"Walang ibang magmamana ng clinic kung hindi ikaw, Arden. Magdedentista ka sa ayaw at sa gusto mo."
Kung pwede ko lang sagutin ang magulang ko, ginawa ko na, pero hindi pwede. Sila ang nagpapa-aral sa 'min ni Ate kaya sila rin ang magdedesisyon. Buti pa ang Ate ko nagustuhan ang Med kahit pinilit lang siya, samantalang ako hindi na nga makasagot, hindi pa nakikita ang sarili do'n.
"Opo, Dad," mahina kong sagot.
Si Nadia ang nagturo sa 'kin kung paano mangarap. Nagkaron ako ng vision sa future ko nang dahil sakanya. Gusto kong mag-piloto kagaya niya. Hindi pa naman siya sigurado sa dentistry, e, gano'n din ako sa pagiging piloto. Ang alam niya, itutuloy ko pa rin ang pagdedentista. Hindi pa 'ko handang sabihin sakanya na gusto ko siyang maging katulad.
Captain Esquivel. Bagay naman ata sa 'kin.
Marami kaming pinagdadaanan ni Nadia sa kalahating taon naming magkasama. Saksi ako sa paghihirap niya sa Liwanag dahil hirap siyang mag-adjust sa pagiging transferee. Para mapagaan ko ang loob niya, sinusundo ko nalang siya mula sa school at sinasamahan ko siyang mag-aral sa bahay nila.
"Aral na aral ang pressy ko, ah," sabi ko nang makita ang noo niyang nakakunot at ang mukha niyang nakasubsob sa libro. Hindi niya 'ko pinansin at nagpatuloy sa pagha-highlight.
"Uy, Nayi, kain ka muna. Kanina ka pa nagbabasa d'yan. Sige ka, mauubos brain cells mo." Nilapit ko sakanya ang meryendang inihanda ni Papa Manny para sa 'min pero ayaw niya talaga.
"May problema ba, mahal?" mahinahon kong tanong.
"Wala. Mag-eexam na kasi ulit, mahal. Kailangan kong bumawi," aniya.
Tumango ako at inintindi nalang. May mga pagkakataon talagang hindi napapansin ni Nadia na tinutulak niya ang mga tao palayo sakanya at naiintindihan ko 'yon. Kailangan niya lang ng onting space kapag gano'n.
"Sorry," yumakap si Nadia sa 'kin nang manahimik ako sa tabi niya, "Bigat lang talaga, mahal."
Niyakap ko siya pabalik, doon siya nagsimulang umiyak kaya nag-alala ako. "Huy, mahal..."
"Bobo ba 'ko? Hindi ba 'ko magaling?" tanong niya.
"Ano ka ba, mahal, ang tali-talino mo kaya! Idol nga kita sa pag-aaral, e."
"Hindi ko ramdam," aniya, "Ang hirap pala do'n, Kap. Pakiramdam ko ang bobo-bobo ko."
"Anong nangyari?"
"Sa lahat ng subject na pwedeng magka line of 8, sa Science pa. Never pa 'kong nakakuha ng gano'n kababa, mahal. Naiinis ako sa sarili ko."
Ganyan talaga si Nadia. Kalaban niya palagi ang sarili niyang expectations. Kapag disappointed siya, masama ang tingin niya sa sarili niya. Hindi naman siya pinipressure sa bahay o ng kahit sino pero pakiramdam niya kailangan niyang i-please lahat ng tao.
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...