CHAPTER 30

18 1 0
                                    

Bagong taon na at ilang linggo nalang, magbebente na 'ko. Excited na 'ko sa bagong chapter ng buhay ko. Marami mang mawala pero may mas magandang kapalit naman. Mas naging mapagpasensya at maintindihin ako ngayon dahil sa mga taong ginagabayan ako. Masaya na ang puso ko. Kuntento na 'ko sa payapa kong mundo... ang mundong palagi kong sinisisi, kasundo ko na.


Naisipan kong maglinis ng kwarto ko. Nakita ko ang kahon kung saan ko tinago lahat ng litrato at regalo sa 'kin ni Arden. Mula doon sa epaulets kung saan siya umamin, sa yellow hoodie, pink friendship bracelet, flowers, at pati 'yong kwintas na may hugis puso. Kinuha ko ang picture frame na may family picture namin kasama sina Ulap at Ulan.


"Pinapatawad na kita," sabi ko habang hawak ito.


Wala na 'kong galit sa puso ko. Magaan na 'to ngayon kagaya ng mga ulap. Pinapatawad ko na siya pero hindi ibig sabihin no'n na babalik ako sa dati. Wala nang galit at ibang klase na ng pagmamahal ang nararamdaman ko para sakanya... I can't say it's indifference. Mas nalamangan lang talaga ng self-love ang pagpapamahal ko para sakanya.


Kaya ko na at kinakaya pa. Ang pinakamalaking achievement ko? Kaya ko nang tumingin sa langit nang walang nararamdamang sakit. My love for the sky came back to me.


"Happy 20th birthday, Nadia!"


Sinorpresa ako ng mga nina Papa, Nanay, Jam, at Ariel ngayong kaarawan ko gamit ang mga lobo, banner, at cake. Nandito rin ngayon si Caela kasama ang parents niya.


"Happy birthday, Mommy Naya!" bati ni Caela sabay halik sa pisngi ko.


Nginitian ko sila. "Thank you! Salamat sa inyong lahat!"


"Wala 'yon, nakong. Dumaan ka raw kay Miss Castaneda mamaya sa Greenhouse. May ihinanda rin siya para sa 'yo," sabi ni Papa.


"Oo nga. Kasama niya kanina si Dahlia. Mukhang marami silang mga bitbit," ani Nanay Myrna, "Halina kayo, kain na."


Pinagbalot ko ang mga bisita ko ng mga handa tapos nagbaon na rin ako para kila Dahlia mamaya. Nagpalit ako ng kulay dilaw na mini-dress at black sandals tapos sinuklay ko ang mahaba kong buhok bago umalis ng bahay. Pagpunta ko sa greenhouse, napansin ko kaagad ang fairy lights na nakakabit sa paligid. Mayron ding pa-background music at rose petals sa daanan.


"Happy Birthday, Nadia!" sabay na bati nina Miss Castaneda at Dahlia. May hawak na paso ng lucky bamboo si Miss at si Dahlia naman ay may hawak na bouquet ng iba't ibang klase ng fake flowers na gawa sa yarn. Ang taray, naka-crochet pa.


"Grabe kayo!" nang-init ang pisngi ko kaya napahawak ako agad dito, "Thank you po, Miss. Thank you rin, Dahlia. Ang effort niyo naman!"


"Maliit na bagay kumpara sa lahat ng nagawa mo para sa 'kin, Nadi. Ikaw kaya ang first customer ko! Oh, eto. Ginawa ko 'yan," aniya sabay abot ng bouquet. Sunod naman na lumapit sa 'kin si Miss na hawak pa rin ang lucky bamboos.


"Panigurado umihip ka na ng kandila kaya itong mga lucky bamboos nalang ang hilingan mo. Oh, 'di ba, may originality," ani Miss sabay tawa.

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon