36.

1.4K 67 2
                                    


Kyungsoo's POV

Naglalakad ako sa mahabang hallway dito sa first floor ng school kasi pupunta ako ngayon sa library. Gusto ko kasing manghiram ng manga dun eh hehe.

"I really miss you Dong" napahinto ako sa isang storage room kung saan ko narinig ang boses na yun. Ano daw? Nagsalita magisa.

"*sigh* I know it's been a year pero di parin ako nakamove on. Dong! Miss na miss na kita" sabi ng boses.

Dahil curious ako, nawala sa isip ko ang library. Pinihit ko ang doorknob ng storage room at binuksan. Sumilip ako pero ang dilim. Ganun na ba kaitim ng taong yun na hindi ko talaga makita?

"Dodong.. Please sana magpakita ka na sakin"

Napakunot ako ng noo at pumasok. Parang pamilyar kasi nung boses.

"Ahmm.. Excuse me?" Sabi nya, "May tao ba jan?"

Napaubo ako ng peke at binuksan ang ilaw. May ngiti pa ako sa labi habang unti-unting umilaw ang ilaw.

Pero agad iyung nawala nang makita ko kung sino yung lalaki.

"Kai?" Yeah, sya nga -_-

"Kyungsoo?" Yeah, ako nga -___-

"Anong ginagawa mo dito?" sabay pa naming sabi. Lumapit ako sakanya habang nakakunot pa ang kilay ko.

"Binisita ang memories ko?"

"Memories? Binisita? Mind explaining"

Umupo sya sa isang mesa.

"I know baliw na ang akala mo sakin dahil nahuli mo kong nagsasalita mag-isa. Ang storage room kasi ang lugar na binibisita ko sa tuwing namimiss ko si Dodong" sabi nya.

Dodong?

Humakbang ako at hinawakan ang mukha nya. Tinitingnan ko lang kung sya ba yung lalaking yun.

"Nini" sabi ko dahilan ng pagkabigla nya.

"Dodong?"

Napaatras ako at mapalunok. Hinding-hindi ito mangyayare. NOOOOOOO!! Jebal andwae! Huhu di ko pinangarap na magkaruon ng childhood friend na isang sikat. Never in my wildest dreams!

Wildest dreams~ Ah-huh~ Ah~

Wildest dreams~ Ah-huh~ Ah~

"M-may t-tumawag" sabi ko at aalis na sana nang may humawak sa balikat ko.

Pangslowmotion bigla ang mga pangyayare. Ang bilis ng pangyayare.... nasa braso nya ako. Ewan ko kung ano ba talaga! Basta slow-fast! Aish.

Niyakap ako lalo ni Kai at sininghot singhot ang leeg ko or sadyang umiiyak lang talaga sya. Assuming lang talaga ako.

"Dodong"

"H-hindi ako si Dodong!"

"Hindi! Ikaw si Dodong"

"Hindi nga ako si—"

"D.O! ALAM KONG IKAW YAN" napatalon ako sa gulat nang sigawan nya ako.

Inis ko syang tinulak paalis sakin.

"Wag mo kong tawaging Dodong or D.O! Putangina! Bakit buhay ka pang Jongin ka!" Sigaw ko at binato sya ng kahit ano. Ang rami kayang gamit dito sa Storage Room. Duh! Kaya nga storage diba?

"D.O"

"Isang D.O pa Kai! Mapapatay na kita"

"Dodong please—"

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon