This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Social media accounts based on my characters have nothing to do with me.
Be love, guard your heart.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Maraming salamat po, Doktora Rosas, mamimiss po kita."
Nangingilid ang luha ng batang pasyente ko sa dental mission dito sa Camiguin. Niyakap ko siya at tinapik sa likod para hindi siya lalong malungkot. Isa kasi siya sa mga pinaka-mabait kong pasyente kaya naging malapit siya sa 'kin, parang naging anak ko na nga.
"Dapat kapag bumalik ako dito, makikita ko na 'yang ngiti mong maganda ah? H'wag mong itatago 'yan!" Kinurot ko nang mahina ang pisngi niya.
"Opo, dok! Kahit bungi ako, ngingiti pa rin ako para sa inyo!" Nginitian ko siya bago lapitan ang ibang bata. Mayron silang hawak na mga papel na naglalaman ng mga pasasalamat nila sa akin bago ako umalis. Pinasalamatan din ako ng mga magulang nila dahil sa pagtulong ko. Ito lang naman ang gusto ko...ang makapagbigay ng serbisyo at ngiti.
"Salamat!" Kumaway ako sakanilang lahat bago ako bumalik ng opisina para kunin ang mga gamit ko. May pa-sorpresa ang mga katrabaho kong dentista. Binigyan nila 'ko ng mga bulaklak at may inabot pa silang cartolina na nakarolyo, mga letters daw ng mga bata. Nagpresenta silang ihatid ako sa airport, maski sa kotse ay patuloy pa rin ang kwentuhan namin. Ang saya talagang mapaligiran ng mga tamang tao. Sa dalawang linggo ko dito sa Mindanao, marami akong nakilalang mga volunteers, dentista, at pasyente na napagkunan ko ng aral at inspirasyon.
Ang sarap sa pakiramdam na makatulong at makita ang mga ngiti nila. Lagi kong sinasabi sakanila na ingatan nila ang mga ngipin nila para hindi sila nahihiyang ngumiti. Kaya naiiyak ako kanina, e, nakita ko ang mga ngiti ng mga batang natulungan ko.
"Bisita ka, Nadia, ah! Mamimiss ka namin!" sabi ng kaibigan kong dental assitant.
"Oo naman, mamimiss ko rin kayo." Niyakap ko sila isa-isa bago pumasok sa airport.
"Pagbalik mo dito, kasal ka na." sabi ng kaibigan kong dentista, nangingilid ang luha.
Napangiti ako sa narinig, "Doktora Rosas pa rin naman ako, kayo talaga."
"Magvovolunteer ulit ako 'pag dito ka sa Mindanao, Nadia! Ingat ka sa Maynila!" sabi ng kaibigan kong volunteer.
"Tatawagan ko kayo pagka-uwi ko. Sige na...baka ma-late pa 'ko," kumaway ulit ako sakanila, dala-dala ang bouquet at cartolina na bigay nila.
Nakasuot lang ako ng white tank top na pinatungan ko ng grey collared cardigan, jeans, at sneakers. Nasa isang bun ang buhok ko dahil sa sobrang init kanina, medyo magulo na ito ngayon kaya inayos ko habang naglalakad papuntang check in.
Nilabas ko ang phone ko nang marinig itong mag-ring, tumatawag ang kaibigan kong si Ariel, isa siyang Flight Attendant.
[Business class ka, doktora,] I heard her giggle.
Napapikit ako nang mapagtanto ang ginawa niya. Ginastusan na naman niya 'ko!
"Hay, Ariel, sabi ko naman sa 'yo-"
[Hindi ako! Basta! See you nalang sa eroplano!] aniya bago ibaba ang tawag.
Matapos ang ilang oras nang paghihintay ay nakasakay na rin ako sa eroplano, binati pa 'ko ni Ariel kaya mahina ko siyang kinurot sa tagiliran. Sino kayang naglipat sa 'kin dito? Masyado naman akong VIP kay Ariel, saglit lang naman ang biyahe ko.
Pagkalagay ko ng luggage ko sa compartment ay umupo ako. Ang ganda ng seat ko, tabi ng bintana. Parang nawala lahat ng pagod ko nang makita ang napaka-gandang langit na mas na-a-appreciate ko na ngayon.
"Good afternoon, ladies and gentlemen. This is Captain Esquivel speaking..."
Mabilis na tumibok ang puso ko nang marinig ang boses na 'yon. Captain Esquivel na pala siya ngayon. Naliwanagan ako, siya ang naglagay sa 'kin dito.
Nawala ang atensyon ko sa mga sinasabi niya dahil bigla kong naalala ang lahat...
Bigla kong naalala ang huli kong sinabi sakanya.
Ang mga mapapait na paalam at mga bagong simula.
Our change of hearts, exchanged dreams, and broken promises.
"Kapag piloto ka na at doktor na 'ko, see you, Captain!"
Lalo akong nagulat sa huli niyang sinabi...mga salitang hindi ko inaakalang masasabi niya sa 'kin sa harap ng maraming tao. "Congrats and welcome back, Doktora Rosas."
Sinong mag-aakala na ang mundong minsan kong inakalang brutal ay dadalhin ako rito? Our dreams have crossed paths and brought us together in this plane.
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...