CHAPTER 22

25 2 5
                                    

TW: Mention of death


"Hindi ko rin naman alam na gusto mo palang mag-piloto."


Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit ngayon niya lang sinabi? Kung kailan ayaw ko na maging piloto, doon naman niya ginusto? Ang sakit marinig... naninibago ako... pakiramdam ko ang dami kong hindi alam sakanya.


Ang mga magulang ko ang dahilan kung bakit ayaw ko nang maging piloto. Akala ata ni Papa hindi ko alam ang matagal na niyang tinatago. They died. I know they died. Narinig ko 'yon  sa usapan nila ng pinsan niyang si Lola Myrna noong sinamahan niya 'kong mag-exam sa Maynila.


Sabi ni Papa, dito ako titira kay Lola kapag kolehiyo na 'ko. Hindi niya pwedeng iwan ang mga trabaho niya sa Rizal kaya magkakalayo muna kami. Masama man ang loob ko, inintindi ko nalang. Parte naman ng paglaki 'to.


"Hanggang kailan mo itatago kay Nadia ang totoo? Maaapektuhan siya kapag nalaman niyang namatay ang mga magulang niya dahil sa isang piloto," nag-aalalang sabi ni Lola.


"Plane crash ang kinamatay ng mga magulang niya, hindi ang piloto. Ayaw kong matakot siyang mangarap dahil lang sa aksidenteng 'yon. Nagulat na nga lang ako at bigla niyang sinabi na ayaw na niyang magpiloto. Sigurado na sa dentistry, e."


Bumalik ako sa kwartong tinutuluyan ko nang marinig 'yon. Tama lang pala na 'yon ang sinasabi kong rason kung bakit wala na 'kong magulang, e. Wala na sila. Parang pangarap ko lang.

Mabuti nalang talaga at nasa Dentistry na ang puso ko. Mas maaga kong masasagip ang sarili ko sa sarili kong takot.


"Ikaw 'yung dahilan kung bakit mahal ko ang langit," ani Arden sabay halik sa noo ko. Siya ang unang nagsabi sa 'kin niyan. Proud na proud ako sakanya. Ginusto niyang maging piloto dahil tinuruan ko siya kung paano mangarap.


"Ikaw 'yung dahilan kung bakit gusto kong magbigay ng ngiti sa mga tao." Marunong na 'kong mangarap dati pa pero naging sigurado ako dahil sakanya. Nung una ko siyang makita... sila ng Mama niya, nakita ko na nagbago ang buhay namin ng Papa ko.


Naging desidido ako para mapangiti ang dating supladong anak ng dentista at bumalik ang dating ngiti ni Papa nang dahil sa tulong ni Dra. Esquivel.


I may be uncertain about a lot of things, but choosing him was the best choice.


Hindi ako nagsisisi na napamahal ako sa dentistry nang dahil sa ngiti at pamilya niya.


Sa totoo lang, natakot ako para sakanya. Paano kung mamatay din siya dahil sa plane crash? Paano na kami? Pilit kong tinataboy 'yon para lang makatulog ako nang maayos. Ayaw kong ibring up 'yon noong nag-usap kami dahil ayaw kong magbago ang isip niya. Ayaw kong magaya siya sa 'kin na nagbago ang pangarap dahil sa takot.


Kung 'yan ang gusto niya, susuportahan ko siya. Kung hindi siya natatakot, wala ring rason para matakot ako.


"Ano kayang itsura ng future natin, 'no?" tanong ko kay Arden. Naglalakad-lakad kami sa loob ng subdivision nila. Dinala niya 'ko rito para makipaglaro sa aso niyang si Twix, isang Pomeranian. Sayang lang at kailangan kong umuwi kaagad. Napakabilis talaga ng oras kapag masaya.

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon