CHAPTER 7

26 6 2
                                    

"Pass muna, nagtitipid kasi ako, e."


Malungkot kong nginitian ang mga kaibigan ko na nag-aayang gumala sa darating na Sabado. Dismayado silang tumango pero alam kong naiintindihan naman nila 'ko. Itong pag-iipon ko ng baon ay para kay Arden. Hindi biro ang pamasahe papunta sakanila kaya naman tipid na tipid ako.


"Sa susunod Sabado, Ais? Pwede ka na? Hindi masaya 'pag 'di tayo kumpleto," ani Tiana.


"Ako nalang manlilibre sa 'yo ng pamasahe papuntang Liwanag, sumama ka lang sa Sabado," ani Charlie.


August 31 na kasi sa darating na Sabado. Ang daming hindi alam ni Arden tungkol sa 'kin. Sa mga nakalipas na buwan, pakiramdam ko ay may kulang sa 'kin. Saksi ang mga kaibigan ko sa pagbabago ko...at maski ako ay hindi nagustuhan ang pagbabagong 'yon.


"Huh? Si Naya? Hindi class officer? Ulitin natin! Isali natin siya!" ani Bruce.


"Siya na mismo 'yung umayaw," ani Natsumi.


Tahimik akong kumain ng turon habang naka-upo sa bean bag dito sa tambayan namin. Ang tamlay ko...hindi ko makilala ang sarili ko. Maski kaninang botohan ay wala akong gana kahit planado ulit 'yon ng mga kaibigan ko. Wala talaga 'ko sa sarili.


"Hayaan niyo muna, nag-aadjust pa siya," ani Tiana.


Hindi ako sanay na wala akong Arden na ginugulo araw-araw. Siya 'yung hinahanap-hanap kong kulang sa araw ko. Ang tagal ng susunod na 31, miss na miss ko na siya. Bihira nalang akong mag-recite, kuntento na 'ko sa pasang-awa. Patapos na ang first quarter pero hindi na 'ko nag-eexpect na makasali sa honors. Wala naman akong paki ro'n.


"Kailangan mo ba ng tulong sa Math? Pwede kitang tulungan," mahinahong tanong ni Sabrina sa 'kin. Naiintindihan niya 'ko dahil saksi siya sa pagsasama namin ni Arden no'ng Grade 6. Siya ang class president namin at seatmate ko rin siya. No'ng una medyo naiilang ako sakanya pero naging komportable rin ako habang tumatagal.


"Okay lang ba sa 'yo? Hindi ka ba masyadong busy?" tanong ko, umiling naman siya at nginitian ako.


"Look, Ais, naiintindihan ko 'yung struggle mo sa pag-aadjust. I know the feeling. May boyfriend din ako na lumipat ng school kaya I know how it feels to be away from the love of your life."


"May boyfriend ka na?" gulat kong tanong.


"Yes," nahihiya niyang sabi, "Don't hesitate to ask for help. You don't have to carry all things, hun."


Naalala ko sakanya ang pagkakaibigan namin ni Tiana, ganitong-ganito rin kami noon. Nakakapag-kwento ako kay Arden pero 'yung mga masasaya lang ang kinukuwento ko dahil ayaw kong mag-alala siya. Tuwing hapon nalang nga kami nakakapag-usap dahil nag-aaral siya sa gabi.


"Ako na kapitan mo kapag may pinagdaraanan ka. Diba tinatanong mo kung paano ka kung wala kang makakapitan? E 'di ako nalang."


"Miss na miss na kita," sabi ko habang hawak ang picture frame namin na naglalaman ng picture namin noong Graduation. "Pasensya ka na kung marami akong hindi ako sinasabi sa 'yo, ah? Alam kong pagod ka rin...ako nalang muna ang kapitan mo, Kap."

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon