"Aba. Blooming, ah? Ganyan ba 'pag bagong kasal?"
Napangiti lang ako sa pang-aasar sa 'kin ni Tiana. Pumasok lang naman ako na nakangiti, blooming na kaagad? Lumipas kasi ang ilang linggo na masaya ako sa mga desisyon ko sa buhay. Pansin kong mas gumaan ang puso ko noong pinili kong palayain ang sarili ko.
Pinalaya ko nga siya pero nanatili naman akong nakakulong sakanya. Late ko mang na-realize 'yon, ang importante ay nagawa ko naman.
"Bagong kasal ka d'yan? Ikaw kamo ang blooming! Bagay sa 'yo 'yang hair mo, girl," sabi ko sabay hawi ng buhok niyang mahaba. Naka-lugay kasi siya ngayon kaya kita ang layers ng buhok niya.
"H'wag mo 'ko pakiligin. Magseselos asawa mo." Pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi na siya tumigil sa joke na 'yan simula nang ikwento ko sakanya ang fake wedding namin ni Psalm.
"Speaking of," ngumuso siya sa may pinto kaya napalingon ako. Kararating lang ni Psalm na may dala na namang gitara.
"Sana all may gitarista," pang-aasar ulit niya.
"Alam mo, Tiana, hindi talaga maganda mga natututuhan mo kina Charlie at Bruce! Hindi ka naman ganyan dati," napa-irap ako.
"Kasalanan mo naman kung bakit ko sila nakilala, e. Pinatahan mo pa kasi ako sa 1st floor," aniya sabay tawa.
"Kasalanan ko pa, ah?" Hinampas ko siya at tumawa rin.
"Aray! Psalm, oh! Nananakit asawa mo." Nanlaki ang mga mata ko nang isumbong niya 'ko.
Tumawa lang si Psalm at hindi na ginatungan ang pang-aasar ni Tiana. Maya-maya ay dumating na si Natsumi. Tumayo naman si Bruce mula sa upuan niya para magbigay ng sunflower kay Nats.
Mayro'n siyang sinenyas kay Psalm kaya bigla itong tumugtog ng gitara. Si Andy naman na may dalang cajon ay tumugtog din.
"Magaan na ba ang 'yong paghinga? Bumalik ka na sa 'kin..." Inirapan lang ni Natsumi at dire-diretsong naglakad papunta sa upuan niya. Sinundan naman siya ni Bruce na may hawak pa ring bulaklak. "Klaro na ba ang isip, sinta? Bumalik ka na sa 'kin... Hindi ka na nagparamdam... buhat ng cool off ako'y nahibang..."
Sinenyasan kami ni Bruce na kumanta rin kaya nakisama nalang kami. Nangibabaw pa ang boses ni Xandara at Tiana. "Sige na please h'wag nang mainis... bumalik ka na sa 'kin... Sorry, mahal, ika'y nasaktan... bumalik ka na sa 'kin... bumalik ka na sa akin..."
Kitang kita ang pamumula ng mga pisngi ni Natsumi kaya naman tinanggap na niya ang sunflower. "Oo na! Bati na tayo!"
"Yun, oh! Comeback na sila!" masayang sabi ni Charlie.
"Bati lang. Walang gano'n," seryosong sabi ni Nats.
"Ah, so naghiwalay nga kayo?" tanong ni Charlie. Hindi nakasagot kaagad si Nats at nanahimik nalang. Tinabihan naman siya ni Bruce at may ibinulong.
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...