CHAPTER 24

14 1 0
                                    

"Nagloloko si Shawn kay Sophia at kinukunsinti naman ni Jur at Ethan. Nakakadiri."


Humalukipkip ako at napairap matapos kong ikwento ang nakita ko kagabi kay Arden. Tahimik lang siyang nakaupo, hindi makaharap sa 'kin. Lalo tuloy akong nagduda. May alam siya dito at guilty siya doon.


"Oh? Bakit hindi ka makapagsalita?" tanong ko.


Napabuntong hininga siya, "Pinagsabihan ko naman na si Shawn, e. Hindi lang siya nakikinig."


"Bakit hindi mo sinabi kay Sophia agad? Gaano katagal na niyang ginagawa 'to?"


"Nitong January pa," pag-amin niya. "Hindi ko alam. Relasyon nila 'yan, e. Ba't ako mangingialam?"


I scoffed. "Kaibigan mo sila, Arden. Imbis na tulungan mo sila at itama, kinukunsinti mo pa."


"Bakit ba bini-big deal mo 'to, mahal?" sabi niya sa isang iritableng tono.


"Masakit para sa 'kin na may babaeng niloloko, mahal. Paano kung ako 'yon? Hindi lang naman si Shawn 'yung may malaking kasalanan dito, e. Kinukunsinti niyo siya kaya parte na rin kayo ng problema."


Matagal tagal bago siya makasagot ulit. Binalot ng katahimikan ang buong condo niya.


"Kung hindi mo sasabihin kay Soph, ako na gagawa," seryoso kong sabi.


"H'wag na, Nayi. Sige na, ako na. Kakausapin ko nalang ulit si Shawn. Pwede naman nila pag-usapan 'yan nang sila lang."


Ang bigat sa puso. May tropang kunsintidor at manloloko ang boyfriend ko. Naiinis ako dahil hindi niya naiintindihan kung gaano kasakit maloko at mapagtaguan nang matagal. Nakakasira 'yon ng tiwala at nagiging ugat ng pagdududa at takot.


"Ewan ko sa 'yo." Kinuha ko ang bag ko at naglakad papunta sa pinto niya. Agad niya 'kong sinundan at pinigilan akong buksan ito.


"Mahal..." hinawakan niya ang mga kamay ko, "H'wag namang gan'to. Monthsary na monthsary natin, nagaaway tayo."


Binawi ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Hindi mo naman kasi naiintindihan, Arden, e. Disappointed ako tapos sasabihin mo lang na bini-big deal ko?"


I'm not used to confrontations. Ito ang pinakamahirap para sa 'kin dahil palagi akong nauunahan ng mga luha ko bago pa 'ko makapagsalita. Akala ko pwede kong sabihin 'to sa jowa ko nang walang nararamdamang kaba pero mas pinalala niya lang.


"Sorry na, okay? Binabawi ko na. Sorry." Niyakap niya 'ko at hinalikan sa noo, pisngi, at labi.


Masama sila para sa 'yo. Yun ang gusto kong sabihin sakanya kanina pa. Ngunit anong karapatan kong sabihin 'yon sakanya? May sarili siyang utak para makapag-desisyon. Alam niya kung makakabuti pa sakanya ang mga taong nakakasama niya o hindi.


"I love you," aniya matapos bumitaw sa paghalik sa 'kin.


Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon