26. Kaisoo

1.6K 77 4
                                    


Kyungsoo's POV

"Uy Taemin!! T-Teka !! San mo ba ako dadalhin?" Kinakabahan ako. First, sinuntok nya si Suho then ngayon, hinila nya ako paalis dun. At andito kami sa labas. Gabi na kaya madilim. Crescent yung moon kaya maliit lang yung liwanag.

"Akala ko ba may boyfriend ka na? Bakit ka pa nagpapalandi dun sa lalaki?" Tapos ngayon, sinigawan nya ako na parang matagal ko na syang kakilala. The heck!! Ni-hindi nga kami close eh!! Follower lang nya ako sa insta nya and follower ko rin sya.

"Kaibigan ko si Suho!! Tsaka excuse me? Alam kong kailangan kitang respetuhin..." nagpeace sign ako tsaka ginalaw ang dalawa kong daliri na parang tenga ng bunny, ".... kasi isa kang idol. Pero the heck lang PO! Bakit ka nakikialam sa buhay ko? Di mo ko kilala okay! Tsaka kaibigan ko yun! Childhood friend ko!! Walang malisya yun!! And oo, may boyfriend na ako pero never ako nagchecheat sakanya" mataray kong sabi tsaka inirapan pa sya. Wala kayong pake kung magpapabebe- este suplada ako ngayon sa harapan ni Taemin.

"Sabi mo eh" yun lang ? Huwaw! Nahiya naman ang panty ko dun!!

"Teka lang ha! Makapagsalita ka naman sakin, close ba tayo?" Tanong ko sakanya.

"Soon" tipid nyang sabi sabay ngiti. Aish! Pareho sila ng ngiti ni Kai! Oh shitemszxc!! Bakit naalala ko si Kai sakanya aber?!

"Soon? Bakit, makikipagkaibigan ka ba sakin?" Tanong ko. Malay mo diba?

"Yep! Friends?" Di naman ata sya masamang tao diba? Ay shungeh!! Malamang Kyungsoo, idol eh!! Sya pa ang first sa pinakamabait sa DEAD xD

"Friends"

Third Person's POV

"Salamat sa paghatid Kai" sabi ni Hyoyeon kay Kai sabay baba ng kotse. Hinatid nya si Hyo pauwi kasi hindi sya mahahatid ng pinsan nya. Baka busy si Taemin.

"No prob. Bye!" Sabi ni Kai tsaka inistart ang kotse. Paalis na sana sya nang makarinig sya ng tunog. Galing yun sa gate. Dahil curious sya, lumingon sya dun. Nakita nya si Hyoyeon, nakaluhod habang hawak dibdib.

"Hyoyeon?" Bumaba si Kai sa kotse nya tsaka pinuntahan si Hyo.

"Kai? A-anong- bakit ka pa andito?" Tanong nya kay Kai.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong ni Kai.

Tumawa si Hyoyeon pero agad napangiwi at napahawak sa dibdib nya, "Malakas kasi ang pagkabangga ng gate sa dibdib ko! Hahaha ang tanga ko xD! Sige una ka na.. Gutom na rin ako" sabi ni Hyoyeon at tumayo. Tinulungan sya ni Kai.

"Bakit, di ka ba kumain?" Tanong nya.

"Kaninang umag-"

At nahimatay ito. Nagpanic si Kai at dali-daling dinial ang number ni Taemin. Ayun sa nalalaman nyang facts about kay Hyo, nagkahiwalay ang mga magulang nito at iniwan syang magisa. Kaya wala na syang mahihingan ng tulong kundi si Taemin lang.

"Sumagot ka!!" Di parin sya sinagot ni Taemin. Dinala nalang nya papasok si Hyoyeon sa loob ng mansion nito. Pagkatapos nyang ilagay si Hyoyeon sa sofa (kasi masyadong mahaba ang hagdanan papunta sa kwarto nito) ay lumabas na sya tsaka sumakay sa kotse nya. Pupunta sya ng Hotel at baka andun pa si Taemin.

Kyungsoo's POV

"Na-rape ako" natatawa kong sabi sakanya.

"Gagu!"

"Seryoso ako" tama.. Seryosong seryoso ako ngayon. Di lang halata kasi tumatawa ako malamang.

"Tapos tinawanan mo lang?"

"Nakakatawa naman kasi eh" sabi ko tsaka humalakhak.

"Eh? Nakakatawa ba ang marape?" Tanong nya.

Kumalma na ako tsaka sya tiningnan, "nireyp ako ng isa sa pinsan ko" sabi ko at tumawa nanaman.

"You what?! Seriously?" Sabi nya.

"Oo nga!! Hahaha!!" Tumawa ulit ako, "Pero sinapak ko lang sya kaya natigilan sya. Akala nya kasi ako yung girlfriend nya. Lasing kasi" sabi ko.

"Lalaki?" Tumango ako, "Oh that's weird" sabi nya. Tumango ulit ako.

Bigla kaming natahimik and after 20 seconds, sabay kaming tumawa na parang lasing. Okay, mas malakas yung tawa nya. Kpayn.

"Kaya nga eh. Susko! Pag ako nabuntis, pano na kaya?"

"Bakit mabubuntis ka ba?"

"Ano ba!! Walang basagan ng trip!! Hahaha syempre hindi! Lalaki ako no!! Ay no!! Dyosa ako" sya lang yung tumawa lmao.

Naguusap lang kami ng kung ano ano nang makaramdam ako ng tao sa likod.

"Taemin!!"

Third Person's POV

Napayukom ng kamao si Kai habang nakatingin sa dalawang nagtatawanan sa harapan nya. Nakatalikod sila kaya malamang di sya nakita.

"Taemin!!" Tawag nya dito. Naparampa sya papunta kay Taemin tsaka ito tinulak ng malakas. Napatayo si Taemin at napaatras.

"Ano ba Kai!" Pagpipigil ni Kyungsoo sakanya. Di nya pinansin si Kyungsoo at sinuntok lang nya si Taemin.

"Pakyu bru!! Sabi sakin ni Hyoyeon na di mo sya mahahatid kaya akala ko na busy ka!! Tapos ngayon, nakita ko kayo ng BOYFRIEND ko na nagtatawanan at nagkakasiyahan!!" Sabi ni Kai habang namumula na sa inis. Kinwelyuhan nya si Taemin, "Tinawagan kita Taemin!! Maraming beses kitang tinawagan pero wala ka man lang sinagot? Fck!! Nahimatay si Hyoyeon kanina at wala akong nagawa!! You should be there!!! Kasi pinsan mo sya!!" Nanlaki ang mata ni Taemin tsaka inalis ang pagkakahawak ni Kai sa kwelyo nya. Nang makalaya na sya ay napatakbo sya paalis.

Kyungsoo's POV

Em sad!! Topic nya si Hyoyeon, ikennot!! Parang biglang sumakit puson ko.. Este dibdib ko. Bakit kada banggit nya sa pangalan ni Hyo, parang sinaksak yung puso ko. Okay ako na korneh! Pero kasi!! Totoo yun bakit ba ?!?!

Napaayos ako ng tayo tsaka umalis dun.

Selos?..

Bakit naman ako magseselos? Di ko naman sya gusto. Wala naman akong nararamdaman sakanya ah? At wala naman akong karapatan.

Yeah right. It's just only a pretend.

-----------

An: Alin! Alin! Alin ang naiiba!! Hahaha lol! May napansin kayo? Okay wala... lol xD

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon