CHAPTER 15

32 3 3
                                    

Naiyak ako sa tuwa nang makausap ulit si Arden. Ang lalakeng matagal kong hinintay, dumating na. Ang lalakeng pinaglaban ko, naipanalo ko na. At ang lalakeng mahal ko, mahal pa rin ako.


[Soon, Cap. Bibisita ako dyan. Catch up tayo,] aniya mula sa kabilang linya.


"Maraming nagbago sa 'kin. Maninibago ka siguro 'pag nalaman mong hindi na 'ko mahiyain ngayon."


[Handa naman akong kilalanin ang bagong ikaw.]


Gusto kong magpa-fiesta sa sobrang saya ko. Ngayon ko masasabi na worth it lahat ng paghihintay ko. Walang nasayang.


"Pa, paano po 'pag sinabi kong nag-uusap na kami ni Arden ulit?" Hindi ko ikinakahiya si Arden. Dapat lang na ipagsigawan ko siya sa buong mundo. Sa mundo na minsan kong inakalang kaaway.


"Masaya ka naman, 'di ba?" tanong niya, tumango ako. "Basta masaya ako kapag masaya ka, Naya."


'Yon lang ang sasabihin niya? Hindi niya ba 'ko sesermonan?


"Malaki ka na, 'nak. Alam kong alam mo na ang tama at mali. Alam mo kung kailan ka sumusobra at nagkukulang. Hindi kita didiktahan kung sino ang pipiliin at mamahalin mo dahil puso mo 'yan."


"Opo, Papa."


"Ingatan ang puso, Naya. Lahat ng ginagawa mo ay dumadaloy mula riyan. H'wag mo lang gagamitin ang puso sa pag-iisip dahil hindi tama 'yon."


Lahat ng ginagawa ko ay dumadaloy mula sa puso. Tatandaan ko 'yan.


"Totoo? Nag-uusap na kayo ulit?!" gulat na tanong ni Natsumi.


"Oo," nakangiti kong sabi, "Magkikita kami ulit pero hindi pa sigurado kung kailan."


"Hindi na naman sigurado? Baka mamaya paasahin ka na naman niyan sa wala," ani Tiana.


"Hindi 'yan," sabi ko naman, "Mukha namang posible na sa ngayon, e."


"Siguraduhin niya lang na hindi ka talaga niya pinaghintay sa wala, Ais. Ayaw lang namin na masaktan ka ulit," ani Xandara.


"Ayos. Taon ata ng balikan ng first love 'to, ah," ani Charlie.


"Balikan?" tanong ni Psalm nang mapadaan sa likod ni Charlie. Kababalik niya lang kasi mula sa canteen para bumili ng juice.


"Comeback sila ni Fresh," mahinang sabi ni Andy, "Ayusin niya lang talaga. Dapat siya naman ang pumupunta sa 'yo ngayon. H'wag ka nang dadayo sa Liwanag, ah."


"Oo," madiin kong sabi. Nasermonan pa nga ng tropa. Hindi ba sila masaya para sa 'kin?


"Congrats," nakangiting sabi ni Psalm.


"Salamat." Mayron palang isang masaya para sa 'kin, ang lalakeng nasaktan ko dahil sa pagpili ko sa iba.

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon