Third Person's POV
"Anong ibig mong sabihing nagpapanggap lang kayo?" Tanong ni Chanyeol kay Kyungsoo nang sabihin nito ang totoo. Napahawak naman si Kai sa braso ni Chanyeol.
"Intindihin mo sila Chanyeol please" sabi ni Kai at pinakalma si Chanyeol.
"Pero pano— Bakit nyo gina—"
"Akala mo ba madali lang samin!?! Mahirap Chanyeol!! Mahirap lalong lalo na sa sitwasyon ni Baekhyun. Bakit? Pinaramdam mo ba sakanyang mahal mo sya? Pinaglaban mo ba sya sa lola mo? Kasalanan mo rin naman Chanyeol eh! Kung sana'y hindi ka naging duwag na umamin kay Baekhyun at kung sana'y hindi puro Taehyun yang nasa isip mo, edi sana hindi sya umasang mahal mo sya pabalik! Tapos magagalit ka dahil nagpapanggap sya sa harapan mo? Ginawa nya yun dahil akala nyang wala kang pakialam" sagot ni Kyungsoo kay Chanyeol.
Hindi agad nakapagsalita si Chanyeol pero alam nyang tama si Kyungsoo. Bakit naman sya magagalit diba? Kasalanan nya.
"Tapos sinaktan mo pa sya Chanyeol! Sa tingin mo magtitiwala pa sya sayo?" Dagdag ni Kyungsoo.
Hindi ulit nagsalita si Chanyeol kaya tumayo na si Kyungsoo at kinuha ang bag nya.
"Kailangan ko nang umalis" sabi ni Kyungsoo at bago pa sya pigilan ni Kai ay agad na itong nakaalis.
Paglabas nya ng dorm ay agad nyang nakita ang isang pigurang nakaupo at nakasandal sa gate.
Bakit jan natutulog si Suho?
Nilapitan nya ito at gigisingin na sana nang makita nyang naging pula ang dating puti nitong tshirt.
Dugo?
Napaatras sya at napalunok. Tumingin sya sa sasakyan ni Suho.
Kailangan ko nang umalis!
Bago pa nya magawa ang plano nya ay agad syang nakaramdam ng biglaang sakit sa ulo bago dumilim ang paligid nya.
-
Nakasimangot si Baekhyun habang naglalakad silang apat nina Xiumin, Luhan at Chen. Papunta sila sa entertainment nila dahil pinapatawag sila ng CEO. Hindi rin sila gumamit ng sasakyan dahil galing lang sila sa food chain na katabi lang ng entertainment.
"Teka, sasakyan ni Suho yun ah" turo ni Luhan sa sasakyan na masyadong pamilyar sa mga mata nila. Papunta ang sasakyang yun sa direksyon nila.
"Anong ginagawa nya dito?" Tanong ni Luhan at kumaway sa sasakyan. Tumigil naman ang sasakyan sa harapan nila at bumukas ito.
Nabigla nalang si Baekhyun nang isang hindi pamilyar na lalaki ang bumungad sakanya. Napatili si Xiumin pero agad syang nilapitan ng lalaki para takpan ang bibig. Nabigla rin si Luhan kaya tatakbo na sana sya nang harangan sya ng isa pang lalaki.
Pilit na pinasakay ng mga lalaki sina Baekhyun at Luhan. Wala nang malay sina Chen at Xiumin at nakahandusay na ito sa lupa. Sigurado silang may pinaamoy ang mga lalaki sakanila.
Bago pa nila naamoy ang panyong tinakip sa mga bibig nila ay napansin nila ang pamilyar na katawan na nasa front seat.
Si Kyungsoo...
-
Nakarinig ng tili sina Chanyeol at Kai habang nasa dance room sila. Hindi nila inasahang bumukas ang pinto ng dance room at pumasok ang mga babaeng hoobae.
Napatayo naman si Kai.
"Girls, anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Kai.
Halatang kakaiyak lang ni Joohyun habang umiiyak parin si Yerim.
"Oppa! Nakita namin sina Chen at Xiumin sa labas ng building nila! Wala po silang malay. Hindi ko po nakita yung manager nila at si Baekhyun. Baka po may nangyari! Nawawala rin po si Seulgi!" Agad napatayo si Chanyeol nang ikwento yun ni Seungwan. Nabigla rin si Kai.
"Si Baekhyun at si Seulgi? Nawawala?" Tanong ni Chanyeol.
"K-Kasi, gumala lang naman po kami eh. Nasa likod lang namin si Seulgi nun pero paglingon namin wala na sya. Hindi na namin sya mahanap sa mall" hagulgol ni Sooyoung.
Agad na kinuha nina Chanyeol at Kai yung mga bag nila.
"Girls, umuwi muna kayo sa mga dorm nyo. Please, wag kayong lumabas kahit anong mangyari. Make sure to lock the door okay?" Sabi ni Chanyeol sa apat.
Bago pa sila makaalis ay nagsalita si Joohyun.
"Please oppa, hanapin nyo po si Seulgi" pagmamakaawa nito.
Tinapik ni Chanyeol ang pisngi nito at pinunasan ang luha ni Joohyun.
"Hindi namin sya pababayaan. Hahanapin namin sya okay"
Tumango si Joohyun kaya agad na lumabas ang dalawa.
Bago pa sila makahakbang paalis ay agad nilang nakita si Sehun at ang manager nila.
"Chanyeol? Kai? Anong nangyari?" Tanong ni manager kang at lumapit si dalawa.
Nabigla sila nang makita nila si Sehun pero agad nila yung hindi pinansin.
"Nawawala po si Baekhyun. Natagpuan ng Revel sina Chen at Xiumin na walang malay sa labas ng building nila kaya sure akong may kung sino man ang gumawa nun at dinukot ang dalawa since magkakasama po ang apat" pagpapaliwanag ni Kai.
"What!? The hell, kailangan natin silang mahanap! Gagamitin natin yung kotse ko!!" Sabi ng manager pero bago pa sya makaalis ay agad na hinila ni Chanyeol ang braso nito.
"Pero hindi lang po si Baekhyun ang nawawala. Pati narin po yung anak nyo. Maski ang manager ng CBX nawala rin po"
Nabigla si Sehun at napatingin kay Manager Kang bago tumingin sa dalawang kamembro nya.
"Manager ng CBX?" bulong ni Sehun at nakayuko.
Kung nawawala si Luhan pati si Baekhyun, maaaring kasali rin si Kyungsoo. Sa isip ni Sehun.
"Sigurado akong dinukot nya rin pati si kyungsoo" sabi ni Sehun kaya napatingin si Chanyeol at Kai sakanya.
"Sehun, yung anak ko. Dapat pinaghandaan ko na to eh. Eh hindi ko alam na masyadong maaga yung balak nya" sabi ni manager kang.
"May alam kayo dito?" Tanong ni Kai at napatingin kay Sehun.
"Hindi ko alam..." Sabi ni Sehun dahilan ng pagkuyom ng kamao ni Chanyeol, "Pero alam namin ni manager kang kung sino ang may pakana nito"
"Sino? Sabihin mo ngayon din Sehun" sabi ni Chanyeol.
"Sino pa ba?" Sabi ni manager kang at tumingin kay chanyeol.
"Edi yung demonyong CEO natin"
-
Masyadong rush hano? :'((((
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
FanfictionEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...