46.

1.3K 78 1
                                    


Baekhyun's POV

Dali-dali akong umakyat sa rooftop dahil ayaw kong paghintayin si Daehyun. Baka nababagot na yun dun kaya kelangan kong magmadali.

"Daehyun! Ho! Finally, sorry at pinaghintay kita" sabi ko at lumapit kay Daehyun na nakatayo lang sa dulo ng rooftop. Lumingon sya sakin habang nakangiti.

"Buti at pinuntahan mo pa ako dito" sabi nya.

Binigay ko sakanya ang gift na hawak ko at tiningnan lang nya ito.

"Nagabala ka pa" sabi nya na ikinatawa ko.

"Duh! Ako kaya ang nakabunot sayo" sabi ko.

Tumingin lang sya sakin, "alam ko" tipid nyang sabi at binigay sakin pabalik ang gift.

"Pero-"

"Iba ang gusto ko Baekhyun. Iba ang magpapasaya sakin" sabi nya.

Ano ba ang magpapasaya sakanya? Nilibot ko na lahat ng mall dito sa Seoul para lang makita ang pwedeng i-gift sakanya. 'Kahit ano basta makakapagpasaya sakin' lang naman ang sinulat nya sa wishlist nya.

Yumuko ako, "Wala naman akong ideya kung ano ang magpapasaya sayo Daehyun. Halos nilibot ko na ang buong Seoul para lang dito" sabi ko at ngumuso.

"Ano ba yan?" Tanong nya at tinuro ang hawak ko.

"S-sabi ni Aling Yoyo, bibilhan nalang daw kita ng sapatos na kulay blue kasi yun daw ang kinababaliwan mo noong bata ka pa" sabi ko.

"Saan mo binili?"

Tumawa sya nang di ako sumagot.

"Alam kong sa palengke mo lang binili ito Baekhyun kasi alam ni Aling Yoyo na dun makikita ang sapatos na gusto ko noon. Bakit kelangan mo pang magikot ng buong Seoul para lang jan!" Sabi nya.

Inis kong tinapon ang gift sakanya.

"EH KASALANAN KO BANG DUON KO LANG NATANONG KAY ALING YOYO NUNG UMUWI NA AKO KAKAIKOT KO NG SEOUL?!?" sigaw ko sakanya.

Tumawa lang sya at unti-unting kinuha ang kamay ko at hinawakan yun. Ngumiti sya at lalong lumapit sakin.

"Nag-abala ka pa eh isa lang naman ang gusto kong gift" sabi nya at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

"Ano ba yun?" Tanong ko.

Hindi nya ako sinagot. Nakatingin lang sya sakin na parang nagdadalawang isip sa gagawin nya.

"Daehyun?" Tawag ko sa pangalan nya nang natulala sya. Lumunok ako kasi para talagang may kakaiba.

"Baekhyun, I'm sorry" sabi nya bago ilapit ang mukha nya sakin.

Bago pa man dumampi ang labi namin sa isa't isa ay tinulak ko na sya.

"Daehyun! K-Kuya kita. A-Ano bang nasa isip mo at ginawa mo yun?! M-Magkapatid tayo" sabi ko sakanya.

Hinawakan nya ang braso ko at nilapit ako sa katawan nya. Lumunok ulit ako.

"Kuya-"

"Hindi kita kapatid" tinulak nya ako at dinikit sa railings ng rooftop. Halos maiyak na ako nang makita ko ang nasa baba.

"Kuya, anong-"

"Naririnig mo ko? Hindi kita kapatid!! Hindi kita kadugo! Alam mo kung bakit ha?" Hinawi nya ang buhok sa noo ko at hinawakan ang pisngi ko, "Kasi anak ka nung Kevin na yun!!"

Napanganga ako sa sinabi ni Daehyun. Ako? Anak ni Kevin?

"Diba Baekhyun? Pwedeng maging tayo! Pwedeng maging ikaw at ako! Ang saya no?"

Tinulak ko sya ng malakas, "BALIW KA NA!" sigaw ko at tumakbo paalis.

"HINDI!" Sigaw nya at hinila ang buhok ko. Shit, anong nangyayare?

"Please Kuya, tumigil ka na" pagmamakaawa ko nang tinulak nya ulit ako sa railings.

"Wag mo kong tawaging Kuya!"

"Waaaah Lord please ahhh!" Di ko mapigilan ang maiyak nang itulak nya ang balikat ko. Kunting tulak nalang at mahuhulog na ako sa rooftop na ito. Napatingkayad nalang ako.

Papatayin ba nya ako? Katapusan ko na ba? Please, ayoko pang mamatay.

Napahawak ako sa railings nang itulak pa nya lalo ang kalahati ng katawan ko. Ang sakit narin ng likod ko dahil sa railings.

"Please Baek, mahal kita. Akin ka nalang please" sabi nya. Kung mahal nya ako, putangina naman! Bakit meron pang ganito! Pag di ko ba sya sasagutin, ihuhulog nya talaga ako? Ha! Mas gugustuhin ko pang mahulog kesa sa maging boyfriend nya. Pwe!! Kontento na ako sa pagpapanggap kong girlfriend ni Chanyeol. Mas gugustuhin kong ganun nalang ang magiging buhay ko!

"AYOKO!" Sagot ko.

"Baekhyun!"

Sumilip ako sa ibaba. Nakita ko lahat ng estudyanteng nagkukumpulan doon. Sino bang hindi makakita eh kitang kita na ang kalahati ng katawan ko mula sa baba.

Halos wala na akong natapakan dito dahil MAHUHULOG NA TALAGA AKO! PUTAGINA AYOKO NA!

"MAGPAPAKAMATAY AKOOOOO!" Sigaw ko at bumitaw sa railings.

Nanlaki ang mga mata ni Daehyun nang makita nyang bumitaw ako. Hinawakan nya ang tshirt ko at hinila ako paalis.

"Bitawan mo ko! Gusto mo kong mamatay diba!" Sabi ko sakanya at tinulak sya paalis.

Tumakbo ulit ako sa dulo ng rooftop at tumingin sa baba, "MAGPAPAKAMATAY NA AKO!" sigaw ko pero bago ko pa matapakan ang railings ay may humila na sakin paalis.

Napangiti nalang ako nang makita ko ang mukha nya bago ako mabagok sa isang matigas na bagay.

Chanyeol....















[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon