CHAPTER 27

15 0 0
                                    

"Yayaman talaga 'ko dahil sa 'yo, Nadia! Salamat, ah? Ingat ka pauwi!"


Nginitian ko si Dahlia matapos niyang ibigay sa 'kin ang binalot niyang bouquet. Suki na niya 'ko dito sa flower shop niya, lagi ba naman kasi akong bumibibili dito tuwing nalulungkot ako. 


"Wala man lang libreng card? Damot," biro ko sakanya.


"Wala! Binili ko lang din 'tong mga card na 'to. Special 'to, oy. Handmade 'to nung friend kong artist. Ganda 'no?"


Tinignan ko ang mga cards. Oo nga, mukhang pinag-effortan gawin sa sobrang ganda. "Pabili ako," sabi ko nang makita ang card na mayrong mga halaman at bulaklak na nakapaint.


"Thank you, Doktora!" masayang sabi ni Dahlia.


"Thank you rin!" Kinuha ko ang card at umuwi na sa 'min. May bago na naman akong ididisplay sa kwarto ko. I loved myself a little more today and I'm proud of it. Nawawala ang utak ko sa paghahanap ng wala at mas pinagtutuunan ko ng pansin ang mga bagay na mayron ako ngayon.


Mas minamahal ko ang sarili ko araw-araw. I started believing that I deserve the peace of mind and the love that I keep on giving to other people. Kaya nga nagiipon ako ngayon ng lakas ng loob para kausapin si Bless, e. I need a break from our friendship. Kailangan kong unahin ang sarili ko ngayon... dahil kung hindi, mauubos ako sa pagbibigay ko sakanya.


I called her the next day. Matagal-tagal bago siya makasagot.


[Hello? Napatawag ka, Ais?]


Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Uh, Biyaya. Don't get me wrong pero... I need a break from this friendship."


Natahimik kaming dalawa sa linya kaya naisipan kong oras ko na 'yon para magpaliwanag. "Nasasaktan na kasi ako. Lagi akong drained at anxious dahil sa friendship natin. Nakakapagod 'yung pagiging dependent mo sa 'kin, Bless. Mauubos ako kung ganito palagi."


[I get it. You want to cut ties,] aniya, [Okay lang sa 'kin, Ais. Sorry if I'm... giving you a hard time.]


"I-I can't love you for you, Bless. Sana maintindihan mo na hanggang dito lang ang kaya kong ibigay bilang kaibigan mo."


[Mhm. Thanks for telling me, Ais. Don't worry about me. I'll... do better. I'll be better. Mahal kita.]


"I love you, Biyaya."


Mahal ko siya kaya binibigyan ko siya ng space at time para mahalin ang sarili niya. Mabigat man sa kalooban ko pero ito ang kailangang gawin. Sometimes people have to grow apart if they aren't growing together anymore.


Weeks passed and I remembered that I still haven't given my gift to Arden. Nakalimutan ko nga palang ibigay 'to sakanya noong February. Masama kasi ang loob ko sakanya no'n, e. Ngayon naman ay medyo okay na 'ko sa ganitong set-up. Malayo siya sa 'kin at may mga bagay kaming hindi na nakakagawa nang magkasama.

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon