Ipinasa ako ni Psalm kay Bruce matapos niya 'kong isayaw. Tinanggap ko ang kamay niya at nagsayaw kami. Nakasuot siya ng brown polo at black pants. Nakakapanibago dahil mayro'n na siyang piercing ngayon at nagbago ang hairstyle niya. Tumangkad din siya kagaya ng iba naming tropang lalake.
"Kumusta ka naman, Ais? Tagal nating 'di nakapag-usap."
"Oo nga, Bruce, e. Ang daming nagbago. Pasensya na kayo, ah," I gave him an apologetic smile.
"Marami ring nagbago sa tropa, sa 'min ni Nats, tsaka sa 'kin. Akala namin mabubuwag na ang Tropang Turon, e. Buti nalang nagchat si Charlie kay Andison para magawa 'tong prom."
Ah, silang mga lalake pala ang nag-ayos nito. Totoo pala na kung gusto, may paraan, 'no? Ayaw nilang mabuwag ang tropang 'to kaya ginawa nila ito.
"Naghiwalay ba kayo ni Nats?" Napatingin ako sa direksyon ni Nats na kasayaw ngayon si Charlie. Mukha naman siyang masaya at hindi rin naman sila awkward kanina. Sana okay lang sila.
"Muntik na. Nahirapan kaming iproseso lahat ng nangyayari sa tropa that time. Nahirapan din ako kay Nats kasi alam mo naman 'yung pasensya no'n. Muntik na 'yang manugod sa classroom niyo para awayin sila Shaira para lang ipagtanggol ka."
Ang dami ko palang na-miss out. Hindi ko maimagine kung ilang beses pinigilan ni Bruce si Nats para lang h'wag mapa-away. Napadalas na naman siguro ang pag-aaway nila kagaya ng dati, mas malala lang ngayon dahil magjowa na sila.
"Gustong gusto ka talaga naming i-comfort no'n pero hindi namin alam kung paano. Laging malungkot si Tiana kaya sinubukan talaga naming magpakatatag... kahit para sakanya lang."
"Ang hirap isipin na nagkasira-sira tayo. Maski ako, sinisisi ko sarili ko gabi-gabi dahil sa nangyari sa tropa," pag-amin ko.
"The tropa is not the same without you, Ais," he sincerely said.
It hit me hard. Akala ko mabigat na 'yung mga panahong magkakahiwalay kami, pero mas mabigat pala ngayong magkakasama kami ulit. I don't know what to say. Alam kong sobra ko silang nasaktan kaya ingat na ingat ako ngayon. Ayaw ko nang makasakit ulit. Ngayong nakakabangon na 'ko mula sa mga nangyari, wala akong ibang gusto kundi ang makabawi sa lahat ng nasaktan ko.
"Babawi ako, Bruce."
"Your presence alone is enough, Ais. Hindi naman ako nagalit sa 'yo o doon sa ginawa mo. Your feelings are valid and you are not a bad person for pushing us away if that's the best way for you to cope."
Masaya akong marinig 'yon. Nakikita ko na nag-grow talaga kaming lahat sa mga nangyari at si Bruce ang isa sa mga nagpatunay no'n. Siya ang 'kuya of the group' kaya naman pinapatatag niya ang tropa kapag down kami. Pero hindi sa lahat ng oras ay kailangan niyang maging matatag. Natuto siyang harapin ang nararamdaman niya, hindi gaya noon na tinatakbuhan niya ang mga ito.
Sunod naman kaming nagsayaw ni Andison. Nakasuot siya ng pulang polo at black pants. Suot niya rin ang specs niya tapos nakaayos ang buhok niya pataas. I wonder if he's courting Tiana now? Kung oo, sana ingatan niya ang best friend ko. Alam ko namang palagi siyang andyan kay Tee lalo na noong mga panahong wala ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...