Note: More on flashbacks ituh :*Baekhyun's POV
"Baekhyun hyung!" Tumayo ako sa damuhan at lumapit kay S.Coups.
"Coups, you better go home. May aasikasuhin lang ako" sabi ko tsaka tinulak sya papasok ng sarili nyang kotse.
"What?! What's happening?" Tanong nya pero sumakay naman sya agad. Pinaandar na nya ang kotse at umalis na.
Napatingin ako sa likod ko nang may tumapik sakin. Si Hayoung.
"Baekhyun" tiningnan ko lang sya ng maigi.
"Where's Lola?" Tanong ko, "Pano mo nalaman ang totoo kong pangalan?" Tanong ko ulit.
Naglakad sya palayo sakin kaya sinundan ko sya. Huminto sya sa isang pamilyar na lugar which is ang puntod nina Mama at Papa. Umupo sya sa harapan ng puntod ni Papa habang nasa harapan naman ako ni Mama.
"Baekhyun, you're still a baby noon nung nagtatrabaho ang Mama ko sa pamilya nyo" panimula nya.
"Mama... mo... si Aling Yoyo?" Tanong ko sakanya.
"You're right. She's my mom" sagot nya.
Huminga sya ng malalim at tumingin sa itaas. Kung titingnan mo si Hayoung, may part sa mukha nya na magkakapareha sila ni Aling Yoyo.
"May nalaman akong story simula nung nagising ako sa pagiging comatose ko. A story of my Mom at ng pamilyang Jung"
*Flashback*
Third person's POV
Napatingin si Daesoo sa relo na nasa pulso nya at tumingin kay Taehyun, Taeyeon at Daehyun.
"May kunting oras pa naman tayo bago magsisimula ang Opening ng company ni Mr. Hwang. May pupuntahan lang ako" sabi nito sa magina atsaka kinuha ang bag nito sa sofa nila.
"Mag-iingat ka Daesoo" sabi ni Taehyun at nginitian ang asawa nya.
Nagpaalam narin si Daesoo sa bunso na si Baekhyun na kasulukuyang kumakain ng niluto ng Yaya nila.
Agad na lumabas si Daesoo sa bahay nila at pumasok sa kotse nya. Pinaandar nya agad ang kotse at nagtungo papunta sa Hospital kung saan nakastay si Hayoung.
Nabalitaan nya kasing nagising na ito kaya agad syang nagtungo. Gusto na nyang suprisahin ang ina ng bata na Yaya nila. Sigurado syang magiging masaya ito.
"Hayoung-sshi" mahinang sabi ni Daesoo sabay lapit sa batang nakatulala lang sa kung saan.
"Kayo po ba si Mr. Jung?" Nangingiyak na sabi ng bata, "Si Mama ko po?"
"Your mom is still safe in my house" sagot nito. "I'm sorry Hayoung-sshi... Mapapatawad mo ba ako sa ginawa kong kasalanan sayo?" Tanong ni Daesoo.
"Alam ko naman pong di nyo ko nakita na papatakbo sa harap ng garahe nyo eh. Pero gusto ko talaga makita si Mama ko po" sabi ng bata. Lumapit si Daesoo sa bata at hinawakan ito sa balikat.
"You'll see her soon pag nakalabas ka na dito. I'm sure matutuwa yun pag nakita ka nya ulit. At sana mapatawad na nya ako"
Pero doon sya nagkakamali.
Bago pa nakauwi si Daesoo, nagplano ng isang set up ang Yaya nilang si Yoorin o tinatawag nilang Yaya Yoyo. Napakalaki ng galit nya kay Daesoo dahil sa inakala nitong pinatay nito ang anak nya. Gusto nyang maghigante. Hindi lang kay Daesoo, kundi sa mga anak nya rin. Gusto nyang maranasan ni Daesoo ang nararamdaman nya nung nabalitaan nyang patay ang kaisa isa nyang anak.
Dumating si Daesoo na may malaking ngiti sakanyang mga labi. Pinuntahan nya agad ang asawa at mga anak nya sa kwarto nila habang si Yaya Yoyo naman ay tinawag ang isang driver ng kapitbahay nila na isa ring mekaniko. Inutusan nya ito na gawan ng paraan ang kotse para hindi ito magbrake kaya sinira nalang nya ang brake nito.
Pagkatapos nyang gawin ang plano nya ay pumasok na sya sa loob para magpaalam sa apat na nakapormal na damit. Nabigla si Yaya Yoyo nang bihis na bihis rin si Taehyun. Akala nya, hindi ito sasama dahil babantayan nya si Baekhyun. Pero mali sya. Hindi nya intensyon na damayin si Taehyun dahil alam nyang isang napakabait na tao si Taehyun at naging mabuting amo rin sakanya. Wala syang nagawa kundi panuorin ang apat na pumasok sa loob habang buhat na buhat niya si Baekhyun.
"I'm sorry Maam Taehyun" bulong nya.
Nabalitaan nalang ni Yaya Yoyo ang isang aksidente. Alam nyang pamilyang Jung yun kaya hindi na sya nagtaka. Nagguilty sya bigla nang maalala nyang kasali si Taehyun sa aksidente. Tumingin sya kay Baekhyun na inosenteng naglalaro ng paborito nitong stuff toy. Nginitian nya ito ng pilit at kinausap.
"Baekhyun, si Mama at Papa mo, naaksidente" sabi ni Yaya Yoyo at binuhat si Baekhyun. Napaiyak si Baekhyun sa narinig nya.
Si Daehyun at Taeyeon lamang ang nakaligtas sa aksidenteng yun. Tinulungan ni Taeyeon si Daehyun na makalabas sa kotse at sumunod naman sya. Magkasama sila nun at tinawagan naman ni Taeyeon ang matagal na nyang boyfriend na si Kris. Nang sumagot ito, agad nyang sinabi ang lugar kung saan sila magkikita.
Habang andun si Baekhyun sa nagkukumpulang mga tao, napansin naman ni Yaya Yoyo ang dalawang pamilyar na kurbang tumakbo palayo sakanila. Sinundan nya ang mga ito kasi alam nya kung sino ang dalawang yun.
Pagdating nya sa isang tulay, nakita nya si Kris at si Taeyeon. Nagyayakapan at umiiyak. Napasarado ng kamao si Yaya Yoyo nang makita nyang buhay pa si Taeyeon.
Agad nagbago ang ekspresyon nya at lumapit kay Taeyeon at niyakap ito, "Buhay ka" bulong nito na ikinangiti ni Taeyeon.
"Buhay ako Yaya" sagot ni pabalik.
"Kris, ako na bahala kay Taeyeon" sabi ni Yaya Yoyo kaya umalis nalang si Kris at nagdrive paalis.
Tiningnan ni Yaya Yoyo si Taeyeon habang nakakunot ang noo.
"Pano ka nakaligtas?" Tanong nito.
"Gumawa po kami ng paraan ni Daehyun para makaligtas Yaya" sagot nito.
"Niligtas mo ang sarili nyo pero hindi nyo nagawang iligtas si Taehyun na mas importante pa sainyo!! DAPAT KAYO ANG MAMATAY SA AKSIDENTE!" sigaw ni Yaya Yoyo at malakas na itinulak si Taeyeon. Pero di nya akalaing mahuhulog ito sa tulay ng ganun ganun nalang.
Nanlaki ang mga mata ni Yaya Yoyo nang makita nya si Daehyun sa tabi nya. Dahil sa takot na maisunod ito, agad syang tumakbo palayo sa Yaya nya.
Baekhyun's POV
"Sabi ni Mr. Jung sakin, alam nyang malaki ang galit ni Mama sakanya kaya inexpect nyang maghihigante ito. Naalala ko pa nga ang sinabi nya sakin eh. Mamatay man sya, wag ka lang daw Baekhyun. Kasi hindi ka daw nya pag-aari kaya hindi ka dapat madamay. Nabalitaan ko ang aksidenteng yun kaya simula nun, hindi muna ako nagpakita kay Mama at pinatira muna ako sa ampunan. Di ko akalaing bibisitahin ako ni Daehyun sa ampunan at pina-apply ako ng trabaho sa mansion ng mga Park. But before ako naging katulong ng mga Park, sinabi ko na lahat lahat ng mga katotohanang nalaman ko tungkol sa pamilyang Jung at pamilya na konektado dito" sabi nya.
Nakatingin lang ako sakanya at hinintay ang susunod nyang sabihin. Pero wala na akong narinig pa.
"So sa una palang, alam mo nang lalaki ako?" Tanong ko sakanya. Agad syang tumango.
"Akala ko rin na reincarnation ka ni Maam Taehyun eh. Pero imposible naman yun" sabi nya.
Ngumiti lang ako at napaiwas ng tingin, "Galit na si Lola sakin. Nalaman na nya ang totoo. Ano na ang mangyayari Hayoung?" Tanong ko sakanya.
"Siguro, itutuloy nila ang plano" sagot nito.
"Anong plano?"
"Alam kong masyado itong common Baekhyun pero posibleng matutuloy ang kasal nina Chanyeol at Hyuna na ngayo'y nalaman na nilang hindi ka nya totoong girlfriend. They're in fixed marriage"
----
HAYOUNG~ ----->
![](https://img.wattpad.com/cover/37972178-288-k777814.jpg)
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanfictionEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...