gagawin ko jan!?" Tanong ko.

"Lunukin mo gaga! Malamang kunin mo!" Sabi nya at tinulak ako papunta sa lalaking nakahandusay sa sahig. Kinuha ko naman ang baril at tinitigan ito sandali.

"Luhan bilis!"

Binigay ko kaagad yung baril kay Kyungsoo. Kumatok ulit yung mga tao sa labas kaya tinutok Kyungsoo ang baril sa parte ng pinto kung saan kumatok yung lalaki.

"Seryoso ka ba Kyung?"

"Lol joke lang to Lu" mataray nyang sagot samin kaya hinintay nalang namin ang next nyang gagawi-

*BANG!*

"Hurujuskomaryosep!" Napahigpit ang kapit ko sa kwelyo ko at hinila hila ito para makadaan yung Adam's apple ko dahil sa kakalunok. The feeling is so just so so so intense na kunting kembot ko nalang maiihi na ako.

"AY SHEEEEEET!" biglang sigaw ng lalaki sa labas na I assume, mukhang natamaan ata. Good good good.

"HUY BUKSAN NYO ANG PINTO!" Sigaw ng lalaki sa labas. Napatingin kami kay Baekhyun nang ibuka nya ang bibig nya kaya agad namin syang sinampal sa bibig.

"Wag kang maingay" bulong ni Kyungsoo sakanya. Napairap naman si Baekhyun at tinagilid ang ulo nya na parang kakagaling lang nya sa stiff neck.

"Okay 1..." Wait wait.

"2.." Teka ano to?

"3..." HUY ANONG MERON!?

"GO!"

"KYAAAAAH!" napatili nalang ako at naunang lumabas nang biglang bumukas ang pinto. Di ko naman kasi inexpect na bubuksan ni Kyungsoo yung pinto, kashet! Dahil sa biglaang pagtakbo ko ay agad akong nahuli ng mga sindikatong mabaho ang kili-kili.

"Mga tangina nyo ha! Anong binabalak nyo?" Sabi nito sa mukha ko kaya agad akong napaiwas dahil sa amoy ng alak na galing sa bibig nya.

"Bitawan mo kong gago ka!" Panggigil ko at inipit sa dalawang daliri ko ang nipples nya kaya agad syang napaatras. Tumalon ako para maabot ko yung ulo nya tsaka ko hinampas ang naninigas kong siko sa batok nya. Napasigaw naman sya kaya pinatahimik ko sya sa pamamagitan ng pagtuhod ko sa dalawang jingle bells nya.

Wala akong dalang armas and I'm sure patay talaga ako dito. Mukhang mas malalakas talaga yung mga lalaki kesa samin. Kinapa ko ang bulsa ko at buti nalang nandun pa yung susi. Kailangan kong iligtas ang dalawang babae sa I dunno where pero kailangan talaga para makaalis na kami dito before bumalik yung demonyo sa kwento.

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon