TW: self-harm
Natapos na ang trabaho ko kay Miss Castaneda. Lumaki na ang mga inalagaan kong halaman at naka-bakasyon ngayon si Caela kaya wala akong masyadong ginagawa. Linggo ngayon kaya sinama ako ni Miss para ideliver ang ibang halaman sa greenhouse.
"Dito ako nag-oobserve para sa research na ginagawa ko," pagkukwento ni Miss habang naglalakad kami papuntang dulo. "Ang ganda, 'no? Ang sarap sa mata."
"Oo nga po, e. Mukhang masayang magtrabaho dito," sabi ko naman.
"'Yung flower shop doon sa 'tin, dito sila bumibili ng mga halaman. Kaya kakilala ko 'yung nagtitinda ro'n," sabi niya nang makarating kami sa helera ng mga bulaklak.
"Ang bait no'n, Miss. Gusto kong kaibiganin 'yon." Napangiti ako. Ang friendly kasi nung Florist at kitang kita sakanya ang pagmamahal niya sa trabaho niya. Gusto ko ng gano'ng mga kaibigan.
"Gusto mo ba'ng magtrabaho sa flower shop? Pwede ka naman dito. Mag-aalaga ka lang ng halaman kagaya ng ginagawa mo noon sa 'kin."
Napatahimik ako ng ilang sandali. Pinapanood ko lang siyang mag-observe sa mga halaman mula sa lupa, tangkay, at mga dahon nito.
"Uh, hindi ko pa po alam, e. Medyo hirap po kasi ako ngayon, miss. Pag-iisipan ko po."
Nginitian niya naman ako at tumango, "Okay, 'nak. Take your time. Parati namang nandito ang greenhouse. Sabihan mo lang ako 'pag nakapag-desisyon ka na."
I like plants but I don't love them. Hindi kapantay ng pagmamahal ko sa langit ang pagmamahal ko sa mga halaman. Kaya ko lang pinasok ang trabaho ko noon kay Miss ay dahil naaalala ko si Papa sa mga 'yon. I don't mind taking care of it pero pakiramdam ko hindi ngayon ang oras ko para magtrabaho dito sa greenhouse.
Kasama ko si Arden ngayon sa condo niya. Dito lang ulit kami nagbonding kasama ang mga aso namin. Ikinuwento ko sakanya ang tungkol sa trabahong inalok ni Miss.
"Ituloy ko ba mahal? O h'wag na? Feeling ko naman may iba pang trabaho d'yan tsaka marami pa naman akong ibang pwedeng pagkakitaan." Napatingin ako kay Arden kung nakikinig pa ba siya pero nakasandal na siya sa headboard ng kama at natutulog na nang mahimbing.
"Sabi ko nga, pagod ka." Inalalayan ko siyang makahiga nang maayos at kinumutan ko siya bago tabihan.
Tinext ko si Bless para ikwento sakanya ang mga ganap ko sa buhay. Ilang araw ang lumipas bago siya makapag-reply ulit. Wala ata silang wifi o di kaya'y busy sa school. Para akong nakaramdam ng kakaibang ihip ng hangin. May masama bang mangyayari?
O baka naman may nangyayari nang masama?
From: Biyaya
I need you here, Ais
Dali-dali akong nag-ayos para puntahan si Bless. Buong biyahe ko, nagdadasal lang ako na sana walang mangyaring masama sakanya. Ayaw kong maging tama ang hinala ko.
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...