CHAPTER 23

20 1 0
                                    

"Kalahating dekada na tayo? Grabe. Ambilis!"


Nag-cheers kaming lahat sa sinabi ni Bruce. Ang bilis nga ng panahon. Limang taon na kaming magkakaibigan ng mga tropa ko simula Grade 6. Nag-celebrate kaming pito ng anniversary namin sa MOA. I showed up in a white v-neck crop top shirt and denim pants. I also put my hair up in a ponytail, leaving a few strands of hair at the front. Masyadong mainit sa Maynila para mag-lugay buong araw.


"Life update naman kayo d'yan! Kumusta kayo?" tanong ni Xandara. Nakasuot siya ng pink floral puff sleeve top at denim pants. Hindi pa rin nagbabago ang paborito niyang hairstyle na french braid.


"Ito, happy naman sa accounting," ani Natsumi. Bagay na bagay sakanya ang suot niyang green ruched dress. Nakalugay ang itim niyang buhok at bagong trim ulit ang bangs niya.


"Syempre, happy talaga. Pogi 'tong tutor mo, e," pang-aasar ni Bruce kay Nats. Nakasuot naman siya ng white polo at olive green pants. Matchy silang dalawa ng girlfriend niya.


"Ew, corny," napa-irap si Tiana.


"Hindi pa ba kayo?" tanong ko kina Andy at Tiana. Noon pa 'ko nakakahalata na may something sa dalawang 'to, e.


"Kami," Andy smiled. "Nitong taon lang."


"Cute naman," napangiti rin ako, "At talagang terno na naman kayo." Nakasuot si Andy ng blue polo at black pants, si Tiana naman ay nakasuot ng blue off shoulder top at black mini skirt. Ang cute. Laging binabagayan ni Andy ang mga outfits ni Tiana. Parang normal naman na 'yon sa tropang 'to.


"Corny. Terno mga magjowa. Buti pa kami ng kinakapatid ko, chill lang," ani Charlie, nakasuot naman siya ng white t-shirt at black shorts. Bagong ayos pa ang kulot niyang buhok na kanina pa ginugulo ni Bruce. Natawa tuloy si Xandara. Oo nga pala, sa States na nag-aaral si Sabrina, si Psalm naman ay nasa UP Baguio, at si Tristan nasa Laguna kaya LDR sila ngayon ni Dara.


"Nag-reklamo ka pa. Pareho nga tayong nakaputi!" sabi ko.


"Malay ko bang magsusuot ka rin ng puti, Aislinn," ganti ni Charlie.


"May dog na kayo ni Arden, 'di ba? Patingin ako!" si Tiana.


"Oo, si Ulan at Ulap." Nagpakita ako ng pictures sakanila ng mga aso namin. Dahil nga LDR na rin kami, we've decided to get another dog, isang shih tzu na pinangalanan naming Ulan. Sa 'kin si Ulap at kay Arden naman si Ulan. Mahirap kasi magsalitan kada dalawang linggo kaya tig-isa nalang kami.


"Aww! Ang cute! Bili na tayo ng pusa, hon!" masayang sabi ni Natsumi.


"Mag-ampon nalang tayo para makatulong sa bansa," si Bruce.


"Ayan, tama 'yan! Gusto niyo ba'ng bumisita sa foundation namin ni Mama? Nag-aalaga kami ng abandoned pets tapos ginagamot na rin namin ng libre," ani Xandara. Balak niyang maging Veterinarian at dito siya nagsisimula sa foundation na itinayo nila ng Mama niya.


"Huy, punta nga 'ko minsan, Dara. Wala akong kasama sa bahay, e. Mag-ampon nalang ako ng mga hayop," ani Tiana.

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon