"Ito ba ang epekto ni Arden sa 'yo? Ang pagbaba ng grades mo?"
Kuhanan ng report cards ngayon dahil katatapos lang ng second quarter. Nakayuko lang ako sa mga kamay kong kanina ko pa pinaglalaruan habang sinesermonan ako ni Papa. Nagkasakit ako pagkatapos ng araw na pinuntahan ko si Arden sa Liwanag. Alam kong gustong magalit ni Papa no'n pero hindi niya magawa dahil hinang-hina ako.
"Nadia, hindi naman kita pini-pressure na magkaro'n ng straight line of 9, e. Pero 'yung lalong bumaba? Kuntento ka na sa ganito, 'nak?"
Isa-isang nagsibagsakan ang mga luha ko, "Hirap lang po, Pa."
"Hindi ka naman ganito dati, anak, e. Ginagawa mo palagi ang makakaya mo noon. Ano na ba'ng nangyayari sa 'yo, Naya?"
Tahimik lang akong umiyak at hindi siya sinagot. Naiinis ako at dismayado sa sarili ko. Hindi ko talaga gusto ang pagbabago ko. It's like I've changed for the worst. "Bumawi ka, anak, ah?" aniya bago ako lapitan para yakapin. Lalo akong naiyak nang yakapin niya 'ko. Alam kong dapat lang sa 'kin mapagalitan at maparusahan pero mas mangingibabaw ang pagmamahal sa 'kin ni Papa.
"Sorry po," sabi ko sa habang humihikbi, "Babawi ako, Papa."
Bumawi ako sa pag-aaral nitong weekends. Fresh pa ang disappointment sa 'kin ni Papa kaya inu-onti-onti ko ang pagpapakita sakaniya ng resulta ng mga quizzes ko. Todo aral ako para maniwala siya sa 'kin ulit. Nakakakonsensya na masyadong mabait si Papa at abusado naman ako. Ayaw kong tuluyang mawala ang tiwala niya sa 'kin kaya ginagawa ko lahat para makabawi.
"Music video na PETA?! Anak ng-" reklamo ni Bruce.
"Next year pa 'yan! Hindi talaga nagbabasa ng Scope and Sequence. Ayan oh, February!" hinampas ni Natsumi si Bruce ng papel.
"Ayon nga! Birth month ko pa!"
"Kawawang Bruce, gagawa ng PETA sa birthday," pang-aasar ni Charlie.
Natawa lang ako nang marinig ang bardagulan ng mga tropa ko habang dinidiscuss ng MAPEH teacher namin ang mga gagawin namin para sa 3rd quarter. Nakakatakot ang bilis ng panahon pero narealize ko rin naman na pwede pa 'kong makabawi sa mga namiss-out ko. Kagaya nalang nitong pag-aaral ko at mga relasyon ko sa mga taong mahal ko.
"Hi, Nadz. How are you?" ani Sabrina, katabi ko kasi siyang mag-lunch ngayon sa classroom.
"Okay naman ako, Sab. Medyo mabigat lang 'yung puso," nginitian ko siya pero nag-alala lang siya sa 'kin.
"You want to talk about it?" tanong niya. Naaalala ko noong una ko siyang nakita, sabi ko ay mukha siyang anghel dahil ang bait ng mukha niya. Parang hindi kayang manakit, gano'n. Kamukha niya si Mama Mary.
"Nakita ko kasi si Arden na may kasamang iba no'ng pumunta ako sa school nila, e. Kaya nasaktan ako. Nasaktuhan pa 'ko ng ulan pag-uwi kaya napagalitan ako ni Papa dahil wala akong payong. Sabi niya h'wag ko na raw kitain si Arden ulit." Habang kinukuwento ko 'yon, parang pinupunit ang puso ko. "Bumaba rin grades ko kaya disappointed si Papa."
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...