CHAPTER 10

21 5 10
                                    

"Naya? Kaninong panyo 'to, 'nak? Bumili ka ba ng bago?"


Napatakbo ako sa labahan kung saan naroon si Papa. Hawak niya ang dilaw na panyo ni Psalm. Hindi ko pa pala nakukuwento sakanya ang nangyari sa 'kin nung araw na 'yon. Ang dami ko kasing iniisip nitong mga nakaraang araw kaya bihira nalang kami mag-bonding.


"Sa kaklase ko po, Pa. Pinahiram niya lang sa 'kin nung ano..."


"Nung ano?" curious niyang tanong.


"Nung umiyak po ako."


Napatango naman siya at hindi na muling nagtanong. "Mabuti at may karamay noong oras na 'yon."


"Oo nga po," mahina kong sabi bago maglakad pabalik sa sala kung saan ako nagbabasa kanina. Matatawag ko na bang karamay si Psalm nang dahil doon? Magkaibigan na ba kami dahil sa pagpapahiram niya ng panyo? Napaisip tuloy ako...pwede na siguro dahil nakita na niya ang vulnerable side ko.


Tinapos ko ang lahat ng gawain ko ngayong weekend para makapag-enjoy nalang ako sa nalalapit na Foundation Week at sembreak. Tinanggal ng Winston ang fieldtrip para sa taong ito kaya 'yon nalang ang pinalit nila. Ginawa na kasing every other year kaya sa susunod taon pa ulit kami makakapag-fieldtrip at sa 4th year pa ulit ang Foundation Week.


Maraming activities ang nakahanda para linggong 'to kabilang na ang Mr. and Ms. Intramurals na sasalihan nina Natsumi at Bruce, Battle of the Bands na sasalihan nina Tiana at Andy, at si Charlie na kasama sa basketball players ngayong Intrams. 'Yon lang naman ang inaabangan naming magtotropa dahil susuportahan namin sila. Kasama ko naman si Xandara sa pag-organize ng booths.


"Psalm, ito nga pala 'yong panyo mo," sabi ko sakanya pagkapasok ko ng classroom, "Salamat ulit."


"Wala 'yon," ngumiti siya sa 'kin bago isandal ang guitar case na dala niya sa pader.


"Tutugtog ka rin sa Battle of the Bands?" tanong ko.


"Oo. May band practice kami mamaya kasama si Bruce," aniya.


"Ha? Kasama rin pala sa banda si Bruce? Escort na 'yon sa intrams, ah?"


"Pagsasabayin niya raw," natawa siya, "Ikaw ba? May sinalihan ka ba?"


Umiling naman ako, "Taga-ayos lang ako ng booths kasama si Sab at Dara."


"Okay. Enjoy ka," ngumiti siya.


Tumango naman ako, "Enjoy ka rin mamaya."


Habang abala ang lahat sa kanya-kanya nilang gawain, nakatingin lang ako kay Tiana at Natsumi. Siya kasi ang nag-aayos kay Nats para sa photoshoot niya ngayong hapon. Si Bruce naman ay nakapwesto sa likod ng classroom habang may binabasang papel, katatapos lang kasing ayusan. Pareho sila ni Nats na nakasuot ng white polo at maong pants.


"Ayos ba? Pantay naman parehong mata, 'di ba? Anong tingin mo, Ais?" tanong ni Tiana.


Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon