"Really? First kiss mo 'yon?"
Nakaupo kami rito sa paborito naming pwesto sa canteen. Kinuwento ko lahat kila Shaira ang nangyari kahapon. Parang wala lang sakanila ang mga ganitong topic dahil lahat sila ay may mga boyfriend. Nahiya tuloy ako dahil parang wala akong kaalam-alam sa pinapasok ko.
"First kiss pala ang smack?" tanong ni Faye.
"Hindi ba?" tanong ko pabalik.
"Nagdikit ang lips niyo, 'di ba? E 'di kiss 'yon," diretsong sabi ni Michelle, "Anyways, Nadz, may balak ka na bang sagutin siya? I mean, nakapag-kiss naman na kayo, ano pang hinihintay mong sign?"
"Sabi ko kasi sakanya, tsaka lang kami pwedeng mag-kiss kapag sinagot ko na siya. E, nanguna!"
"Hinamon mo kasi," tumawa si Shaira.
"Kahit na!"
"Aayaw pa? First love mo ang first kiss mo, uy! Aarte ka pa," ani Michelle.
"Ready ka na bang jowain si Arden? Commitment 'yan, Ais. Mahirap magka-jowa," ani Faye, "May mga gabing mag-ooverthink ka, iiyak ka sa mga mabababaw na dahilan, at magseselos ka. Kakayanin mo ba 'yon?"
"Kaya. Kakayanin ko naman lahat basta siya, e."
"E 'di, go. Sagutin mo na!" ani Shaira.
"Personal? O sa tawag?" tanong ko.
"Up to you, kung saan ka masaya. Wala namang magbabago sa pinagsamahan niyo kahit saan mo pa siya sagutin," ani Michelle.
Ilang oras kong tinimbang ang mga desisyon ko kaya inabutan na 'ko ng bukas. Inaya ko si Arden na makipag-videocall at doon ko siya kinausap tungkol dito. Hindi ko na kayang maghintay at ayaw ko na rin siyang paghintayin pa kaya...
"Sinasagot na kita," nakangiti kong sabi.
[Talaga?! Girlfriend na kita?!]
"Oo nga! Ayaw mo ba?"
[Gusto! Gustong-gusto!]
Ang laki ng ngiti niya at medyo naluha pa siya. Wala akong pagsisisi na sa tawag ko siya sinagot. Okay lang kahit pa hindi mukhang espesyal para sa iba dahil may sentimental value sa 'kin ang mga calls namin ni Arden. Dito lang kami nagsimula noon kaya talagang pinapahalagahan ko ang mga tawag namin.
"Napa-aga birthday celebration mo, Ais, ah? Ano mayron?" tanong ni Charlie. Nandito ang buong tropa sa bahay. Advance celebration dahil iniisip ko na baka hindi ko maasikaso ang lahat ng kaibigan ko kung mag-isahang party ako. This week, sila, next week naman sila Shaira, tapos si Bless, at sa mismong birthday ko naman si Arden.
"Para sa inyo lang 'yung oras ko at wala kayong kahati na iba kong tropa, tsaka kasama ko kasi jowa ko next next week," sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...