Baekhyun's POV"Baek hyung?" Napaangat ako ng ulo at nakitang nakatayo si S.Coups sa harapan ko. Agad kong pinunasan ang luha ko at ngumiti sakanya.
"May kelangan ka ba?" Tanong ko sakanya.
"A-Andito sila Luhan at Kyungsoo hyung" sabi nya bago umalis.
Hinintay ko ang dalawa na pumasok sa kwarto ko. Nakaupo parin ako sa kama ko habang nakayakap sa tuhod ko. Matapos sabihin ni Kyungsoo ang nangyari, nalowbat yung phone ko at ang mas masama, nagbrownout pa.
Pero isang bagay lang ang iniiyakan ko ngayon. Hindi pala bagay. Tao pala sya. At ang masaklap, hindi ko alam kung bakit ko sya iniiyakan ngayon.
"Baekhyun" nang marinig ko ang boses ni Luhan, pinunasan ko ulit ang luha ko. Ngumiti ako sakanila.
"Hi guyyss miss me?" Pagbiro ko sakanila.
Hindi sila sumagot at sa halip ay umupo sila sa kama ko at sabay nila akong niyakap. Para silang tanga ah pero nakakaiyak.
"Alam mo ba? Para kang si Harley Quinn" sabi ni Kyungsoo.
"Kasi maganda kaming dalawa? Or pareho kaming baliw?" Natatawang sabi ko.
Pinunasan ni Luhan ang luha ko habang nakasimangot.
"Kasi nung akala nya nung nawala si Joker, nagpanggap syang masaya sa harap ng kaibigan nya kahit sa loob nya ay nasasaktan sya. Kulang na nga sayo ulan at make up eh" sabi ni Luhan.
"Ano ba yan. Bakit hindi nyo ako sinama nung nanuod kayo ng Suicide Squad?" Tanong ko at kinurot ang ilong ko.
Bigla silang tumahimik kaya napatingin ako sakanila. Nakaiwas yung tingin nila sakin pero alam kong naiiyak sila.
"We're bad guys, that's what we do" sabi ko sakanila. Napatingin sila sakin.
(AN: Hala ka sorry hahahaha na-adik lang ako sa Suicide Squad umaygad XD)
"What"
"Sorry ah kung trailer lang yung napanuod ko" tawa ko bago huminga ng malalim, "Just cry guys. Wala namang pumipigil sainyo" sabi ko at nginitian sila.
Maya-maya pa'y nahampas ako ni Luhan, "Si Sehun naman kasi eeeeh!!" Iyak nya.
"Sabi ko iyak hindi hampas" sabi ko sakanya.
"Sorryyyy" sabi nya habang nakasimangot. Ngumiti lang ako at tumango.
"Aminin mo na kasi Baek" sabi ni Kyungsoo, "Aminin mo nang naiinis ka kay Chanyeol" dagdag nya.
"Naiinis naman talaga ako sakanya ah. Dati pa" sagot ko.
"Naiinis ka dahil sa pag-alis nya"
"Naiinis ako sakanya kasi tanga sya. At naiinis ako sa sarili ko kasi.... kasi...."
Tinaasan nila ako ng kilay.
".... kasi hindi ko maamin na mahal ko na sya" sabi ko at binaon ang ulo ko sa tuhod ko.
"Lumabas na rin" sabi ni Luhan at tumayo. Taka ko syang tiningnan.
"B-bakit?"
"Tumayo na kayo jan" sabi nya at hinila ang kamay ko.
"Bakit nga??"
"Mahal mo si Chanyeol diba? Ano pa bang gagawin mo? Edi puntahan sila!!" Sabi nya.
"Puntahan sila sa China?!" Tanong ko.
"Yep! Kaya bilisan mo" sabi nya at lumabas ng kwarto. Napatingin ako kay Kyungsoo.
"Kung mahal mo ang isang tao, handa kang bumangon sa pagkakadapa mo para maipakitang hindi ka sumuko" sabi nya at tumayo, "Mahal na mahal ko si Jongin at ayokong magmukha syang tanga dun sa China. Gusto mo bang mabaliw si Chanyeol kakahanap sayo dun sa China?"
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanfictionEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...