"Pa, pansin ko pong ngumingiti ka na lagi, ah! Ano pong nagpapasaya sa inyo?"
Masaya ako kapag masaya si Papa. Oo, hindi siya palangiti, kaya nga naninibago ako, e. Simula nang magkaro'n ng dental mission dito sa amin, pansin kong gumaan ang lahat.
"Dahil sa mga dentistang handang ibalik ang nawalang ngiti ng mga tao."
Dentista pala. Mabuti nalang ay mayrong mga dentista, ano? Bumalik ang confidence ni Papa na ngumiti.
"Bakit kaya gano'n, Pa? Kung sino pa 'tong anak ng dentista, siya pa 'tong hindi mahilig ngumiti. Maganda naman ang ngipin niya," nagtataka kong tanong kay Papa, hindi niya pa alam na kaklase ko si Arden, ang anak ng dentistang tumulong sakaniya. Doktora Celeste-Esquivel pala siya.
"Baka naman may problema lang. Itong dentistang tumulong sa 'kin, magagawan ako ng murang pustiso. Kaya masaya ako, mayron pa rin palang mga tao na hindi pera ang habol kundi serbisyo," ani Papa, "Sana nakikita ng Mamang mo kung gaano ako kasaya ngayon."
Napa-atras ako nang may makitang puting paru-paro na lumipad sa harap namin. "Mukhang nakikita niya, Pa."
"Ito ang gusto ng Mamang mo para sa 'kin, ang maging masaya. Masakit man tanggapin na wala na talaga siya, tutuparin ko nalang ang hiling niya para sa 'kin."
My Papa is returning to his old, happy self. Sapat na sa 'kin ang makita siyang masaya pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya. Dentista lang pala ang makapagbibigay ng ngiti na gusto kong makita sa Papa ko.
Mahal na mahal niya si Mamang kaya naiintindihan ko kung bakit masakit para sakaniya na bumalik sa dati. Nakita ko ang mga litrato nila noon, sobrang saya nila, parang walang problema. Hanggang sa unti-unting manghina si Mamang, doon ko nakita ang unti-unting pagkawala ng ngiti ni Papa. Sabi sa 'kin dati ni Mamang, gustong-gusto niya ang ngiti ni Papa. Bago siya mawala nang dahil sa breast cancer, pinangako ko sakaniya na pasasayahin ko palagi si Papa para hindi mawala ang ngiti na minahal niya.
Nagagawa ko naman. Kaya masaya ako na sinamahan ko siya noong Sabado na 'yon, ang umpisa ng lahat.
"Pa! Ang taas ko sa Science, oh!" Masaya akong tumakbo papunta kay Papa na nasa sala.
"Very good, ah!" Kinuha niya ang quiz paper ko at tinignan ito. Nakita ko ulit ang ngiti ni Papa, lalo tuloy akong naging masaya.
Ang hindi alam ni Papa, si Arden ang rason kung bakit ako sumisipag. Nakikita ko kasi sakaniya kung gaano siya kaseryoso mag-aral kaya ginagaya ko siya. Nakikita ko na maaga siyang umuuwi kaya umuuwi rin ako nang maaga. Kapag nagbabasa siya ng libro, nagbabasa rin ako mula sa likod niya.
Hindi ko na rin alam! Ano ba 'tong epekto ng anak ng dentista sa 'kin, nagugulat na lang ako sa sarili ko na nasa loob ako ng library, naghahanap ng libro. Sinusubukan kong abutin ang librong gusto ko, tumingkayad na ko't lahat, hindi ko pa rin abot. Nagulat nalang ako nang may biglang kumuha nito, si Tiana.
"Ah, salamat..." napatigil kaming dalawa. Doon ako tinamaan ng hiya. "Ay, ikaw ba magbabasa...o sige."
"Tara, share tayo," aniya at pumili na kami ng lamesang pwede naming gamitin. Kasama ko ang secretary namin mag-aral!
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...