38.

1.4K 70 5
                                    


Kyungsoo's POV

"Ano?! Si Jongin at Kai ay iisa?" Tanong ni Suho. Sya lang naman ang may alam kay Jongin.

"Pero pano nangyare yun Kyungsoo? Akala ko ba patay na yun?"

"Sinabi ko?"

"Nakalimutan mo? Oo! Sinabi mo yun. Ikaw pa nga ang pumatay eh"

Uminom muna ako ng strawberry shake na ginawa nya bago ko sya sinagot.

"Gawa gawa ko lang yun. Nakakainis lang kasi nung mga panahong yun. Yung parang gusto mo na syang patayin" sagot ko.

"Pero pano ba yan. Sikat na ang Jongin mo ngayon" sabi nya.

"Wala akong pakialam. Kahit mabango pa ang kili-kili nya, di ko parin sya mapapatawad. Pumuti man sya!!"

"Hard mo besh! Para mawala ang galit mo kay Jongin, ikwento mo nalang sakin ang pagkikita nyo"

"Hibang ka ba? Eh galit nga ako eh tapos magkekwento ako about kay Jongin? Ulol! Lalo mo ako pinapagalit eh" sabi ko sabay irap.

"Kaya nga pinapasabi ko sayo ang masayang days nyong dalawa ni Jongin diba para mahimasmasan ka man lang" sabi nya.

Napatingin ako sa walang laman kong baso at napabuntong hininga.

12 years ago....

I'm 4 years old that time nung nakasira ako ng vase sa may office ng principal. Pinilit ko kasing sumama sa school si Mama kasi gusto ko makita ang school nya. Teacher kasi si Mama.

"D.O!" nanginginig ako nun. Sa sigaw palang ni Mama sakin, maririnig mo ang galit nyang boses.

"M—mama"

"Ikaw bata ka! Ilang beses ko na bang sinasabi sayo na wag kang pupunta kahit saan! Ayan, nakabasag ka na tuloy! Umalis ka na nga dito!!!!" Galit nyang sigaw sakin at pinalo ako sa pwet.

"Mama!" Iyak ko nun nang humapdi na ang pwet ko.

"Mrs. Do?"

"Umalis ka na dito bilis" bulong nya nang makarinig kami ng yapak papunta sa office.

Bumukas ang pinto kaya lumabas narin ako. Nagstay lang ako sa labas nun at nage-eavesdropping.

"Mrs. Do? Sino ang batang yun? And why—"

"Mrs. Shao, let me explain. Yung batang yun is anak ng ating janitor. Pagala-gala dito sa office nyo and accidentally nyang nahulog ang vase. Naabutan ko lang po sya" rinig kong sabi ni Mama.

Oo, sinabihan nya ako ng anak ng janitor. Siguro, kinakahiya nya ako or siguro ayaw lang nyang mapagalitan. Selfish right?

Tumakbo ako sa malapit na room at nagkulong dun. Umupo ako sa isang table habang umiiyak.

"Bata?" Bumukas ng kunti ang pinto, "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng isang batang medyo tan.

"M-Mama" sabi ko lang.

"asan ba mama mo?" Tanong nya.

"Mama" umiyak ulit ako nun. Oo, iyakin ako at napakachildish.

"Ako si Jongin" pakilala nuon ng bata, "Nagaaral ako dito... nursery. Alam mo ba yun?" Tanong nya. Umiling ako.

"Di ko rin alam hehe. Basta nag-aaral ako"

Tumawa ako nung tumawa sya. Oo, havey naman talaga ang joke nyang yun... or joke nga ba. Or siguro, di nya talaga alam kung ano yung nursery.

End

"Sa storage room?" Tanong ni Suho.

"Oo, dun kami first nagkita" sabi ko, "hanggang sa naging six ako, agad akong lumipat sa school na yun. Grade 1 ako nun at nakita ko ulit sya nung pumunta ako ulit sa storage room. Dun ko lang nalaman na tambayan pala nya ang storage room nun. Nung naging magkaibigan kami, dun kami palaging tumatambay. Kumakain, nagiiyakan, nagsasabi ng sekreto, nagtatawanan. Tahimik kasi ang storage room"

"Kaya pala. Natandaan ko noon nung tinanong tayo ni Maam na kung may posibilidad ba daw na makatapak tayo ng time machine, anong panahon, oras or place daw ba tayo babalik" sabi nya, "Storage room ang answer nya nun diba? Ang weird nga eh"

Tama... Storage room nga ang inanswer nya noon. Pero ang inanswer ko nun ay ...

'Di na ako babalik pa sa panahong nadaraanan ko kasi puro kamalasan ang nangyayare noon na ayaw ko nang balikan pa. Kuntento na ako sa buhay ko ngayon"

Kaya nga best answer ako noon eh. Galing ko talaga.

"Ang sama pala ng ugali ni Mrs. Do sayo. No wonder kung bakit ka nya pinamigay sa auntie mo. Hate ka pala nya noon" sabi nya.

Oh yeah. Nung nakahanap ng ibang lalaki si Mama nung namatay si Papa, pinamigay nya ako kay Auntie. Gusto ko ngang patayin sarili ko eh pero salamat kay Jongin dahil nafefeel ko na di ako nagiisa. Pero putek, anong nangyare?

----

Anong nangyare~ sa inyong dalawa~ Choss ! Huehue

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon