"Happy birthday, Xandara!"
Hinipan niya ang kandila pagkatapos namin siyang batiin. Andito ang buong tropa kasama si Psalm at Sabrina. Ngayon lang ulit kami nakumpleto, nadagdagan pa kami at mas lalong naging solid.
"Happy birthday talaga. Hindi tuloy ang America ni Tiana, e," masayang sabi ni Xandara. Nakasuot siya ng kulay rosas na party dress at birthday hat na sinuot ko sakanya kanina. Nakalugay ang buhok niyang kulot na mas bumagay sakanya.
"Talaga?!" gulat kong sabi, "Buti naman! Akala ko iiyak na 'ko sa July, e."
"Kinausap ko na kasi si Dad tungkol dyan, nagpaawa ako para hindi matuloy. Buti effective ang jinx," aniya.
"Effective din 'yong jinx ko, e. Hindi na ko mag-aaral sa Bicol pero mataas na grades sa Winston ang kapalit," ani Charlie.
"Yun oh! Walang despedida party na magaganap!" masayang sabi ni Bruce.
"Good for you, Charlie," nakangiting sabi ni Sabrina. Nakita ko kaagad ang pamumula ng mga pisngi ni Cha.
Napuno ng kasiyahan ang araw na 'to dahil sa mga good news na narinig namin. Pagkatapos naming kumain, nag-jamming kaming siyam sa sala. Nasa gitna ako ni Sabrina at Psalm. Si Bruce, Charlie, at Andy ang magkakatabi sa isang sofa at si Xandara, Natsumi, at Tiana naman ang nasa kabila. Sabi nina Bruce at Nats, ayaw nilang umaktong sweet sa harap ng tropa kaya hindi sila nagtatabi tuwing may gatherings.
"May Instagram ka na pala, Ais? OMG, follow kita!" ani Sabrina. Finollow namin ang isa't isa sa IG. Wala pa naman akong masyadong posts dahil baguhan pa lang ako dito.
"Sila Shaira 'yan, 'di ba? Ang gaganda talaga nilang magkakaibigan, 'no?" sabi ko nang dumaan ang litrato nilang magkakaibigan sa IG feed ni Sabrina.
"Yeah. They all look good, 'no? They're so popular too. Oh, you should see Faye's boyfriend. She's with Michelle's ex," mahina niyang sabi.
"Talaga?" bulong ko, "Okay lang 'yon sa kaibigan niya?"
"I don't know. I think she's cool with it naman. Michelle could pull off any guy she likes. Baka boy-toy lang ni Faye."
Napakunot ang noo ko sa narinig ko mula kay Sab. Hindi ko inakala na normal lang sakanila 'yon. 'Pag nakikita ko sila sa school, mukha silang walang problema sa buhay. Kaya siguro ang fresh nila palagi? Sabi ko pa noon gusto ko silang maging kaklase para makilala, ewan ko nalang ngayon.
"May song request ba kayo?" tanong ni Psalm habang tinotono ang gitara ni Tiana.
"Ano ulit 'yong inaaral mo nung nakaraan, par? 'Yung sa December Avenue?" tanong ni Bruce.
"Eroplanong Papel?" Ay, ang ganda naman ng title.
"Oo! 'Yon! Kabisado mo na ba chords?"
"Uh, oo," ani Psalm at nagsimulang tumugtog. Nginitian ko lang siya nang mag-umpisa siya pero hindi yata niya nakita.
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...