CHAPTER 4

37 9 13
                                    

"Kumain ka ng gulay, Arden! Masarap 'yan."


Nakasimangot kong kinain ang ginataang gulay na binili ni Nayi. Inutusan ko kasi siyang isabay ang pagbili niya ng lunch ko dahil bababa daw siya. Itong gulay ang binili niya, mura daw kasi at masustansya.


"Alam mo, 'yung fried chicken doon, 60 pesos! Ang mahal kaya!" reklamo niya.


"Hindi naman masarap ang gulay," reklamo ko rin.


"Masarap naman 'yung sarsa, e. Sabi ng Papa ko, hindi mo na mapapansin 'yung pait ng gulay kapag masarap 'yung sarsa," masaya niyang sabi. Ang bilis magbago ng mood niya matapos niyang banggitin ang Papa niya.


Kumain nalang ako kahit ayaw ko. Dahil kay Nayi, nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko inakalang magagawa ko. Una, ang maging presidente ng klaseng 'to, pangalawa, ang ngumiti, at pangatlo, kumain ng gulay. "Oh, ano? Masarap diba!" Hanggang ngayon, sinusubukan niya pa rin akong kumbinsihin.


"Oo na," uminom ako ng maraming tubig pagkatapos. Mukha namang proud na proud sa 'kin si Nayi.


Napapaalis ako ni Nayi sa comfort zone ko. Itong pagsali ko sa Student Council, pinilit lang ako dito ni Mommy nang malaman niyang president ako ng section, e.


"Talaga? President ka? Ang galing naman ng anak ko!" aniya at niyakap ako nang mahigpit.


"Hindi naman malaking bagay 'yon, Ma," sabi ko nang makawala sa yakap niya.


"Mabuti 'yan na ikaw ang nasa top ng klase mo. It will help you find good universities sa college. Sumali ka ng Student Counc-"


"Sumali ng Student Council at gayahin si Ate?" napabuntong hininga ako. Alam ko na 'yan. Kailangan kong gayahin palagi ang kapatid kong magaling para mayro'n silang naibabalita sa mga kamag-anak namin tuwing family reunions. Hindi ko naman gusto 'yon.


Sa totoo lang, hindi ko pa alam ang gusto ko.


"Para sa 'yo din 'yon, Arden. Scholar ka ng Winston, isa sa mga magagaling sa schools 'yon sa Rizal at sa buong Pilipinas. Andiyan ka na rin naman, bakit hindi mo pa galingan?"


Iba ang pressure na nakukuha ko kina Mommy sa pag-"pressure" sa 'kin ni Nayi. Kapag sina Mommy ang nag-uutos, pakiramdam ko ay kailangan kong sundin dahil natatakot ako, pero kapag si Nayi, nag-e-enjoy ako. Hindi ko pinaalam kay Nayi na tatakbo ako bilang Student Council president dahil alam kong mawawalan siya ng ganang kulitin ako kapag nalaman niyang busy akong tao.


Hindi ko alam pero I like her company. Itong pagiging presidente ko, na-e-enjoy ko dahil nasasaway-saway ko siya kapag masyado na siyang maingay, 'yon lang. 'Yung pag-ngiti ko, wala akong ibang pinapakitaan no'n kundi siya. Itong pagkain ko ng gulay, siya lang din ang nakapagpilit.


"December 31 ang birthday mo? Capricorn ka pala! Yuck, Capri," pang-aasar na naman niya. 

"Mas matanda pala ako sa 'yo? January 31 kasi ako," proud na proud niyang sabi na para bang maganda ang birthday niya. Sabi niya noon sa 'kin, ang pangit daw ng mga 31 ang date dahil pitong beses lang sa isang taon nagkakaroon ng 31.

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon