"Mahal kita. Paalam, Arden."
Pinanood ko siyang maglakad papalayo sa akin, at 'yon 'yung mali ko. Hindi ko alam kung paano ko siya ipaglalaban. Hinayaan ko siyang maramdaman na nagkukulang ako at siya 'yong dapat mag-adjust. Sinabi ko naman sakaniyang liligawan ko na siya pero hindi ko pa rin ginawa.
Binalik niya sa 'kin 'yung flashdrive na eroplano. Ilang minuto kong tinitigan 'yon hanggang sa mag-sink in sa 'kin na iniwan na talaga niya 'ko. Pag-uwi ko ng bahay, sinaksak ko ang flashdrive sa computer para tignan kung may bago itong laman. Limang bidyo at mga larawan. Isa-isa kong pinanood ang mga ito.
"Hi, Kap!" nakangiti siya sa camera na inaayos pa niya. "Okay na ba? Ayan. May kwento ako! Kasi hindi ko 'to nakwento sa 'yo nung nakaraan, e. Ngayon lang ako nagkaro'n ng lakas ng loob," aniya sabay tawa.
"Bumaba grades ko. Hindi naman bagsak pero ang baba talaga. Hirap mag-adjust, e," unti-unting nawala ang ngiti niya. "Hindi ako sanay na walang Arden na binubulabog araw-araw. Hindi ako sanay na hindi kita ginagaya. Tina-try ko naman kaso ang hirap talaga! Paano mo kinakaya 'yon? Ang hirap naman maging consistent honor student!"
Napangiti ako nang marinig ang kwento niya. Iniisip ko nalang na kasama ko siya ngayon para hindi ako malungkot. "Basta, Kap, makakabawi rin ako! Kaya 'ko 'to! Ba-bye!"
Sunod kong pinanood ang clip na may filename na "8.31". Ito 'yong araw na hindi ko siya napuntahan dahil may nangyari dito sa bahay. Hindi nagustuhan ng Tatay ko ang pagiging "average student" ko rito sa Liwanag kaya grounded ako ng ilang buwan. Sanay na dapat ako sa pressure na 'to pero iba pala kapag may ibang taong naaapektuhan.
"Hi, Kap! Nasa arcade kami ng mga kaibigan ko ngayon! Tignan mo, oh! Nanalo ako ng stuffed toy!" pinakita niya sa camera 'yong kayumangging teddy bear.
"Sus! Ako kumuha niyan, e!" ani Bruce sa likod niya.
"Ako naman nagbayad ng token mo," aniya kaya sumuko na rin si Bruce.
"Hiniram ko lang kay Andy 'tong camera. Andoon sila ni Tiana, oh! Bumibili ng meryenda. Tapos si Bruce at Natsumi naman naglalaro doon. By partner pala dapat dito?" aniya sabay tawa. "Excited na 'kong makita 'yong laman ng flashdrive pero ayaw ko pang umuwi. I miss you, Kap! Ingat ka palagi!"
Ang sunod naman na video ay maiksi lang, ito ata ang pinakamaiksi sa lahat.
"Hi, Kap. Gulo ng utak ko ngayon kasi ano," napayuko siya saglit, "Ang dami naming PT na hindi acads related, puro talent, gano'n. Gagawa daw ng jingle sa Music tapos itong P.E. naman may pasayaw. Buti ka pa nakakapag-adjust na. Nakapag- escort ka pa sa Sports Feast." Hindi siya makatingin sa camera at hindi rin siya makangiti. "Tulog na 'ko, Kap. Goodnight."
"Kung alam mo lang, Nayi," nalungkot din tuloy ako.
Plinay ko ang susunod na video. Ito ang pinaka nagustuhan ko sa lahat dahil ang hyper niya rito.
"Kap! Alam mo ba? Ang pangit ng lasa ng kape! Jusko!" hinihingal niyang sabi, "Kasi 'di ba, hirap nga 'kong mag-adjust sa buhay High School? E 'di puro ako procrastinate, puro cram, puro panic! Kagabi kasi maiksi lang tulog ko so kailangan kong gumising ng maaga para gawin 'yong iba kong assignment. Alam mo ginawa ko? Ininom ko kape ni Papa! Hindi ko na uulitin 'yon!" Napasambunot siya sa buhok niya pagkatapos niyang ikwento 'yon.
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...