57.

1.2K 67 6
                                    


Baekhyun's POV

Because you have shared in our lives by your friendship and love,

WE

CHANYEOL & HYUNA

Request the pleasure of your company as we are united in the holy sacrament of matrimony....

Agad na inagaw ni Luhan ang invitation na natanggap ko at tinapon iyun sa basurahan na nasa gilid nya. Napatingin ulit ako dun.

"Aalis na tayo" sabi ni Luhan at tinuro si Kyungsoo na nakaupo sa sofa namin. Tiningnan ko naman si Kyung. Tulala at mukhang sabog.

"Tapatin mo nga ako Baekhyun. Nagdadalawang isip ka bang sumama samin dahil ayaw mong iwanan si Chanyeol?" Tanong ni Luhan kaya agad akong napatingin sakanya.

"Anong pinagsasabi mo jan? Ayokong sumama kasi hindi pa ako nakapagpaalam sa Daddy. Ayoko silang iwan" sabi ko sakanya.

"Ikaw... Kaya mo namang makita si Chanyeol na masaya sa iba diba? Kaya mong pakinggan ang mga balitang si Hyuna pala yung matagal na dinate nitong babae kahit ikaw naman talaga yun. Masyadong effort ka noon Baekhyun tapos masasayang lang pala" sabi ni Luhan.

"Gusto mo ba talaga akong lumayo kay Chanyeol? Or gusto mo lang maagaw ko ulit si Chanyeol kay Hyuna?" Tanong ko.

"Both. Gusto ko both. Pero it's up to you kung anong choice mo. Aalis ka at sumama samin. Or mags-stay ka dito para pigilan yung kasal" sabi nya at sinuot ang shades nya, "Sasama ka ba or hindi? China is waiting" dagdag pa nya.

"CHINA?! CHINA ANG PUNTA NYO!?" sigaw ko kaya napatingin si kyung sa gawi ko. Pero agad naman ulit syang napatulala.

"Bakit? Ano bang meron sa China? Balak ko kasing umakyat sa Great Wall eh. Malay mo, ako ang first na taong makatungtong dun" napailing nalang ako sa kagaguhan ni luhan

"Alam mo bang mga cannibal tao dun?" tanong ko sakanya.

"Huh? Hindi naman dun shinoshoot yung Green Inferno ah"

"Gago! Alam mo bang kumakain ng fetus yung mga tao dun!?" Tanong nya.

"Fetus? Tangina, edi sana patay na ako ngayon! Laking china ako Baek"

"Aba malay ko ba. Siguro sa unang kita palang nila sayo, nandidiri na sila" lumayas ako sa harapan nya at kinuha ang cellphone ko sa gilid ng TV.

Totoong aalis na sila nang bansa para makalayo sa dalawang ... you know.. except sakin. Hindi naman ako NAINLOVE.

*twiiiiiiiit*

Putangina mag-ingay kayo!

"Haay, ang qt ko talaga" rinig kong sabi ni Luhan.

Napailing ako.

Gusto ko naman talagang sumama kasi why not?

"Oh eh bakit ayaw mong sumama?" Tanong sakin ni Kyungsoo. Nilakihan ko ang mga mata ko at tiningnan si Kyungsoo. Buti naman at nagsalita.

Kaya ayaw kong sumama kasi why not ulit? Wala naman akong dapat takasan.

"Haay naku!! Tara Kyung, punta nalang tayo sa kasal ni Chanyeol at Hyuna" sabi ni Luhan kaya napatingin ako sakanya.

"Gusto mong sumama Baekhyun?" Tanong ni Kyungsoo.

"Ayoko. Di naman ako invited" napatingin ako sa basurahan kung saan tinapon ang invitation, "Ah.. ano, maglilinis pa ako ng bahay"

"Ambobo mo sa palusot. Kung hindi mo mahal si Chanyeol, sasama ka samin" sabi ni Luhan at tinaasan ako ng kilay.

"Ganito nalang. Papipiliin kita Baekhyun. Sasama ka samin sa simbahan. Or sasama ka samin sa China" sabi ni Kyungsoo kaya napakagat ako ng kuko sa paa. Dejuk, kamay kasi.

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon