"Kanino ho galing 'yan, Nay?"
Napatayo ako sa sofa nang makita si Lola na maraming bitbit na pagkain. Tinulungan ko siya sa mga dala niya at inilapag ito sa lamesa.
"May bagong lipat na kapitbahay. Binigyan tayo ng pagkain," masaya niyang sabi.
Napatango ako. Parami na nang parami ang mga kapitbahay namin. Mabuti 'yon para marami kaming kakilala sa village. Habang tumatagal, dumadami ang nakikilala naming pamilya ni Nanay. Isa na ro'n ang mga Piamonte. Sila ang nagbigay sa 'min ng napakaraming pagkain. Nagluto rin kami ni Lola para may maibigay sakanila. Napakabait kasi ng mag-asawang 'yon.
"Naghahanap daw sila ng babysitter, 'Nay, oh," tinuro ko kay Nanay Myrna ang nakita kong nakapaskil sa labas ng bahay nila. "Apply ako, 'Nay. Kita rin 'yan."
"Sige, 'nak. Basta kaya mo at kaya ng oras mo."
"Opo. Wala naman po akong gagawin buong summer. Isa pa, gabi pa po 'yung pasok ko sa coffee shop."
"Napaka-tiyaga mo talaga, Nadia. Sige lang. Pagpatuloy mo ang pag-kayod, 'nak."
Tinanggap ako ni Mrs. Piamonte bilang yaya ni Caela, ang dalawang taong gulang na anak nila. Isa siyang direktor. Bago pa lang siya sa film industry habang ang asawa naman niya ay isang engineer.
"Maraming salamat, Nadia, ah? Ikaw na muna ang bahala kay Caela. Pwede naman kayong pumunta-punta sa inyo kapag hapon para hindi siya nabobored dito. Darating si Ate Jona dito ng alas sais. Siya 'yung isa pa naming kasambahay, pang-gabi naman siya."
Alagang-yaya pala talaga ang batang 'to. Full time working parents, e. Pero maswerte pa rin siya. At least alam niya na may mga magulang siya at kilala niya pa ang mga 'to. Never pa 'kong nakapag-alaga ng bata pero alam ko kung paano makipagkaibigan. Pwede na 'yon bilang simula.
"Hello, Caela," bati ko sakanya. Isa siyang chinitang bata. Nakatali ang buhok niya sa pigtails kaya kitang kita ang maamo niyang mukha. Matagal niya 'kong tinignan, halatang nangingilala pa. "Ako si Ate Nadia."
"Tata Naya," pag-ulit niya.
"Naya rin pagbigkas mo? Pareho pala tayo, e," natawa ako, "Ako muna ang kasama mo rito habang wala pa si Ate Jona."
Tumango siya sa 'kin, mukhang naiintindihan niya 'ko. Hindi pala madali ang pag-alaga ng bata. Siguro mas mahirap 'to kung maldita si Caela pero mabuti nalang mabait siya at masunurin. Kapag oras ng kain, kumakain talaga siya. Challenging sa 'kin ang pagpapatulog sakanya sa tanghali dahil hindi pa siya sanay na katabi ako. Pero habang tumatagal, nakakasundo ko siya.
"Tata! Dog!" aniya nang makita si Ulap.
"Hala! Bawal ka sa aso, Caela!" Agad ko siyang pinigilan nang makita siyang tumakbo papunta sa aso. Bilin sa 'kin ng mga magulang niya na bawal siya sa mga aso dahil allergic siya sa mga ito.
Sumimangot siya. "Dog. Please?"
"Caela," lumuhod ako para maging ka-lebel ko siya, "Bawal. Mangangati ka niyan. Mag-aalala ang Mommy at Daddy mo."
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...