Luhan's POVUmuwi na ako pagkatapos nya akong ilibre ng rides. Sa buong pagsakay ko ng rollercoaster kanina, hindi ko naramdaman ang takot ko habang binabaliktad na kami nito. Nasa isip ko parin yung mga sinasabi ni Jeonghan sakin kanina.
I can't believe na inakala ko syang babae. How could he fooled me like that?! Dahil lang ba sa buhok nya kaya ko inakalang babae sya? Bakit di ko namalayan na may adam's apple pala sya? Tsaka yung boses.... Hindi ko magets kasi nakakalito.
Kasi naman! Nakakainsecure sya T^T Hindi lang pala ako ang maganda dito! Dyosa kasi ako. Nvm!
Nakarating ako ng bahay at pumasok agad ako. Andun sa sala si Minah at si Jiyong. Nakatayo si Minah sa pwet ni Jiyong na nakadapa sa sofa. Siguro minamassage nya ito.
"Hi Lu!! Si Baek nga pala nasa room mo" sabi ni Minah habang tumatalon talon pa sa pwetan ni Ji. Buti naman at hindi nagrereklamo si Jiyong.
"Bakit daw?" Nagkibit balikat lang sya kaya agad akong pumunta sa kwarto ko. Nadatnan ko si Baekhyun doon. Nakaupo sa kama ko habang may katext sa phone. Napansin nya naman agad ako kaya tumayo na sya.
"Kamusta?" Tanong nya nang maupo ako.
"Diba friend mo naman si Sehun?" Tanong ko sakanya.
"Oo bakit?"
"So kilala mo si Jeonghan?" Tanong ko ulit.
Ngumiti sya at umupo ulit sa kama ko.
"so alam mo na pala?" Napatingin ako sakanya.
"Alam mo?"
Humiga ako sa kama ko at pinatong ang ulo ko sa lap nya. Yumuko naman sya sakin at ngumiti.
"Alam kong pinsan ni Sehun si Jeonghan. Sinasama kasi ako minsan ni Sehun sa Jeju eh kaya nakilala ko sya"
"Bakit hindi mo sinabi?!" Tanong ko.
"Kasi hindi exciting kung sasabihin ko kaagad" sabi nya sabay kindat.
"Aist ano ba yan" sabi ko at ngumuso.
"May sinabi ba si Jeonghan sayo?" Tanong nya kaya tumango ako, "Tungkol saan?"
"Nung christmas party daw natin, nireject ko daw si Sehun. Nakakapagtaka lang eh wala akong maalalang nireject ko sya. Eh malamang sa malamang, kung liligawan nya ako, baka hindi lang OO ang isasagot ko sakanya. Baka pati nga katawan ko ibigay ko na eh" sabi ko sakanya.
"Naalala ko, nasa hospital ako nun. Binisita ako ni Sehun" sabi nya kaya agad akong napatinghala sakanya.
"Totoo?"
"Yep! And he told me everything!" Sabi nya at parang inalala ata yung usapan nila.
"Tell me!"
Flashback
Baekhyun's POV
Napatingin ako sa pinto ng room ko nang bigla itong bumukas. Nakita ko ang isang lalaking matangkad na nakamask at nakahoodie. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka yung kagaya nung sa ibang pelikula na may maguutos sa isang tao para patayin ang bida na nakaratay sa hospital tapos inimagine ko na ako yung bida at papatayin nya a-
"Baekhyun!"
"Ay Baekhyun!" Nagulat ako nang makita ko ang lalaking pumasok. Si Sehun lang pala. Phew! Bakit di ko man lang napansin ang baba nya?
"Baekhyun, wag kang maingay! Wag mo ring sabihin sa iba na andito ako okay?" sabi nya.
"At bakit naman? Alam mo bang hinahanap ka na nila! Ikaw ah! Ano nanamang trip mo!?" Tanong ko.
"Pupunta akong Jeju at gusto ko lang magpaalam. Pupuntahan ko sila Tita dun" sagot nya.
"At bakit?"
Umupo sya sa isang upuan katabi ng hospital bed at humarap sakin.
"Dahil kay Luhan" sabi nya at yumuko.
"Ano?! Ano bang ginawa sayo ni Luhan at bakit kelangan mo bang lumipad papuntang Jeju?!" Tanong ko.
"N-Nireject nya ako!" Sabi nya.
"Huh? Bakit? Pano? Kelan? Saan?" Tanong ko. Pinagloloko ako nito eh. Yung Luhang yun irereject si Sehun?! Ha! Liliit man ang mata ni Kyung... hinding hindi nya yun gagawin.
"Naalala mo yung Christmas Party natin? Baekhyun, alam mo namang ako yung magiging regalo ni Luhan diba? Napagplanuhan natin yun!" Tumango naman ako, "May inutusan akong estudyante na tawagin si Luhan. Pero akala ko babalik yung estudyante na dala si Luhan pero sabi nya, sinisigawan daw sya ni Luhan at ayaw daw nitong sumama kasi may ginagawa pa. Umiyak yung babaeng inutusan ko at umalis"
"Bakit mo naman nasabing nireject ka nya?"
"Kasi sinabihan ko yung babae na ipasabi kay Luhan na hinahanap sya ni Sehun. Malamang ay binalewala lang nya ako. Alam nya kung sino ang nagpatawag sakanya kaya syempre nung narinig nya ang pangalan ko, parang wala lang sakanya yun at hindi yun pinansin" naguguluhan ako kay Sehun. Abnormal talaga.
"Alam mo, kausapin mo ng maayos si Luhan!" Sabi ko sakanya pero umiling lang sya.
"Ayoko.. Naiinis ako sakanya! Gusto kong gawin ang plano ko" sabi nya bago umalis.
Ang weird nya talaga. May pagkachildish pa. At ano namang plano ang gagawin nyo aber?!
End of flasback
Luhan's POV
"Seryoso!? Eh tanginang yan! Walang sinabing pangalan yung babae sakin! Puta naman! Kung sinabi pa ng babae ang pangalang SEHUN edi sana kami na ngayon! Mahirap ba yun!?" Inis kong sabi.
"Relax ka nga!" Sabi ni Baekhyun sakin.
"Luhan oppa, may gustong makipagkita-"
"PUTANGINA KUNG SINO KA MAN! CAN'T YOU SEE?! DI MO BA NAKITANG NAGKAGULO DITO! TANGINA LUMAYAS KA!" jusko! Lalo akong nastress sa babaeng yun. Kitang may kaguluhan dito tapos may gusto pang makipagkita sakin?! Dapak!
Alalang-alala ko pa yung pagtawag sakin ng isang babae noon.
Alam ko na kung bakit sinabi ni Sehun sakanya na nireject ko sya. Eh tanga pala sya eh! Tanga yung babae! Tanga rin ako. Pareho kaming mga tanga! Tanga sya kasi hindi nya tinanong kung nasabi ba ng babae ang pangalan nya! Tanga rin ang babae kasi isang simpleng GALING KAY SEHUN lang hindi pa masabi. At tanga ko rin kasi hindi ko man lang pinatapos ang babae. Edi pareho kaming lahat mga tanga! Bwesit naman oh!
"Kausapin mo sya Luhan" sabi ni Baekhyun.
"Kakausapin ko talaga yun para ipagmukha sakanya na tanga sya! Ang kapal ng mukha nya para pagselosin ako gamit ang pinsan nya! Bwesit sya! Tangina nya!!" Nanggigigil ako! Nakakagigil talaga! Kung hindi pa to tao si Baekhyun eh kanina ko pa to sinapak at tinapon kahit saan eh!
"I know what you're thinking Luhan kaya please wag mo nang ituloy. Itulog mo na yan! Dito ako matutulog" sabi nya at humiga sa kama ko at nagtalukbong kumot.
Huminga nalang ako ng malalim bago humiga sa tabi nya at umidlip narin. Ewan ko nalang kung makakaidlip pa ba ako.
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanfictionEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...