CHAPTER 5

27 6 2
                                    

"Ang tanda mo na, Ais! Ikaw pala unang tatanda sa tropang 'to, e."


Binato ko si Bruce ng tsitsiryang hawak ko dahil sa pang-aasar niya. Napuno tuloy ng tawanan ang tambayan namin. Balak ko kasi silang imbitahin sa bahay ngayong darating na birthday ko pero mukhang hindi ko isasama 'tong lecheng Bruce na 'to.


"Sunod ka naman sa 'kin, e!" February kasi ang birth month niya.


"Oo nga, tapos sunod si Tiana...tapos graduation na natin," ani Xandara.


"Lilipat ba kayo ng school?" tanong ni Natsumi.


Umiling ako, gano'n din si Tiana, Xandara, Bruce, Andy, at Charlie.


"Okay, walang iiyak sa graduation, ah! Kotongan ko ang umiyak," ani Natsumi.


"Grabe, ang bilis ng oras. Magha-highschool na tayo," si Tiana, "Sana kaklase ko pa rin kayo next school year."


"I could pull some strings," si Andy, nagpalakpakan naman ang lahat sa narinig.


"Kaclose naman natin si Sir Cruz, e. Malay niyo ipagsama-sama niya tayo sa isang section. Ay, si Arden pala?" si Charlie.


Nagkabit-balikat ako, "Ewan ko kung lilipat siya, e."


H'wag naman sana...ang hirap maging malayo sakaniya. Isang linggo nga, hirap na hirap ako, paano pa kaya kung apat na taon?


"Papa..." niyakap ko si Papa na nakaupo sa sofa. "Naguguluhan po ako."


"Saan?" nagaalala niyang tanong.


"Naalala niyo po 'yung anak ng dentista?" panimula ko, tumango naman siya, "Iba po kasi 'yung pakiramdam ko sakanya, e. Magkaibigan kami pero...iba. Ibang iba kina Charlie, Bruce, at Andy."


"Espesyal siya sa 'yo? Anong pangalan niya?"


"Arden po..." napakagat ako sa ibaba kong labi, "Pahinga daw po namin ang isa't isa."


Tahimik lang na nakikinig sa 'kin si Papa, "First time kong umiyak sa isang lalake, Pa! Isang linggo siyang nawala no'n tapos wala akong ibang inisip kundi siya. Tapos, niyakap niya po ako bago siya umalis," mabilis ang tibok ng puso ko habang nagku-kuwento ako, "Kakaiba po ang nararamdaman nitong puso ko tuwing nandyan siya."


"Ganyan ang pakiramdam ng magmahal," aniya kaya nagulat ako, pareho sila ng sinabi ni Natsumi!


"Nagmamahal na po ako?" tanong ko, "Pero...wala pa po akong alam sa pagmamahal."


"Alam mo ang nararamdaman mo, 'di ba? Alam mong espesyal siya sa 'yo. Simula na 'yon," ngumiti siya, "'Yang sakit na naramdaman mo noong nagkalayo kayo at ang pag-isip mo sakanya palagi...hindi mo 'yon mararamdaman kung hindi mo siya mahal."


Gano'n pala 'yon? Nagmamahal na pala ako? Ayaw kong maniwala...masyadong malaking salita 'yon. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa ibang bagay para hindi maisip ang nararamdaman ko. Kinabukasan, kasama ko siyang kumain ng turon sa canteen. Libre niya raw, e.

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon