"Paano ka na ngayon?"
Hawak ko ang picture frame na naka-display sa side-table ko kung saan may hawak akong eroplanong papel at napakasaya ko tignan. Grade 6 ako noong kinuha 'to ni Papa. Nag-aalala ako para sa batang Nadia. Mataas siyang mangarap, masiyahin, at punong puno ng pag-asa. Anong nangyari ngayon? Nawala na ang dating ako. Hindi ko na makilala kung sino ako ngayon.
May kanya-kanyang bitbit ang mga tao sa paligid ko. Si Arden, hindi ko na masyadong nakaka-usap dahil palagi niyang kasama ang mga kaibigan niya. Si Bless, mayrong mental health issues. Ang mga tropa ko, bihira nalang magparamdam. At ang Papa, palaging pagod sa dami ng trabaho.
Gusto kong isuko ang sarili kong kaligayahan para maging sandalan at kapitan nila pero paano naman ako? Paano ako kapag naubos ako?
"Hindi ka talaga free bukas?" tanong ko kay Arden mula sa telepono.
[Sorry, Nayi. Hindi talaga, e. May laro kami ng mga tropa ko sa umaga tapos pupunta kami kila Lola sa hapon. Hanggang Linggo kami ro'n.]
Tumango ako. Hindi niya ata naalala na monthsary namin bukas. Puro na nga siya laro sa computer, puro pa Basketball. Bahala nga siya. "Sige, naiintindihan ko."
Kinabukasan, mag-isa akong nag-celebrate ng monthsary namin ni Arden. Bumili ako ng ice cream mula sa tindahan at kinain 'yon mag-isa. Ayos naman pala magkaron ng oras para sa sarili, e. Masaya pala. I should do this more often. Habang sinisimot ko ang ice cream sa cup, biglang tumunog ang phone ko. Akala ko nag-update si Arden, 'yun pala si Bless.
From: Bless
Hindi ko na kaya, Ais. Ang hirap. Pagod na pagod na 'ko. Gusto ko nang maglayas.
Nag-alala ako nang matanggap ang text ang text na 'yon mula kay Bless. Mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon sa probinsya. Hindi niya nararamdaman na belong siya sa pamilya niya at sa bago niyang eskuwela.
To: Bless
Yakap, Biyaya ko. Gusto mo bang tumawag? Makikinig ako
Pero wala. Wala akong magawa para sakanya. Ang hirap dahil hindi ko maibalik ang nagawa niya para sa 'kin noong walang wala ako. Ako na nga lang ang mayron siya, hindi ko pa magawang iparamdam ang pagmamahal ko.
From: Bless
Hindi na, Ais. Masyado akong pagod para magsalita
Bumagsak ang mga luha ko nang mabasa 'yon. Heto na naman, e. Bumabalik na ang dating masamang mundo. Siya ang nagsabi sa 'kin noon na hayaan ko ang sarili kong maging masaya nang walang pinangungunahan. Hindi ko kaya, Bless. Masama talaga ang mundo.
Narinig kong bumukas ang gate kaya pinunasan ko kaagad ang luha ko para salubungin si Papa.
"Naya, oh. Bumili ako ng mangga para sa 'yo. Panghimagas natin mamaya," masayang sabi ni Papa.
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...