72. Sehun (the secret)

843 48 2
                                    

A/n: Kakapanuod ko lang ng greatwall and omg i miss luhan 😍😭 ang cute ni luhan dun kaiyaq

Sehun's POV

Binuksan ko ang bahay ko gamit ang susing dala-dala ko. Ilang araw na rin akong hindi umuuwi dito simula nung umuwi kami galing China. Kailangan kasi naming mamalagi sa dorm malapit sa entertainment. Masyadong busy eh. Siguro kailangan ko naring mamahinga.

Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto. Nilagay ko ang coat sa sofa.

Arf! Arf!

Kahit gusto kong yakapin ang aso ko, alam kong hindi pwede. Isang taon akong wala dito at kung lalapit man ako sakanya, baka kakagatin pa ako. Obvious naman sa mukha ni Greil ngayon.

"Hey bud, it's just me" sabi ko pero patuloy lang sya sa pagtahol.

"Ang ingay naman Greil ehhh!!" Napatingin ako sa hagdan at bumungad sakin ang pigura ni Jeonghan. Napahinto naman sya nang makita nya ako.

Wow, hindi man lang ako nainform na naging lalaki na pala to? I mean, nagmukhang lalaki rather.

"Seng!?" Muntik na syang tumili at agad na pumunta sakin. Hinawakan pa nya ang pisngi ko bago kumandong sakin para yakapin ako, "Omo! Akala ko hindi ka na uuwi!! I miss you~~" sabi nya. Pilit ko syang inalis pero masyado syang mabigat at masyado akong pagod para itulak sya palayo.

"Umalis ka na nga" sabi ko sakanya at ginulo ang maikli na nyang buhok. Ngumiti sya pero agad namang umalis para umupo sa tabi ko.

"Oh ano? Kamusta?" Tanong nya habang nakakandong na si Greil sa lap nya. Tiningnan naman ako ni Greil at sininghot singhot ako. Hindi ko nalang sya pinansin

"Hindi mo ba nabalitaan?" Tanong ko sakanya.

"Ang alin?" Tanong nya rin.

"Magdidisband na kami" bago pa sya makareact ay agad akong nagsalita, "Dahil sakin..."

Napatakip sya ng bibig at napatitig sakin. Hindi parin sya sumagot kaya bumuntong hininga ako.

"Alam kong hindi ka makakapaniwala. I just— Hindi ko na kasi kaya eh" sabi ko.

"Anong hindi kaya? San ka nahihirapan ha? Ilang taon ka nang idol pero ngayon ka lang sumuko?! Sasaya ba fans mo dito? Hindi diba!? Ano bang nangyari sayo!?" Sunod-sunod nyang tanong sakin.

"Kailangan ko na tong tapusin. Well hindi rin naman kami magtatagal eh—"

"Pero pinutol mo agad Sehun. Alam mo bang maraming underrated groups ang hindi sumikat kaya dinisband ng entertainment kahit ayaw nila? Hindi sila yung nagdedesisyon nun kundi yung entertainment. Pero Sehun, ang KSY ay isa sa pinakasikat na grupo ngayon pero ano, ikaw yung mismong pumutol— IKAW MISMO na leader, ang sumira sa grupo mo. Hindi mo ba yun naiisip? Pano yung mga fans mo?"

Hindi ako nakinig sakanya. Ayaw kong makinig sa sinasabi nya dahil alam kong tama. Tama sya at ako yung mali.

"Kasi makasarili ako. Inaamin kong makasarili ako. Kasi ako, gusto kong sumaya. Gusto kong mabuhay na walang problema. Nahihirapan din ako eh. Naaawa ako sa sarili ko" sabi ko.

"Makasarili ka nga. Hindi ka marunong lumaban eh. Alam kong buhay mo yan at dapat hindi na ako makikialam. Pero ako yung nag-a-alala eh. Nasira na kayo, mawawala na kayo. Sayang din yun Sehun" humina yung boses nya. Hindi na ulit ako nagsalita.

Naintindihan ko sya. Sila. Alam kong nakakapanghinayang lang yung biglaang pag-alis ko sa grupo. Pero hindi ko kasalanang yung mismong entertainment ang magdidisband ng grupo. Syempre hindi ako yung dahilan.

Pwede silang magpatuloy. Kahit dalawa lang yung membro ng grupo, pwedeng hindi magdisband. Umalis lang ako ng grupo pero hindi ko intensyong idisband sila. That's not my decision, it's the CEO's. Alam ko ang ugali ng CEO at alam kong may plano sya. Hindi ko alam pero pag gusto nya, gagawin nya. Kahit ikakapahamak ng iba, gagawin nya. Isa yun sa rason kung bakit gusto kong umalis.

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon