CHAPTER 11

20 4 1
                                    

"I now pronounce you husband and wife."


Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid at nagtapon pa sila ng confetti nang maikasal kaming dalawa ni Psalm. Wala akong ibang tinignan buong kundi ang fake flowers na hawak ko at 'yong dilaw niyang panyo. Pakiramdam ko nagtataksil ako sa lalakeng mahal ko...sa lalakeng hindi naman naging akin.


Pinirmahan naming dalawa ang certificates na ginawa ni Sabrina tapos kinuhanan din kami ng litrato.


"Congrats! Sige, pwede na kayong maghiwalay. Utos lang 'yon ng jail booth," ani Xandara habang inaayos ang mga props para sa mga susunod na gagamit.


"Loko kasi 'yang jail booth. Magbayad daw o magpapakasal," napa-iling si Psalm, "Naabala ka pa tuloy, Ais."


"Hindi. Okay lang. Papunta na rin naman ako dito kanina nung nahuli ako, e," sabi ko para 'di siya mag-alala.


"Bumili nga pala 'ko ng tubig. Iyo nalang, oh. Wala pang bawas 'yan," ngumiti siya, "Baka makalimutan mong uminom ng tubig sa dami ng gawain mo, e."


Tinanggap ko ang bote ng tubig na binigay niya, "Paano ka? May rehearsal kayo, 'di ba?"


"Mamaya-maya pa naman 'yon."


"Psalm, kunin mo na nga muna 'to si Ais. Mamaya pa naman shift nito. Ang aga mo naman kasi, e! Nahuli ka tuloy," nginisian ako ni Xandara.


"Sinasadya mo 'yon, e," pinagsingkitan ko siya ng mata.


"Hindi, 'no!" pagtanggi niya kaagad, "Sige na, mamaya ka nang alas tres bumalik. Bye, Ais!" sabi niya sa isang mapang-asar na tono. Iba talaga ang mga natututuhan niya kina Bruce at Charlie.


"Gusto mo bang maglibot-libot?" aya niya, tumango naman ako. "Sige, tara."


Naglakad-lakad kami sa quadrangle, tinitignan ang bawat booths. Mamaya ay magsasara na rin ang ilan sa mga ito dahil kailangan ng space para sa mga upuan. Magsisimula kasi ang Battle of the Bands mamayang 6pm.


"Gaano katagal na kayong magkaibigan ni Charlie?" tanong ko sakaniya.


"Last school year lang. Transferee kasi ako tapos nakilala ko siya noong nag try outs ako sa Basketball. Siya kasi pinaka-friendly sa lahat ng nandoon, e," aniya, napangiti pa siya habang nagkukwento.


"Talaga? Madaldal talaga si Charlie kahit saan pumunta," sabi ko naman.


"Kayo ba? Matagal na kayong close, 'no?"


"Simula elem. Sawa na nga kami sa pagmumukha ng isa't isa, e. Lagi kaming magkaklase. Ayan tuloy, kulang nalang ampunin siya ng Lolo ko kasi palagi kaming magkasama," pagkukwento ko.


"May nakwento nga siya sa 'kin, e."


"Ano naman 'yon?" curious kong tanong.

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon