3. Kyungsoo

3.7K 163 59
                                    


"NEXT!!! Pangalan at edad!!"

"Name: Do Kyungsoo, Age: 16"

"Sing"

Kinuha ni Kyungsoo ang mic na binigay sakanya ng isang staff tsaka pumunta sa harap ng judge.

" You can't take everything I have~

You can't break everything I am~

Lik--- "

"PASOK! NEXT!"

Kyungsoo's POV

Napanganga ako dahil sa sinabi ng judge. Clueless pa ako pero naagaw na agad sakin ang mic na hawak ko at pinaalis ako sa stage. Nagkibit balikat nalang ako tsaka tumakbo sa upuan ng mga pasok. Nakipag-apiran sila sakin kahit di naman nila ako kilala.

"Grabeh, ang ganda ng boses mo Kunso!!" Sabi ng isang babae. Napakamot ako ng batok tsaka hinampas ng mahina ang balikat nya.

"Kyungsoo teng!!" Sabi ko tsaka umupo sa tabi nya.

"Eunji nga pala" sabi ni ate girl tsaka kinuha ang kamay ko. Nginitian ko lang sya ng pilit. "Bakit ka nga pala nagaudition dito?"

Umiwas ako ng tingin tsaka napatulala sa isang malaking poster. Poster ng mga hinahanggan kong idolo. Yeah, sila ang dahilan kung bakit ako andito ngayon. I may or may not dream to be an idol too pero minor goal ko nang malapitan si Chanyeol.

"Wala lang?" Sabi ko nalang. Tumawa naman sya tsaka hinampas ang balikat ko.

"Hahaha, seriously Kyungsoo? Trip mo lang bang magaudition dito? Ako kasi, andito ako para sumikat. Tsaka maging artista na rin kung sakaling sisikat na ako bilang isang singer. Gusto ko kasing, maging ka-love team si Chanyeol" agad naman akong napatingin sa pagmumukha ni Eunji nang marinig ko yun.

"Ang landi mo" bulong ko pero narinig nya yun mula sakin. Nagsisi ba ako? Tangina wala. Kailangan nya yun marinig, nanggigigil ako.

"Eh pake mo ba! Dream ko yun eh" napairap ulit ako.

=======

"Kyungsoo!!!" Nabitawan ko naman ang spatulang hawak ko nang marinig ko ang boses ni Suho, kapitbahay naming.

"Susmaryusep naman Suho! Ano ba meron?" Tanong ko sakanya. Nginitian muna nya ako tsaka nagsalita.

"MAKAKAPASOK NA TAYO SAHAENA LU ACADEMY!!" sigaw nya sabay yakap sakin. Chansing din sakin to eh.

"Ewan ko sayo Suho! Umalis ka nga! Nagluluto ako dito" sabi ko tsaka pinulot ang spatula na nasa sahig.

Bumuntong hininga naman sya tsaka umupo sa lababo.

"Akala ko ba, gusto mong makita ang KSY sa personal?" Napatigil naman ako tsaka tiningnan sya.

"And?"

"And and ka jan! Alam mo bang, dun sila nagaaral ngayun? Ayun dito sa HLA Update, nagtransfer daw dito ang tatlo!! Look" sabi nya sabay pakita ng phone nya. In-off ko naman ang stove tsaka pinunasan ang kamay ko gamit ang apron na suot ko. Kinuha ko naman ang phone nya tsaka tiningnan yung pic. Silang tatlo, kumakain sa cafeteria. Hinanap ko kaagad si Chanyeol sa tatlo.

"Suho!! Kelan ba tayo papasok ng Academy na to?" Tanong ko habang nilakihan ko pa lalo ang mga mata ko.

"Next year syempre. Nagaaral pa kaya tayo sa Zi Nyu High" sagot naman nya na ngayu'y may hawak na toothpick.

"Pwedeng magtransfer? Pwede pa naman ata yun diba?"

"Hmmm" sagot nya tsaka tumango. Nagsnap naman ako ng daliri tsaka binigay sakanya ang phone.

"Bukas na bukas, lilipat tayo!! Game?"

=====

"Welcome to Haena Lu Academy Mr. Kim and Mr. Do!! This is Ms. Jung. She will going to tour you both in this Campus" sabi samin ng principal na may kasama pang babae sa office nya. Yung girl familiar and nasa dulo na ng dila ko yung pangalan nya.

"Omg! Kyungsoo!! Nagkita tayo ulit" nagkatinginan kami ni Suho then sabay kaming tumingin sa babae.

"Eunji?" and I was right.

"Bingo! So tara? Itotour ko kayo sa HLA!! Naku Kyung!! Magugulat ka talaga sa magiging balita ko sayo! Alam mo ba!! Blahblahblah!!"

Napairap ako dahil sa kadaldalan ng babaeng nakakapit sa braso ko ngayun. Hindi pa nga ako nakamove on sa sinabi nya nung audition eh.

"Alam mo bang nakita ko si Chanyeol sa may CR! Naku Kyung, sinilip ko pa talaga sya ah! Alam mo ba kung anong ginagawa nya sa loob? Nagpakita sya ng abs!! Alam mo yun? Tinaas nya ang tshirt nya habang nakaharap sya sa salamin! Grabeh, parang gusto ko narin syang tulungan hubaran ng pambaba eh" Nakinig nalang ako tutal, si Chanyeol naman ang topic eh. Tumango tango naman ako tsaka tumingin kay Suho na nakatingin lang sa phone nya.

"Then si Kai!! Grabeh, sumayaw sya kanina sa gym!" Sabi ng katabi ko tsaka pinaghahampas pa ako sa balikat, "Naku Kyung! You better see them right now! Tara!!! Yiiieee!! Nasa canteen sila ngayun bilis!!"

Akala ko ba itotour nya kami? Kahit na gusto kong makita ang KSY, ayaw ko rin naming mawala sa malaking school na to.

"Tadah!! Nasisilayan mo na ba ang kagwapuhan at kahotness nila? Nako, you have to kasi lalapit tayo sakanila right here right now! Yung ovaries mo pakihanda" huminga nalang ako ng malalim tsaka nagpahatak nalang sakanya.

"Ano ba Sehun! Diba sabi ko sayo na ayaw ko sa spaghetti?"

"Ang arte mo hyung!"

"Huy Sehun! Tumigil ka nga!"

"Kai hyung, bilhan mo ko ng drinks please"

"Huy an--"

"Please"

Napatitig nalang ako kay Chanyeol habang kumakain ito ng burger. Tangina ba't ba kahit tissue lang hawak nya ang hot nya parin? Truth.

Muntik ko nang malabas ang napakamasamang mura sa mundo nang nakaramdam ako ng malakas na pwersa sa braso ko kaya agad akong napatingin sa bumangga sakin.

"Kai?"

.....

*EDITED

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon