CHAPTER 16

20 3 1
                                    

"Akala ko hindi ka makakapunta, e."


Sabi nga ni Faye, 'The show must go on'. Kaya kahit hindi ako napanood ni Arden sumayaw sa stage kanina, ginalingan ko pa rin para kay Papa, ang number 1 fan ko. Napawi ni Arden ang tampo ko sakanya nang yakapin niya ako.


"Sorry na. Uwian na kasi ng mga tao kaya traffic sa Liwanag. Congrats, Champion!" bati niya sa 'kin dahil nag-first place kami sa Retro Ballroom.


"Thank you, Kap," nginitian ko siya. Buti nalang at hindi ako masyadong haggard at nakakapit pa rin ang make-up ko. Sinalubong ako ni Arden na may dalang isang garapon ng stick-o dahil alam niyang paborito ko 'yon. Nakasuot siya ng puting t-shirt, itim na shorts, puting rubber shoes, at gray na cap. Ang pogi ng manliligaw ko.


"Picturan ko kayo, 'nak," ani Papa. Inabot ko sakanya ang phone ko para makuhanan niya kami ng litrato. Umakbay sa 'kin si Arden at ngumiti kaming dalawa sa camera.


"Thank you, Papa," sabi ko pagkabalik niya sa 'kin ng phone.


Ngayon lang ulit kami nagkita pagkalipas ng matagal na panahon. Lalo siyang tumangkad, nag-mature ang ibang features niya pero paborito ko pa rin ang singkit niyang mata at ang ngiti niyang ako ang dahilan. May bago na 'kong paboritong amoy dahil nagpalit na siya ng pabango. Marami pagbabago sakanya kaya marami rin akong minamahal na parte ng pagkatao niya.


"Manonood ba kayo ng Battle of the Bands, 'nak? Magpeperform yata ang mga kaibigan mo," tanong ni Papa.


"Kami lang po ulit nila Natsumi at Xandara, Pa. Uuwi na rin kasi si Arden, e."


"Gano'n ba? Nako. Malayo ka pa nga pala, 'no? Magdidilim na rin." Anong oras na rin kasing nakarating si Arden, e. Awarding na nang makapunta siya pero okay lang, at least nakahabol.


"Opo. Di bale po babawi naman ako kay Nayi next week," aniya.


"Osige, mag-iingat ka," ani Papa, "Tumawag ka 'nak 'pag magpapasundo ka na, ah?" sabi niya sa 'kin.


Tumango naman ako. Nagpaalam na 'ko kay Arden pagkaalis ni Papa.


"Sana matataas na grades ang makuha mo bukas," sabi ko kay Arden, nabanggit niya kasi na bukas na ang bigayan ng report cards nila. Grounded na naman kasi siya kung mabababa ang mga ito.


"Mataas 'yan. Inspired ako sa muse ko, e," ginulo niya ang buhok ko.


"Bolero!"


"Nadz! Ayan ba si Arden?" napalingon ako nang marinig ang boses ni Michelle. Magkakasama silang tatlo nina Shaira at Faye.


"Mich!" bati ko, "Oo. Kap, si Mich, Faye, at Shaira. Girls, si Arden," pagpapakilala ko.


"Hello," tumango si Arden sakanila at kumaway naman silang tatlo.


"Bagay talaga kayo! Magkamukha sila, 'no?" ani Shaira.

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon