"Next week na pala 'yung career week? May susuotin na ba kayo?"
Nagkabit-balikat ako sa tanong sa 'min ni Bruce. Nandito ulit kaming pito sa tambayan namin, kumakain ng tsitsirya. "Hindi ko pa nga alam kung anong gusto ko, e. Flight stewardess ba o piloto?"
"Bagay sa 'yo maging piloto, Ais! Diba mahilig ka sa airplanes?" si Tee.
"Oo nga! Bagay din naman sa 'yo maging flight stewardess. Ako nga, baka mag accountant, e," si Natsumi.
"Cinareer mo naman pagiging treasurer mo! Ako, mag tuxedo nalang. Pangarap ko kasing maging mafia boss," si Bruce.
"Baka mag suot nalang ako ng lab gown para madaliang costume," ani Xandara.
"Mag-dala nalang ako ng camera para matic photographer," si Andison.
"Hala, may mga pangarap kayo?" si Charlie.
Sa likod ng mga tawanan namin, alam namin sa aming mga sarili na hindi pa kami sigurado. Ano pa nga ba ang sigurado para sa isang dose anyos? Lahat ng naiisip namin ngayon, pwedeng magbago kapag mga teenagers na kami. Bigla ko tuloy naisip si Arden, ano kayang pangarap niya sa buhay?
"Tiana, anong ibig sabihin kapag nginingitian ka ng isang tao?" tanong ko sakaniya habang naglalakad kami pabalik sa classroom, galing kasi kami ng library.
"Hmm...masaya siya sa'yo," aniya, "O baka napapangiti mo siya."
Gano'n ba 'yon? "E 'di...napapangiti ko si Arden?"
"Ngumingiti pala 'yon? Nakakatakot nga siya, e."
"Sa akin...dalawang beses?" Nagbilang pa 'ko sa daliri ko para alalahanin.
"Speaking of, ayan siya, oh," ngumuso si Tiana sa direksyon na nilalakaran ni Arden. Nagtama ang mga mata namin kaya umiwas ako kaagad ng tingin. Mapang-asar ang mga tingin ni Tiana sa 'kin. Para bang sinasabi niya na "maiwan na kita, kaya mo na 'yan," naglakad siya papasok sa classroom at iniwan ako sa hallway.
"Esquivel!" bati ko kay Arden, "Saan ka galing?"
"Student council meeting," aniya habang nakatingin sa mga binabasa niyang memos, "Ikaw?"
"Oh, curious ka?" nginisian ko siya.
"Tss." Nilagpasan niya 'ko at naunang pumasok sa classroom, hinabol ko naman siya hanggang sa maka-upo kami sa mga pwesto namin.
"President ka ng student council, diba? Alam mo ba, binoto kita," sabi ko para may mapag-usapan kami.
"Salamat," maiksi niyang sagot. 'Yon lang?
"Hmm...sino 'yung vice president natin? 'Yung taga kabilang section ba? Ganda niya, 'no?"
"Oo, matalino rin."
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...